Argh! Pakialamerah!!!

[ 0 Komento ] [ RSS ] Pumutak si Miko Reznor noong 10.14.2006
Ang pinaka ayaw ko pa naman ay ang mga taong nakikialam sa mga gamit koh! Nakuuu!!!! Smiley: Blowing up in anger.

Minsan kase, nago-golf kami ni Pudra kaya lagi kong nilalagay yung golf shoes at gloves ko sa isang plastik para lagi silang handa sakaling maglalaro kami.

Itong magaling naming katulong, nilinis ba naman ang kwarto ko at tinanggal sa plastik yung sapatos ko at pinagtatapon lahat ng plastik sa kwarto ko. Ngayon, nawawala ang aking golf gloves. Hindi sya kasama ng aking sapatos! Grrr... Smiley: Mad.

Alam ba niya kung magkano iyon?!? Kabibili lang non nung nagkamaling nilabhan ng dati naming labandera ang luma kong golf gloves! Argh!!! Sa tingin ba ng mga naging katulong namin, pinipitas lang sa puno ang mga gloves na iyon at madali silang napapalitan?!? Yung bago kong golf gloves na iyon ay leather (hindi sheep skin kagaya ng dati kong gloves) at mas mahal ng 400 kesa sa luma ko. 1200 Piso iyon!!! Rawr!!!

Hinalungkat ko na ang kwarto ko pero hindi ko sya matagpuan. Kanina ko pa gustong sumigaw kaya lang baka mapagkamalan akong loka ng mga kapit-bahay name. Aaaahhh!!!! Iyak na lang ako... Smiley: Crying.

Pagbabago noong 10.16: Natagpuan ko nah! Alam nyo ba kung saan ko nahanap ang aking pinakamamahal na gloves?!? Sa hamper koh!!! Argh!!! Hinalughog ko na lahat ng sulok ng kwarto ko pero hindi ko nahanap. Naalala ko yung dati naming labandera na nilabhan yung luma kong gloves kaya inisip kong tingnan ang hamper ko at nandon ngah!!!

Ano ba namang klaseng mga katulong ang mga napupunta sa amen. Siyempre hindi ako ang naglagay sa hamper ko noh! Buti na lang nailigtas ko ang aking mamahaling gloves dahil kung hindi, baka nalabhan nanaman siyah!

Kahapon, tinanong ako ni K (katulong) kung galit daw ako sa kanya, sabi ko, "Hinde." Sabi pa niya hindi raw siya kumukuha ng hindi sa kanya. Inisip-isip ko sa sarili ko, alam ko namang hindi sya magnanakaw e. Ano ba namang gagawin nya sa golf gloves?!? Pero ang akin lang, kung maglilinis sya ng kwarto ko, linisin lang nya. Wag nyang ilagay kung saan saan na hindi naman dapat kalagyan ang mga gamit ko. Tama lang iyon, dabah?