Bokabularyo Ni Miko
[ 3 Komento ] [ RSS ] Pumutak si Miko Reznor noong 11.29.2005
Marami sa aking mga kakilala ang nagsasabing kakaiba akong magsalita. Bukod sa may ala-Nora Aunor akong punto, ang bokabularyo ko ay magkahalong "gay language" at slang. Pero kahit ganoon ako, sa di mapaliwanag na dahilan, naiimpluwensyahan ko ang aking mga nakakasama na gamitin din ang kakaiba kong lenggwahe.
Bago tayo mag-umpisa, alalahanin ninyo na ako'y isang mapanlait na tao
Ito na ang ilan sa mga salitang ginagamit ko, ang ibig sabihin nito at, kung posible, ang kanyang pinag-mulan...
Anacondas. Sa diksyonaryo, isa itong malaking ahas. Sa akin naman, isang nilalang na inaahas ang taong meron nang katipan. Mang-aagaw ng boyfriend o girlfriend.
Baklah! Tawag ko sa aking mga malapit na kaibigan babae man o lalake o tunay na bakla. Siyempre, kung hindi ko ka-close yung taong sinasabihan ko nyan, baka ma-offend, diba?
Baks. Pinaiksing salitang "bakulaw". Madalas na ginagamit sa mga panget na lalake.
Itutuloy ang "Bokabularyo Ni Miko"...

Online Banking Daw O
[ 0 Komento ] [ RSS ] Pumutak si Miko Reznor noong 11.23.2005
Nagpabukas ako ng account sa BPI kay Brother-dear noong nakaraang Biyernes (??? - kalimutan ko na kung kailan iyon). Wala naman talaga akong balak magbukas noon ngunit dahil palaging pino-promt na baguhin ang password sa online banking ng Equitable PCI Bank, kung saan meron din akong account, nakalimutan ko kung ano yung pinalit ko at hindi ko na ito mabuksan sa internet.
BPI naman yung pinili ko kasi yung host ko ay meron ding account doon at nabalitaan kong nanalo ang web site nito sa Philippine Web Awards. Akala ko madali lang ang online banking nito (kagaya sa Equitable PCI Bank) pero ako'y nagkamali!
Bago ka pa magpa-fund transfer, kailangan mo pang i-enroll ang account na pagdedeposituhan mo sa isa sa kanilang mga branch. Hindi mo ito pwedeng gawin sa internet ng basta basta lang. Argh! Kaya ko nga binuksan iyon dahil ayaw kong labas ng labas ng bahay at pumila kung saan saan para lang makapag bayad ng aking hosting bills. Kung lalabas ako, gagastos ako ng pamasahe, pagkain, tapos baka mawili pa ako at mag-shopping... Malaking gastusin iyon... Kaya sa internet ko gustong gawin ang aking mga transaksyon. Talagang ginagalit akoh!
Ano ba ang dahilan kung bakit sila nanalo sa Philippine Web Awards?!? Siguradong hindi ito dahil sa convenience. Hwag mong sabihin dahil ito sa kanilang disenyo. Excuse me! Hindi siya kagandahan noh! Yung JavaScript navigation nga nila e hindi gumagana sa Opera browser ko e! Nag-o-overlap ang mga link items nila sa isa't isa at halos hindi mo sila mabasa. Bhaket sila nanalo, vhakhet?!?
Hay, nako. Maghahanap na lang ako ng ibang paraan para ma-access ko uli ang aking online account para sa Equitable. Tumawag ako sa kanilang customer service hotline at meron pa raw akong 3 pagkakataon para hulaan ang aking password. Susubukan ko uli kung gumagana ang mga kadalasang gamit ko... At hindi pa rin gumagana... Mukhang pupunta ako sa bangko kung saan ko in-open ang aking account para makapasok ako uli...
Walang kinalaman ito sa pinagsasabi kanina pero gusto ko lang ibahagi sa inyo dahil natuwa ako noong nalaman ko na merong nakapunta dito na nagmula sa Google gamit ang keywords na "mga bold na laraWAN NG MGA SEXY BABAE". Bwahahahah! At nasa unang pahina pa ang PUTAK! Gusto ko lang ipaalam sa inyo na meron ngang sexy na babae rito *ahem* ngunit walang larawan na naka hubo o hubad dito. Isa itong wholesome na web site.
Yun lang. Hanggang sa muli!

Sun Cellular Etchos
[ 3 Komento ] [ RSS ] Pumutak si Miko Reznor noong 11.17.2005
Hindi ko alam kung ano'ng problema ng Sun Cellular pero talagang ginagalit nila akoh! Nagsimula ito ilang araw na ang nakalilipas. Tuwing tumatawag ako, palaging sinasabi Check Operator Services. Alam ko naman binayaran ni Mudra ang aking bill kasi lagi nyang sinasabi sa akin na may utang ako sa kanya dahil dito. Hindi ko naman masyadong pinapansin dahil minsan lang naman ako tumatawag.
Pero, kahapon, may appiontment ako sa isang prospektibong kliyente at nainis ako dahil hindi ko pa rin magamit ang telepono ko. Nakakapag-text ako pero hindi ako makatawag. Tapos kanina, mayroong mama na nagde-deliver ng package para kay Mudra mula sa NSO at walang iniwang authorization letter. Gusto niyang tawagan ko si Mudra para makausap nya na pwede kong tanggapin ang dala nya. Hindi pa rin gumagana!
Tawag naman ako sa wakas sa hotline ng Sun Cellular. May mamang sumagot. Sinabi nga nya na wala naman daw problema sa billing. Tinanong ako kung nasa Line 1 ang aking phone settings at kung naka-off ang Fixed Dialling. Oo naman ako pagkatapos kong tingnan ang aking telepono. Sabi naman niya, i-reset ko raw ang aking telepono. Anoh?!? Iniisip ko yung Restore factory settings at siyempre di ako papayag pag ganoon. Loko ba sya?!?
Ibig pala niyang sabihin, patayin ko ang telepono ko at tanggalin ang battery at SIM. Pagkatapos ng 15 minuto, ibalik ko sila at buksan ang telepono. Sinigurado pa niya sa akin na gagana ito. Hu-whaat?!? Bakit ko pa kailangan tanggalin ang aking battery at SIM?!? Hindi ba pwede patayin ko na lang ang telepono ko ng 15 minuto? At bakit ganoon katagal?!? Napakabulok ba ng sistema nila na kailangan ng mahabang panahon para maayos ito?!? Pero sige. Dapat gumana iyon ha dahil ayaw kong mawawala ang oras sa aking telepono...
So, hindi gumana yung sinabi ng bruhong iyon! Bwiset talagah! Tawag naman ako uli. Babae naman ang nakasagot. Bago niya ako tinulungan, nagtanong muna sya kung ano ang billing address at kung ano yung plan ng telepono ko. Nakapangaln kasi ito kay Pudra kaya kailangan niyang i-verify na authorized ako. Hindi man lang ako in-authorize ng lalakeng nauna! Hmph!
Authorized na nga ako. Walk-through kami ng steps sa phone ko. Masyadong mabilis nga lang yung mga direksyon nya pero nakasunod naman ako. Nadiskubre kong yung Send my caller identity ay naka-off at dapat palang naka-on ito. Di ko alam kung bakit napa-off iyon. Maraming nakikigamit ng telepono ko dahil may linya ito... Anyways, sabi pa niya, i-reset ko ang telepono ko. Inisip ko naman yung sinabi ng mama na tanggalin ang battery at SIM pero sabi naman ng babae, patayin lang daw ang telepono ng ilang minuto at bubuhayin uli.
Nagalit naman ako. Bakit iba yung sinabi sa akin ng lalakeng nauna? Kung tama ba naman mga pinagsasasabi niya, di sana hindi ako tumawag uli at ayos agad ang telepono ko. Tanong ko pa don sa babae kung kilala nya yung unang nakausap ko. Hindi raw at tinanong nya sa akin kung ano'ng pangalan nung mama. Dahil hindi nila sinasabi ang kanilang pangalan pag sumasagot sila sa mga tawag, hindi ko alam.
Maghuhurumintado pa sana ako pero naalala ko ang mga bagay na sabi ko sa sarili ko na dapat kong matutunan: pasensya at pagpapakumbaba. Natigilan naman ako. Hindi rin naman nya kasalanan kung tatanga-tanga yung lalakeng iyon. Sinabi ko na lang na sana i-train nila ng maigi ang kanilang mga tao. Tapos, nagpasalamat at nagpaalam na ako sa kanya.
Dahil dito, nadagdagan nanaman ang sama ng loob ko sa Sun Cellular. Mahigit 2 taon na akong subscriber nito pero kailangan pa rin nila ng maraming pagbabago. Una, wala silang signal sa probinsya namin sa Laguna. Pangalawa, ang hirap tumawag dahil sa 24/7 program nila. Biglang mapuputol ang linya habang nakikipag-usap ka, mahirap tumawag dahil "Network Busy" raw at minsan, nawawalan ng signal ang telepono ko tuwing peak hours. At, pangatlo, below average customer service.
Biruin nyo, meron silang feature na magbabayad ka ng dalawandaang piso (P200) para hindi paputol-putol ang linya at laging pasok ang tawag mo at hindi ka na magkakaroon ng "Network Busy" error. Ano bang klaseng feature 'yan?!? Hindi ba't dapat ganoon naman talaga ang kanilang serbisyo?!? Nako hah! Magtigil-tigil nga sila diyan! Hindi kami magbabayad para don!!! Siguro kailangan nila ng pondo pambayad don sa Jay-R na iyon na hindi naman kagwapuhan at mukhang goon para i-promote sila. Hmph!
Ang moral ng istoryang ito: mas magaling lang talaga ang mga babae kesa mga lalake. Bwahahahahah!
Maiba nga tayo. Mali pala ang pagbabaybay ko ng Enkantadia. Ang tama pala ay Encantadia. Yun lang. Hanggang sa muli!