Kama
[ 0 Komento ] [ RSS ] Pumutak si Miko Reznor noong 04.29.2005
Pinagsabihan nanaman ako ni Pudra. Paano ba naman kasi, hindi ko inaayos yung kama ko pag bumabangon ako. Iniisip ko naman sa sarili ko, e matutulog din naman ako diyan e, bakit ko pa kailangang ayusin?
Pagkatapos kong isipin yon, tamang tama, sabi naman ni Pudra, kung hind raw ayos yung kama mo, palagi kang tatamarin kasi nasa isip mo na hinihintay ka ng higaan mo.
Napaisip naman ako don... Tama nga naman si Pudra...

Ang Aking TIN
[ 0 Komento ] [ RSS ] Pumutak si Miko Reznor noong 04.17.2005
Sa wakas! Meron na akong TIN! Nagtrabaho ako sa *ahem* na kumpanyang ito simula noong 08/18/2003 at ngayong 04/15/2005 lang nila naibigay sa akin ito. Grrr...
Naalala ko pa noong bagong tanggap lang ako doon. Meron silang mga pina-fill up na forms sa amin na sinubmit ko naman. Kasama doon ang BIR form 1902. Sabi pa nga nila, kung wala kaming TIN, sila na raw bahala kumuha noon para sa akin.
Pero nahalata ko, nung ma-regular na ako sa trabaho, wala pa rin akong TIN. Kagaya ng natural na proseso, ipinaalam ko ito sa aking bisor. Ang bisor ko naman ang nag-follow-up sa HR. Meron pa nga akong naalalang email na finorward sa akin ng aking bisor nung mga panahong iyon na sabi ng HR, "being processed" pa rin daw.
So, tuwing pay day, palagi kong ine-email ang aking bisor tungkol sa nawawala kong TIN. Noong Enero ng taong ito, napalipat ako ng team kaya meron nanaman akong bagong bisor. Sinabi ko sa kanya ang aking hinaing at sinabi niya, siya ang bahala.
Gitna na ng Pebrero noong nag reply ang HR. Di umano, kulang daw ako ng birth certificate at BIR 1902. Ano?!? E diba sinubmit ko na ang mga ito noong kakapasok ko pa lang diyan dahil ito'y mga requirements nila?!? Ano na ang nangyari sa una kong sinubmit?!? Napaka responsable naman talaga ng mga HR personnel na iyan at naiwala nila ang mga papeles ko.
Ang masakit pa diyan, kinakaltasan nila ako ng buwis tuwing sweldo. Hrmmm... Saan naman kaya napupunta ang mga "buwis" na iyon kung wala nga akong TIN nung mga panahong iyon?
Dapat talagang imbestigahan ang kumpanyang *ahem*epldvocativ*ahem* iyan ng mga kinauukulan e. Hmph!
Kaya siguro hindi umuunlad ang Pilipinas. Masyadong maraming mga nanggagago sa kapwa nila.

Si Kalayana
[ 0 Komento ] [ RSS ] Pumutak si Miko Reznor noong 04.16.2005
Ay ang anak ng aming driver na namamasukan sa amin bilang katulong. Tama. Mabuhay ang nepotismo!
Pero hindi tungkol sa nepotismo ang ipuputak ko ngayon. Ito ay tungkol kay Kalayana na talagang kakataka. Umiinom kasi ako ng tubig sa aming kusina at pumasok siya sa eksena. Ganito ang nangyari...Ako: *Umiinom*
Kalayana: Ate, galit po ba kayo sa'kin?
Ako: Baket naman?
Kalayana: Kasi po yung pera ninyo...
Ako: Ano'ng pera?
Kalayana: Kasi po nabasa ko po...Iniisip ko naman, ano'ng pinagsasasabi nito?!? Tapos, bigla kong naalala. Meron akong 400 sa bulsa ng aking pantalon na nakalimutan at hindi niya hinahalungkat ang mga bulsa ng mga damit (kagaya ng tinuro sa kanya ni Inay) kaya nalabhan niya ito.
Napakatagal na noon! Higit sa isang linggo at ngayon lang niya naisipang tanungin kung galit ako?!? Yung sagot pala, hindi.
Napakababaw ko naman para magalit sa napakaliit na bagay. Hmph!
Ito pa kakaiba sa kanya... Masyado siyang magugulatin. Magkakasalubong lang kami, magugulat na siya tapos didikit siya sa pader - Spider Man style! Parang meron akong sakit na nakakahawa at ayaw nyang madikitan ako.
Sabi nga ni Ninong, kailangan niyang mag-aral ng "Personality Development" at sumasang-ayon ako sa kanya