Pudra Pfayls 2

[ 0 Komento ] [ RSS ] Pumutak si Miko Reznor noong 07.15.2007
Hay, nako. Talagang labs na labs ko si Pudra. Kakaaliw sya. Maki chika na lang kayo sa pag-uusap namen:

Ako: Ang ganda naman ng shirt mo, Pudra! (Dahil niregalo namin ni kapatid iyon sa kanya.)

Pudra: Siyempre! Di na ako magsusuot ng hindi Lacoste.


Ahahahahahah! Napaka high maintenance naman ni Pudrah! Hindi rin sya mahilig sa mga brand name, noh? Smiley: Laughing out loud.

Anyways, napaka sweet talaga ni Pudra ko. Heheheh. Buti na lang nagkasakit ako kahapon at hindi nakapag gym ngayon dahil baka mabinat lang ako.

Nung Biyernes kase, punta ako ng party sa Makati Shangri-La at medyo gabi na ako nakauwi. E parang masama na pakiramdam ko nung mga panahong iyon dahil sumasakit na lalamunan ko kakainom ng rhum punch (alam nyo naman ako, hindi ako sanay uminom). Kinabukasan, may naka schedule akong ka date ng maaga tapos yung venue, ang lameg! 17 degrees celcious ata dun. Ayun, natuluyan na ako sa sakit pagka uwi ko nung hapon. Kaya di ako nakapag-gym ngayon.

Bumalik tayo kay Pudra. Dahil nga hindi ako nakapag gym dahil sa aking sakit, nailibre nya ako ng masahe. Aheheheheh. Haaay... Ang tagal ko pa man ding hindi nakakapagpamasahe. Nayaya ko pa syang mag grocery dahil wala na akong shampoo at napkin. Bwahahahahah! Sinabi pa nga nya sa akin, "Pati ba naman mga ganyan, ako pa rin ang bibili?!?" Heheheh. Pero binili din nya in the end. Hihihi... I HEART Pudra talagah! Smiley: Wink.

Ayun lang. Gusto ko lang kayong inggitin dahil wala kayo sa Pudra koh! Smiley: Taunting.

Alexa Rank: 156571.

Gutom na Akoh!!!

[ 0 Komento ] [ RSS ] Pumutak si Miko Reznor noong 07.12.2007
Huhuhu... Mudrah! Kailan ka ba matatapos maglutoh?!? Parang kanina ka pa e... Gutom na gutom na akoh!!! Smiley: Crying.

Sya nga pala. Nakakatanggap na ako ng maraming spam. Nilagyan ko na ng "anti-spam" ang email form. Medyo minadali ko iyon kaya simpleng addition lang ang tanong.

Pwede ko rin namang gawing random na tanong pero tinatamad na ako e. Nahihilo na ako sa gutom para mag code noon. Haaay... Sana naman maluto nah... Smiley: Confused.

Pagbabago noong 9:53 ng gabi:
Ayan. Nakakain na rin ako sa wakas. Di umano, si Mudra ay nagtetelepono at pinatay ang apoy ng kalan kaya medyo matigas ang noodles ng pansit Malabon nya. Pinatulan ko na rin kahit mahilaw-hilaw sya. Ayos na rin kesa himatayin ako sa gutom... Smiley: Shocked.

Alexa Rank: 156571.

Para Kay Chucky

[ 0 Komento ] [ RSS ] Pumutak si Miko Reznor noong 07.10.2007
Para di ko makalimutan ang ating takdang aralin, ipuputak ko na lang sya. Eto na ang mga pinapahanap mo. Nalaman ko na ang kahulugan nila:

Bungol.
Binge. Isa itong dialect sa Mindanao. Tama bah?

CHIMES.
Common good, Honesty, Integrity, Meritocracy, and Excellence. Lahat ng mga taga La Salle dapat alam iyan noh!

Haaay... Ayan. Ang saket ng katawan koh! Huhuhu... Si Chucky kase e. Ang hilig pagawin ako ng back exercise. E ayaw ko ngang maging maskulado likod ko. Hmph! Ang sakeeet!!! Smiley: Crying.

Tapos, nalaman kong nag resign na pala si Mr. Bright. Kakalungkot. Wala nang maningning na tao sa gym... Smiley: Confused.

Alexa Rank: 159791.

Pinutak Noong Hulyo 2007