Si Pudra

[ 0 Komento ] [ RSS ] Pumutak si Miko Reznor noong 12.09.2006
Kamakailan ko lang nalaman na bukod sa aming mga mata, tainga at ilong, marami kaming pagkakatulad ni Pudra. Kagaya ko, mababaw din sya. Tingnan nyo na lang ang sinabi niya sa akin nung hindi ako nagmaneho dahil mag aalas 7 na at alas 8 ang pasok namin. Medyo mabagal ako magmaneho at ayaw kong mahuli kami...

Sinabi ni Pudra:

Dapat ikaw na lang ang magmaneho. Magugusot ang damit ko (dahil sa seatbelt).

O, dibah! Gusto nya ako magmaneho hindi para masanay ako kundi dahil sa damit nya. Para namang hindi rin sya masi-seatbelt kung nandon sya sa passenger seat. Heheheheh... Pudra talaga o. Smiley: Grin.

Ito pa ang isa...

Pudra: Ano'ng ginawa mo sa Landmark?
Ako: Bumili ng sabon.
Pudra: Ano namang sabon?
Ako: Pampaputih!
Pudra: Hahahah! Di ka na lang sana bumili. Di naman tatalab iyon sa'yo.

Nyahahahahah! Nilibak ako ni Pudrah! Kakaaliw naman. Di ko inakalang mapanlait din sya kagaya ko. Magkamag-anak nga kame. Smiley: Laughing out loud.

Totoo nga siguro ang kasabihang ito:

Birds of the same feather ay mga ibon.

Bwahahahahah! Pudra! Bati tayo, hah!

Maiba naman ako. Iniimbitahan ko kayong lahat na sumali sa Kwentuhan. Isa itong forum o message board. Kukulay ang mundo nyo kung pupunta kayo don (literal ito). Makipag-kwentuhan kayo sa amin don. Ang username ko don ay Miko. Kitakits na lang!

Itong parteng ito ay para sa akin para di ko makalimutan...
- Gawing tableless ang Putak
- Ang laptop ni Pudra