Sikat!

[ 0 Komento ] [ RSS ] Pumutak si Miko Reznor noong 08.08.2006
Bago ang lahat, Gusto ko lang sabihin sa inyo na tapos na ang revamp ng Absolutely Precious. Kung may web site kayo, i-submit nyo ito para malista doon. Hindi nyo na kailangang mag link sa AP pero mabuti naman kung gagawin ninyo Smiley: Smile.

Ngayon, sa aking komentaryo... Hay, nako. Ang dami talagang mga inggitera sa mundo. Marami akong nakikitang nagpo-post sa kanilang web site na meron daw mga kilalang may-ari ng web site na hindi karapat-dapat na maging sikat. Naiinis ako sa mga taong nagpo-post ng mga ganyan. Halatang-halatang wala silang alam. Mga ignorante!

Siyempre, kung sikat yung web site na iyon, dapat lang. Baket? Dahil meron silang ginagawang tama kaya binabalik-balikan sila ng kanilang mga bisita. Kung sumasama ang loob mo dahil pakiramdam mo mas dapat pumunta ang mga tao sayo pero hindi sila dumarating, sino ang may kasalanan non? Siguradong hindi yung mga sikat na "umaagaw" sa bisita mo kundi ikaw ang may problema dahil may mali kang ginagawa.

Imbes na magmukmok ka dahil walang pumapansin sa iyo, gumawa ka ng paraan para sila ang pumunta sa iyo! Ang akala mo ba ay walang kahirap-hirap na sumikat bigla ang mga web site na iyan? Ang mahirap kasi sa mga tao ngayon, may mga "Lucky Me" mentality. Ano ba ang "Lucky Me" mentality? Diba ang "Lucky Me" e brand ng instant noodles? Parang ganon ang mga taong may web site ngayon. Gusto nila, sikat sila agad.

Alam mo bang hindi na espesyal ang pagkakaroon ng web site? Siguro noon, nung mahal pa ang mga domain name at hosting matuturingang espesyal ka pero ngayon, napakamura na ng mga ganyan. Kahit bata meron na. Nabasa ko rin na bawat taon, milyong-milyong web site ang nagagawa. Ito lang ang masasabi ko sa inyo, sa dinami-dami ng mga web site sa mundo, higit pa sa mainit na tubig ang kakailanganin nyo para sumikat kayo sa internet. Walang "just add hot water" dito.

Itutuloy ang "Sikat!"...

Revamp Chuva

[ 0 Komento ] [ RSS ] Pumutak si Miko Reznor noong 08.03.2006
Nakuuu! Gusto ko nang bunutin mga buhok ko sa uloh! Kakainis! Sinusubukan kong i-revamp ang Absolutely Precious. Sa lahat kasi ng mga site ko, iyon ang pinaka bulok pagdating sa coding. Paano ba naman kasi, 2003 ko pa iyon ginawa noong nagsisimula pa lang ako mag PHP at mySQL.

Buti nga, hindi siya masyadong kasikatan. Pumapatak ng 10 bisita ito araw-araw kaya walang nagkaka-interes na i-hack ito. Heheheh. Alam nyo bang hindi man lang ako gumagamit ng strip_tags don? Nyahahahahah!

Itutuloy ang "Revamp Chuva"...

Pinutak Noong Agosto 2006

« Bumalik | 1 | 2 |