Pagkukulang
[ 0 Komento ] [ RSS ] Pumutak si Miko Reznor noong 08.23.2005
Hrmmm... Naaalala ko noong mga panahong nakakita kami ng aking mga kaibigan ng isang tao na nililitratuhan ang sarili habang nakatingala gamit ang kanyang cellphone. Tawagin na lang natin siyang Tars. Noong mga panahong iyon, lihim namin siyang tinatawanan. Akala pa nga namin, may pagkukulang ang kanyang mga magulang kaya siya ganoon.
Ngayon ko lang naiintindihan ko ang mga dahilan ni Tars. Kaya, mga kaibigan, kung nakalimutan ko mang ikwento sa inyo ito, isusulat ko na lang dito... Kaya siya ganoon ay dahil gusto niyang lubusin ang "lighting ". Siguro, gusto niyang maputi ang kalabasan niya sa kanyang litrato kaya ganoon. Naisipan ko ito noong nililitratuhan ko ang aking sarili sa aking kwarto mga nakalipas na dalawang gabi. Mas maputi nga ang kinalabasan kung nakatingala sa ilaw kumpara sa normal na posing.
Yun lang. Gusto ko lang ibahagi ang aking nalaman. Hanggang sa muli!

Bayarin
[ 1 Komento ] [ RSS ] Pumutak si Miko Reznor noong 08.12.2005
Natanggap ko ang bill para sa hosting ko sa Blinding-Light.COM at due ito sa ika-14 ng Agosto. Pinadala ito ng aking host noong 2:55 ng madaling araw ngayon at kaninang 2:00 ng tanghali ko lang nabasa sa aking email. Kakainis! Kung hindi ko pa pala natingnan ang aking email, hindi ko pa malalaman na kailangan kong bayaran iyon. Hmph!
Hindi ba nila kayang ipadala iyon sa aking mga isang linggo bago ito due?!? Hindi man lang nila ako binigyan ng pagkakataong makapagbayad kung kailan ko gusto. Sarado pa naman ang mga bangko tuwing Linggo kaya ngayon lang ako pwede makapagbayad. Minadali ko pa ang panliligo dahil magsasara ang bangko ng 4:00 ng hapon. Ayaw ko pa naman lumabas ngayon dahil umuulan ng malakas. Argh!
Nakapagpakunot pa ng noo ko ay hindi ako pinayagang dalhin ang kotse. Namasahe lang ako. Bumabaha pa naman sa labasan namin... Paano naman ako matututong magmaneho kung gusto ni Pudra na palagi akong may kasamang bisor habang hawak ko ang sasakyan? Bwiset. Di sana hindi na lang niya ako tinuruan kung hindi rin niya ako pagkakatiwalaang gamitin iyon
Sa ibang balita, binalik ko na ang mga ads sa Blinding-Light.COM at Self-Destruct.NET. Paki click naman ang mga ito para kumita ako kahit papaano. Salamat!

Puk-Puk-Putak!
[ 0 Komento ] [ RSS ] Pumutak si Miko Reznor noong 08.07.2005
Hay, nako. Ngayon ko lang naisip na napaka ginhawa na magkaroon ng blog. Lalo na kung ito ay salin sa Tagalog. Wala talagang kukumpara sa iyong pambansang wika... At, kung may kinaiinisan kang banyaga, pwede mo silang libakin at hindi nila malalaman. Nyahahahahah!
Marami akong nababasa sa internet na tinatawag na "Pet Peeves" ng ibang tao. Wala naman talaga akong pake kung ano man ang kinaiinisan ng ibang tao pero, minsan, inaaliw ko na lang ang sarili ko sa pagbabasa ng mga ito. Merong isa na nagpakulo ng dugo ko. Sa pagkakaintindi ko, sabi ng taong ito na hindi daw dapat magreklamo ang mga nagmamay-ari ng mga blog kung meron silang bisita na nagkomento laban sa kanya. Dinagdag pa niya na dapat daw magpasalamat pa ang mga may blog dahil may nagtitiyagang bumisita sa blog mo.
Mawalang galang na lang hah! Salungat sa iniisip mo, hindi lahat ng mga mayroong blog e hangad magkaroon ng maraming bisita. Kagaya ko, tinayo ko ito dahil mas gusto kong mag-type kesa magsulat sa papel. Kung merong ibang nagbasa, e di ok. Kung wala, ano ngayon? Hindi naman iyon ikinabawas ng pagkatao ko.
Naalala ko tuloy ang aking mga guro, Mr. Samuel Geronilla at Bb. Precy Lugtu-Reyes, noong ako ay nasa mataas na paaralan ng Elizabeth Seton School. Ilan lang sila na nagsasabi na kailangan mong isumite ang iyong "journal" dahil kasama ito sa iyong grado. Alam nyo ba kung ano ang tingin ko sa mga maestrong humihingi ng mga ganito? Mga chismoso! Lalo na pag ang binibigay nila sa aking marka ay mababa pa sa 95%. Ginagalit akoh!
Ingles ang tinuturo nila at hindi creative writing. Dapat pinagbabasehan nila ang iyong grado sa iyong pagbabaybay at balarila (at halos wala akong pagkakamali don). E sa gusto kong magsulat tungkol sa aking crush o nursery rhymes na nagustuhan ko. Kaligayahan ko ang mga bagay na iyon e. Ano ba gusto nilang isulat ko sa aking journal?!? Kung mababa ang binibigay nila sa aking marka, pakiwari ko, ganoon din kababa ang pagtingin nila sa aking damdamin. Hmph!
Maiba nga ako... Hindi ako madalas bumisita sa mga blog ng iba at ngayon ko lang nahalata: Laking ganda ng akin kesa sa inyo (lalo na ang mga nasa libreng server)! Ito lang ang masasabi ko: Beh! Nyenyenyenyenye!