Anomalya sa Post Office
[ 2 Komento ] [ RSS ] Pumutak si Miko Reznor noong 04.24.2007
Talaga namang laganap ang korupsyon sa Pilipinas o. Paano ba naman kase, nung nakaraang buwan, omorder ako ng komiks sa Amazon. Ang mahal ng binayad ko sa shipping, hindi pa ihinatid sa aken. Sa halip, ang natanggap ko ay liham galing sa munisipyo ng Las Pinas na nasa kanila raw ang package ko galing sa Amazon at kailangan ko raw itong kunin don.
Anoh? Vhaket hindi nila dinala sa bahay namen? Ilang beses na akong umorder sa Amazon pero hindi pa ako nagkakaproblema ng ganyan. Kahit naman walang tao sa bahay namin, iniitsa lang nila ang mga padala para sa akin sa aming gate. Ano naman ang nangyari at hindi na nila iniwan sa amin ang kahon ko?
Busy (kuno) ako kaya pinapunta ko si Blitzwing para kunin ang aking komiks. Abah! At pagkarating naman sa akin, bukas na ang aking kahon. Sabi raw ng mga tao sa munisipyo, kailangan daw nilang tingnan kung ang laman non ay taxable. Ang malala pa rito, pinabayad pa si Blitzwing ng P35 dahil daw kinamkam nila ang aking package. Tama ba iyon?!? At, eto pa. Nakakapagtaka na puno ng tatak na "April 19 2007 Las Pinas Post Office" ang kahon ko e noong ika-19 ng Abril din namin natanggap ang liham na kunin ko raw sa kanila ang padala sa akin.
Ano yun? Nung araw din na iyon nila nakuha sa kanilang himpilan ang aking package pero hindi man lang nila idineliver sa bahay namin?!? At pinabayaran pa kami dahil lang sa katamaran nilah?!? Kitang kita naman sa sticker na idinikit ng US Postal Service (USPS) na 3 libro ang laman ng kahon ko, so hindi nila pinaniniwalaan ang USPS? Nakikipag-kuntsaba sa akin ang USPS para hindi ako magbayad ng buwis. Ganon ba pinapalabas nilah?!? Hmph!
Sa tingin ba nila, porke international galing ang padala sa akin, makakasawsaw sila sa mga laman non?!? Bwiset!
Kani-kanina lang, nakatanggap ako ng postcard galing kay Maja. Hanggang sa maaari, ayaw kong mag Ingles pero para maintindihan ng aking sinasabihan, thank you very much for the wonderful postcard, Maja!
At hindi pa ako humingi hah. Kusa nya itong ipinadala sa aken. Yay! Espesyal ako. Heheh... Sumakatwid, lumalabas na pag mga postcard lang na kitang kita nila kung ano nakasulat, hinahatid nila sa bahay namen. Pero pag nakakahon na di nila malaman kung ano laman, kinakamkam nila. Ang galeng. Kaya nga laganap ang korupsyon sa Pilipinas. Kahit mga pinakamababang opisyal ng gobyerno kurakot, ano pa kaya ang mga matataas na opisyal?
Mayor Mel Aguilar ng Las Pinas City, pwede pakisiyasat nga ang bagay na ito sa ating post office. Tama ba talaga ang mga pinaggagagawa nila? Nakakaperwisyo e.

Commute
[ 1 Komento ] [ RSS ] Pumutak si Miko Reznor noong 04.14.2007
At nasabi ko sa huli kong pinutak ang mga dahilan kung baket ayaw ko mag-commute. Nadagdagan pa ang listahan ko ngayon... Hmph! Matapos akong mamili sa SM Southmall kani-kanina lang, sumakay ako ng taxi na may plate number TYB 977 ng DENCOR. Kung minamalas nga naman ako, o...
Kasasakay ko pa lang, kinontrata agad ako at sinabing isang-daang piso ang dapat kong bayaran (kulang-kulang singkwenta pesos ang bayad kung nag-metro sya). Ang malala pa nito, habang nagbibiyahe kame, bigla akong nakalanghap ng di kaaya-ayang amoy. Inututan ba naman ako ng driver!!! Grrrr...
Huhuhu... Trapik pa naman... At nakapaloob kami sa airconditioned na sasakyan... Huhuhu... Muntik na akong mamatay!!! Wawa naman ako...

Semana Santa
[ 3 Komento ] [ RSS ] Pumutak si Miko Reznor noong 04.03.2007
Bago ang lahat, hulaan nyo kung sino ang merong bagong 21" Philips Real Flat TV with Crystal Clear
Haay... Ang Semana Santa... Panahon ng pamumuni-muni sa pagpapakasakit ni Hesus. Bukod pa rito, panahon din ito ng pagbabakasyon at paghingi ng leave sa trabaho... Kagaya ni Pudra na sa kasalukuyan ay namumundok sa probinsya namin sa Laguna. Huhuhu... Wala tuloy akong driver ngayon...
Pwede ko namang dalhin ang aming kotse kaya lang, problema ang parking... Hindi ako marunong mag-park. Waaahh! Wawa naman akoh. Maghihirap ako sa pampublikong sasakyan hanggang bukas. Nakakalungkot... Kaya nga ba ayaw kong mag-commute e...
Maamoy
At hindi lang sa katawan ng mga tao ang ibig kong sabihin hah. Kasama na rin don yung sobra sobrang magpabango. Hindi kayo nakakatuwa... At lalong hindi kayo mabangoh! Halatang halata namang mumurahin lang mga pabango ninyo. Hwag nyo nang ipangalandakan, fwede?
At itong sunod kong sasabihin ay walang kinalaman sa pagko-commute pero gusto ko lang sabihin na natutuwa ako dahil ginagamit na ni Pudra ang Bvlgari na pabangong binili ko para sa kanya noong Valentine's Day. Hahahah! Meron ding nagbigay sa kanya ng Armani na pabango pero inuna nyang gamitin yung akin
Binabati ko nga pala si fatfinguR na pumayag i-vector ang pagmumukha ko. Anyways, balik sa usapan...
Itutuloy ang "Semana Santa"...