Nasusuka Ako

[ 0 Komento ] [ RSS ] Pumutak si Miko Reznor noong 01.16.2007
Kanina pa. Dinaan ko na lang sa Starbucks. Umayos ako ng konti pero ngayon bumabalik nanaman. Hmph! Sobrang sama ng loob ko at parang ang bilis ng kutob ng aking puso... Nakakalimutan kong huminga. Huhuhu... O baka dahil kumain ako ng pagkaing mayaman sa cholesterol kaya sumisikip ang dibdib ko ngayon...

Huhuhu... Maglalabas na lang ako ng sama ng loob dito...

Pag may nakita kayong hagdan at kung may rampa sa tabi nito, don kayo sa hagdan umakyat dahil yung rampa ay para sa mga disabled. 'Di ba kayo marunong magbasa ng mga senyales? Pag may nakita kayong tingting na tao na nakasakay sa wheelchair na simbulo, pang disabled ang lugar na iyon. Hindi nyo ba maihakbang ang mga paa ninyo at kailangan nyo pang umakyat sa rampa na para sa disabled? Hmph!

Ang sintron ay sinusuot sa belt loop. Hindi ko lubos maisip kung bakit ang ibang tao ay isinusuot ito ibabaw ng kanilang mga pantaas na damit. Vhaket?!? Ipaliwanag nyo nga sa akin itoh! Nauso iyong noong mga '80s e. Matagal nang laos iyon. Pwede hwag na nating ibalek? May dahilan kung bakit inimbento ang belt loop. Gamitin natin sila, hah?

Hwag tayo magkalat kung saan-saan. Maraming basurahan sa mundo. Iyon ang gawing tapunan. At, kung may nakita kayong 2 basurahan na magkatabi at isa sa kanila ay kulay green, yung kulay green ay para sa biodegradable waste o nabubulok na basura. Ibig sabihin nito, hindi kasama ang mga plastik, styrofoam, filter ng sigarilyo at iba pa. Maliwanag ito hah. Green = Nabubulok. Intyendeh?

Itinayo ang overpass o underpass para don kayo tumawid at makaiwas sa disgrasya. Ito ang susi: makaiwas sa disgrasya. May ibang tinatamad at pinagpipilitan pa ring mag jaywalking. Tapos kung nasagasaan, sila yung iiyak-iyak dyan. Ano ba naman ang akyatin ang ilang palapag ng hagdan? Kailangan nyo rin naman ng ehersisyo. Hwag natin sayangin ang pera ng gobyerno sa pagpapatayo ng mga overpass. Itinayo ang mga iyan para sa atin. Gamitin natin silah!

Sa mga taong mahilig magsuot ng mga hipster o mga low waist na pantalon, dapat mahilig din kayong magsuot ng mga hipster na pang-ilalim. Para pag tumuwad kayo, wala kaming nakikitang di kaaya-aya, noh. Buti kung mga underwear nyo e Calvin Klein o Victoria's Secret, matatanggap pa namin na gusto mo silang ipagmalaki. Pero, kung hindi rin lang (lalo na kung mga "bacon" na), pwede sikretong malupet na lang ninyo iyon? Hindi namin kailangang makakita ng mga ganoong bagay, ok?

Hay... Kanina pa ako pumuputak dito. Makaalis na nga. Gusto kong magbasa ng komiks... Mag kwentuhan na lang tayo sa ibang pagkakataon. Hanggang sa muli!

2007 Unang Putak!

[ 0 Komento ] [ RSS ] Pumutak si Miko Reznor noong 01.14.2007
Manigong bagong taon sa inyong lahat! Aheheheh. Medyo huli na pero mabuti nang binati ko kayo kesa hinde, anoh? Nagbibisi-bisihan kase ako kaya di ako masyadong nakakaputak. Sa katunayan, marami akong plano para dito sa web site na ito kaya lang, wala akong panahon dahil... Ako ay naging adik sa pagbabasa ng komiks!

Ayan, inamin ko na. Nagbabasa pa rin ako ng komiks... Hay... Kanina nga, gumastos ako ng mahigit sa 1000 piso para makabili ng komiks. Aaaahh!!! Wala pa nga akong sweldo, ginagastos ko na agad ang pera koh!!! Sinusubukan kong pigilan ang sarili ko na hwag gumastos para lang dito pero... Hindi ko kaya... Huhuhu... Smiley: Crying.

At, alam nyo bang nagpapasalamat ako at si Blitzwing ang aking kapatid? Nyahahahah! Kagabi, pinasalubungan nya ako ng Fruits Basket na manga/komiks. Ahihihihihi... Sabi pa nya, natandaan nyang isa iyon sa mga gusto kong komiks kaya binili nya iyon para sa akin. Nakita ko nga ang presyo non dati sa Fully Booked at humigit kumulang 600 piso iyon. Heheheh. Kaya nga magkasundo kami e Smiley: Grin..

Sya nga pala, matagal ko nang binabalak mag-revamp dito sa Putak e. Ito ang mga plano ko sa web site na ito:

- Bagong disenyo na tableless.
- Sunurin ang WCAG.
- Lagyan ng hanapin/search form na may highlight kagaya ng ginawa ko sa AP.
- Ayusin ang Admin Panel.

Hrmmm... Ano pa nga ba? Yun lang ang mga matagal ko nang pinaplano na hindi ko magawa-gawa dahil nga sa komiks. Balak ko ngang gawin yung tableless na disenyo kagabi kaya nga lang, don nga binigay sa akin ni Blitzwing ang aking komiks kaya na-istorbo ang aking paggawa. Aheheheh. Sana sa isang linggo magawa ko ito Smiley: Oops!.

At, alam nyo ba na hindi na numero uno ang Putak sa Google pag nag search kayo ng "filipina hubad"? Tinalbugan ang Putak ng tunay na porn site. Kanyang kanya na ang numero unong spot.

May naaamoy akong taba ng talangka... Sana hindi ako nagkakamali. Hanggang sa muli!