Sa Mga Panahong Ito...

[ 1 Komento ] [ RSS ] Pumutak si Miko Reznor noong 06.29.2007
Parang ang sarap tumira sa States... Haaay... Meron kasing Golf Clearance Sale ang Amazon at parang ang dami kong gustong bilhin. Kagaya na lang ng mga ito...

Callaway Golf Wheeled 37" Dual Compartment Duffle Bag
Heheheh. Mahilig lang talaga ako sa malalaking mga bagella na may sariling lalagyan ng sapatos. Pwede ko pang gamitin ito pag maglalayas ako Smiley: Grin.

Nike Sera Womens Sunglasses, EV0142-610, Translucent Pro Red Frame/ Gray Lenses
Taray! Mumu (ang tawag namin ni Pudra sa shades) na Nike ang tatak.

CALLAWAY GOLF- LADIES BIG BERTHA 10° TITANIUM DRIVER
Kailangan talagang all-caps ang titulo ng item? Sa kasalukuyan kase, yung lumang driver ni Pudra ang gamit ko. Ayaw ko nang gumamit ng pang lalaking driver. Gusto ko ng driver for the ladies like me. Nyahahahah!

TaylorMade R5 Dual D Driver (Mens, Right-Handed)
Pangregalo ko kay Pudra. Callaway gamit nya ngayon e. Gusto kong magka TaylorMade golf driver din sya.

Nike Exhale.R Shield Sunglasses, EV0263-108, Pearl White-Mint/ Olive Lens/ Bronze Flash
Bibigay ko rin sana kay Pudra. Meron kayang pula? Para may terno kaming Nike na mumu. Heheheh Smiley: Grin.

New 2007 Inferno Complete Lady Golf Club Set with Stand Bag
Never heard ko pa ang brand na ito pero mukha namang maayos. Sayang nga lang at hindi kasama ang payong. Gustong gusto ko pa namang mangolekta ng golf umbrellas.

Callaway Golf Laptop Computer Brief 23061
Madalas kase, pag nago-golf kami ni Pudra sa bundok ng Laguna, dinadala ko ang aking laptop sa ibang bagella. Kung meron akong ganito, e di isang bag lang ang dadalhin ko.

Haaay... Sana naman, mag deliver na ang Amazon sa Pilipinas ng ganitong mga bagay. Puro audio CD, DVD at libro lang kasi yung shini-ship nila dito sa ating bansa e. Di ba nila alam na mas kikita sila kung lahat pwede nilang i-ship. Maraming mayayaman sa Pilipinas na can afford at maluho noh!

Yun lang, hanggang sa muli!!! Ay, binabati ko nga pala si Apple. Sinong suplada, hah?!?

Anomalya Sa Post Office 2

[ 1 Komento ] [ RSS ] Pumutak si Miko Reznor noong 06.26.2007
Ang matagal ko nang na pre-order (noong Enero pa) na komiks sa Amazon na Tramps Like Us Volume 12 ay nakarating na sa wakas... Pero hindi sa bahay namen. Kinamkam nanaman ang aking komiks ng post office. Grrr... Smiley: Mad.

Tinext ako ni Mudra para ipaalam sa akin ito. Ako talaga iniinis ng mga iyon hah! Sa mahal ng binayaran ko para sa shipping, hindi nila ihatid sa akin ng maayos. Nakuuuuu!!!! Smiley: Blowing up in anger.

At kailangan ko pa uli magsulat ng authorization letter chuvanes kase pag uwi ko, sarado na sila... Laki talagang perwisyo nito o. Kung gusto kong bumili ng komiks na pupuntahan ko pa, di sana naghanap na lang ako sa Power Books anoh at hindi nag order sa internet. Hmph! Smiley: Snob.

Haaay... Nawalan tuloy ako ng gana... Ganda ng gising ko kanina e. Magfi-Fitness First pa naman ako mamaya kasama si Chucky (simula ngayon, yan na ang tawag ko sa aking personal trainer na si Rowell Rosell). Kakalungkot! Ang komiks koh!!! Huhuhu... Smiley: Crying.

Pagbabago noong ika-29 ng Hunyo 2007 11:34NU:
Nakuha na rin sa wakas ni kapatid na si Blitzwing kahapon. At, pinagbayad pa raw sya para lang makuha nya sa aming post office. Kakapal ng mga mukha! Sinulatan ko ang Amazon tungkol dito at suhulan ba naman akoh! Binigyan ako ng $10 credit sa aking account at sinabing finorward daw nila ang aking concern sa kanilang Shipping Department.

Haaay... Sana naman, sa susunod, maihatid na nila sa akin ang mga order. May 2 pa akong order na hinihintay galing sa kanila e. Napaka laking abala kung maya't maya e punta kami ng punta sa post office.

Heheheh. Sige na nga. Mukhang napapawi na ng $10 credit ang galit ko sa kanila. Hrmmm... Ano naman kaya ang mabili ko? Smiley: Grin.

Fitness First Kasama si Rowell Rosell, Ikalawang Yugto

[ 2 Komento ] [ RSS ] Pumutak si Miko Reznor noong 06.20.2007
Ayan. Opisyal na ito. Kinuha ko na si Rowell Rosell bilang aking personal trainer sa Fitness First. Hmph! Sana tiningnan ko ang kanyang body fat percentage gamit ang kanilang Tanita. Para naman makumpirma ko na credible talaga sya. Hrmmm... Sa susunod na lang naming pagkikita...

Ano nga ba ang Tanita? Yun yung makinaryang ginamit sa akin para malaman ang aking timbang, body fat %, at iba pa. Gusto ko ngang magkaroon non sa bahay kaya nagtingin ako sa paborito kong Amazon at ito ang natagpuan ko: Tanita BC533 Glass Innerscan Body Composition Monitor. May isang review na hindi ko nagustuhan kaya di ko na tinuloy ang pagbili nito. Hmph!

Hindi naman yun yung ginamit sa akin pero parehong brand. Subukan nyong bilhin tapos kwento nyo sa akin kung epektibo talaga Smiley: Wink.

Balik tayo kay Rowell Rosell... Sinabihan ba naman nya akong, "You're my worst nightmare!" Tama ba yun? Yan ba ang dapat mong sabihin sa iyong kliyente? Huhuhu... Nasaktan ang feelings ko. Sensitibong tao pa man din ako. Huhuhu... Smiley: Crying.

Itutuloy ang "Fitness First Kasama si Rowell Rosell, Ikalawang Yugto"...

Pinutak Noong Hunyo 2007