Sa Likod Ng Blinding-Light.COM

[ 1 Komento ] [ RSS ] Pumutak si Miko Reznor noong 06.29.2006
Mga bagay na hindi nyo alam tungkol sa Blinding-Light.COM...

Binili ko ang domain at hosting dahil wala akong magawa.
Isang araw, dahil sa kabagutan at pagkasabik sa domain name, naisipan ko na lang na bumili nito. Iniisip ko ng mga panahon na iyon, gusto ko, e di bibilhin ko. Binayaran ko lahat pati 1 taong hosting. Noong nabayaran ko na ang lahat at meron na akong domain at hosting, wala naman akong maisip na gawin dito.

Hindi naman talaga ako pala-imik (heheh, totoo) na tao kaya hindi ko iyon ginawang blog. Ang gusto ko talaga ay buhaying muli ang aking web site, [WAR] WebMasters' Anime Resource, pero syempre, hindi na bagay ang domain name doon. Kaya ang ginawa ko, e ni-recycle ang mga layouts na dati ko nang ginawa. Doon nagsimula ang Blinding-Light.COM.

Isa sa dahilan na ginawa ko ito ay para makapag-practice mag-code.
Dahil mangilan-ngilan lang ang mga libreng host na mayroong PHP at mySQL, naisipan kong doon na lang ako sa paid hosting para makapag-practice ako kung paano mag code. Learning by doing, ika nga.

Pampalipas ko ito ng panahon.
Tama. Ang pangunahing dahilan kung bakit ko iyon ginawa ay para aliwin ang sarili ko. Mabuti kung gusto ng mga tao ang mga pinaggagagawa ko sa aking site. Pero kung hindi, intindi ko namang you can't please everyone. Basta ako nasisiyahan sa mga ginagawa ko, at meron akong napagtutuunan ng pansin pag wala akong ginagawa, kontento na ako don.

Ang mga "updates" na dinadagdag ko ay matagal ko nang ginawa.
Sabi ko sa inyo, pampalipas ko lang iyon ng panahon. Kaya kung meron akong oras o inspirado ako o gusto ko lang, gumagawa ako ng mga layouts/brushes/templates/backgrounds o nagsusulat ng tutorial o nage-extract ng PNG. Pero hindi ko sila agad pino-post sa aking site. Minsan kasi hindi ko feel gumawa kaya iniipon ko lang sila at paisa-isa ako kung mag-post ng updates. Karamihan nga sa dinadagdag ko, ilang buwan na ang nakalilipas noong natapos ko silang gawin.

Kaya doon sa mga nag-aakalang napaka sipag ko dahil bawat linggo, nag-uupdate ako, haha. Ipagpatuloy nyo ang pag-iisip ng ganyan! Smiley: Sticks out tongue.

Ang Terms Of Use ay hindi ko mahigpit na pinapatupad.
Nandoon lang sila para sa pormalidad. Sa totoo lang, marami na akong pinalampas na tao na lumalabag sa aking Terms Of Use. Hindi ko na lang sila pinapansin. Hinahayaan ko na lang na karmahin sila. Sakit lang ng ulo kung aawayin ko pa sila e.

Si Lola ATBP.

[ 5 Komento ] [ RSS ] Pumutak si Miko Reznor noong 06.16.2006
Grabeh na talaga itoh! Ang Lola (hindi ko kamag-anak, Lola lang ang tawag namin sa kanya) ko ay magpapakasal nah sa ika-4 ng Hulyo ngayong taon! At, alam nyo bah, napabalitang nagkaroon sya ng jowa noon lang Pebrero. Naaalala ko yun dahil kabababa lang ng eroplano namin sa Boracay nang nakatanggap ako ng text na nachismis ngang may kasintahan na si Lola.

Ano ba iyan! Suspicious! Bhaket ang bilis? Nang nakapanayam namin ang aming Lola sa email, sabi nya, civil wedding lang daw ito at wala silang wedding reception! Ako, bilang paboritong apo, siyempre ay nagtataka. Hindi ako imbitado? At walang engrandeng pakain?!?

Sabi naman ni Lola na mayroon daw mabigat na dahilan at ayaw daw nyang magulat akoh kaya kung magkita na lang kami saka ko malalaman. Ano pa nga bang dahilan ang pinagsasasabi nya na magugulat ako? Di malamang, nagdadalang tao na sya! Bago tayo magpatuloy, yon e teorya ko lang hah. Hindi pa niya kinukumpirma. Ipagpatuloy natin...

Ang Lola ko, magiging nanay nah! Biruin nyo, sinong mag-aakalang ang gurang na gurang (teenagers pa lang ang aking mga magulang noong una syang huminga) kong Lola na nangungulubot na ay magiging isang ina? Dati nga, iniisip kong inaamag na ang kanyang pechay. Hahahah! Joke, joke, joke! Ang tanging naikwento nya sa amin dati tungkol sa "love life" ng kabataan nya ay nung nagka-jowa raw sya ng 3 linggo lang. Ano itoh? 3 linggong pag-ibig? Hanggang ngayon, pinaniniwalaan ko na kathang isip lang nya ang lalakeng 'yon! Smiley: Laughing out loud.

Bwahahahah! Pero, marami nang nakakita kay Lolo (inuulit ko, hindi ko kamag-anak) ni Lola kaya mukhang totohanan na ito. Kakaiba talaga ang alindog ng mga matatandah! Nahumaning ata sa kanyang boses ang bago kong Lolo. O kaya naman, naramdaman ni Lola na huli na nyang pagkakataon ito kaya hindi na pinakawalan ang Lolo. Nyahahahah!

Ang sama ko, dabah? Haha. Ganito talaga kami maghiritan ni Lola. Kaya hindi ako natatakot na basahin nya ito. Alam pa nga nya ang URL nito e. Intindi naman nyang ganito talaga ako. Heheh. Anyways, Lola, kung saan ka masaya, di suportahan taka. Basta pag na-tsugi ka, wala akong kahati sa mana hah! Smiley: Laughing out loud.

Sa ibang balita, iniimbitahan ko kayong lahat na sumali sa Blinding Light MB. Ito ang message board ng aking web site, Blinding-Light.COM. Meron ding forum para sa ating mga Pinoy doon. Kaya sali na kayo!

Ang ikatlong taon ng Blinding Light Web Awards ay nag-umpisa na rin! Doon sa may mga web site, sali kayo sa paligsahang ito. Maraming salamat!

Sun Cellular Bulok!

[ 2 Komento ] [ RSS ] Pumutak si Miko Reznor noong 06.07.2006
Hay, nako. Eto nanaman ako at nanggagalaiti nanaman sa Sun Cellular! Grrr... Smiley: Blowing up in anger.

Para maging sakto ang pahayag ko, ang oras ngayon ay 11:45 ng umaga. Katatawag ko lang sa Sun Cellular wala pang 3 minuto ang nakakaraan. Dalawang araw na kasi akong walang signal. Nagpunta na ako sa Settings > Network Connection > Manual. Select ko na ang Digitel at hindi ako maka-connect. "No Access" ang palagi kong nakukuha. Kaya nagpasya ako na tawagan sila.

Si "Suzette" ang nakasagot. Noong una, tinanong ko sa kanya kung magkano ang bill ko. Sinabi nya ang halaga. Tanong ko naman kung kelan ito due. Sabi niya sa akin ang petsa. Nakikita nyo ba ang mali doon? Dapat nung sinabi nya ang halaga, saka rin nya sinabi kung kelan ang due date. Bakit kailangan ko pang tanungin? Diba nakapag-verify na ako nung tinanong nya ako ng mga billing address, middle name at kaarawan ni Pudra (sa kanya kasi nakapangalan ang telepono ko), etc? Bakit hindi pa niya sabihin sa akin iyon? Hindi ba nya alam na kailangan ko rin iyon?!? Bilang dating GRO *ahem*callcenteragent*ahem*, partikular ako sa mga ganong klaseng bagay. Dapat proactive sya at perceptive sa mga pangangailangan ng customer. Hmph!

Pero nawawala na tayo sa totoong pakay ko kaya ako pumutak. Ok, pagkatapos non, tinanong ko kung naputulan ako. She placed me on hold. Paano ba ang Tagalog non? Malaswa ang naiisip ko e... Anyways, hinold nya ako - nanaman! Tuwing magtatanong ako sa kanya, palagi nya akong hinohold. At, wala pa silang hold music hah! O, baka nag mute lang sya kaya wala akong naririnig na hold music... E, basta! Napakatagal ng mga dead air na iyon! Unacceptable! Sabi ko nga, dati akong GRO kaya pinupuna ko ang mga ganoon.

Nawawala nanaman... Sabi naman nya, hindi naman daw ako naputulan ng serbisyo. Kaya tinanong ko sa kanya kung baket wala akong signal noong nakaraang mga araw. Tanong naman nya kung nagawa ko na yung Settings > Network Connection > Manual. Siyempre naman noh! Ano ako, taga bundok na hindi pa nakakakita ng cellphone sa buong buhay koh? Pero hindi ko iyon sinabi. Sabi ko nga, oo at "No Access" ang palagi kong nakukuha pag pinili ko ang Digitel.

Ayaw ko nang pahabain kaya short-cut na lang: Hold. Tanong niya address ko at kung anong unit. Hold. Matagal na hold. Sabi nya sa akin ang aking report number kung ano man iyon (tama, hindi sinabi kung para san iyon). Pinayuhan ako na 3 working days bago gumana. Meron pa raw ba akong kailangan? 3 working days?!? Oo raw. Wala na. Thank you for calling Sun Cellular. *Dial tone*

At, yung dial tone na iyon ay dial tone talaga. Yung para bang naasar sya sa akin at pinindot nya ng matagal ang isa sa mga numero sa telepono. Akala nya hindi ko iyon napansin?!?

Siyam na minuto at labing walong segundo ang itinagal ng tawag kong iyon. Kasama na ang voice prompt at mga dead air. Ganoon katagal at hindi pa kasama don yung matagal na dial tone nya hah! At wala rin akong napalah! Kainis talaga ang kalidad ng customer service dyan sa Sun!

Malala pa diyan, tatlong araw bago gumana ang telepono koh?!? Sabi pa nung girlalush na iyon na subukan ko raw constantly yung Network Selection > Manual. Huwhaaat?!? Constantly?!? For 3 days?!? Sino ba namang iisip na hindi nga sila bulok kung ganyan ang sinasabi sa iyo ng kanilang customer service representative?!? Nakuuu!!! Smiley: Mad.

Hindi naman talaga ako mahilig sa mga cellphone. Hindi ako adik sa text at halos ginagamit ko lang iyon para tumawag, hindi pa ganoon kadalas. Kung tutuusin nga, wala akong nakikitang matinding pangangailangan para sa aking cellphone ngayon o sa mga susunod na araw. PERO... Isa pa rin naman akong subscriber ng Sun. Kaya ine-expect ko na maasahan ko ang serbisyo nila. E sa lagay ngayon, mukhang wala na talagang maaasahan sa kanila... Smiley: Snob.

Pagbabago noong ika-8 ng Hunyo 12:50PM:
Napansin kong meron na akong signal.