Nawawala Ka Ba?
[ 2 Komento ] [ RSS ] Pumutak si Miko Reznor noong 03.23.2007
Nyaharharhar! Sa wakas! Natapos din ako sa lahat ng mga matagal ko nang pinaplano para sa Putak! At ang pinakabagong nadagdag ay ang search box diyan sa gilid. I-type nyo lang ang mga keyword na gusto nyong hanapin sa mga pinutak namin at lalabas na itoh--naka highlight pah!
Mga paalala lang kung may hahanapin kayo... Alam nyo naman na salin sa wikang Tagalog itong site na ito kaya mas mainam na Tagalog din ang keywords na gagamitin. Mga pinutak lang ang hahanapin nito - hindi kasama ang ibang nilalaman ng Putak. Paghiwalayin ang keywords gamit ang comma (,). Pindutin nyo ang Enter pagkatapos nyong i-type ang mga keywords para mahanap ang mga ito.
Ano pa ba? Binago ko rin ang "Balik sa Taas" at "Putak" links sa baba. Ginawan ko sila ng tab imbes na text link. Scroll down na lang kayo para makita nyo sila.
Yun lang naman sa ngayon. May naiisip pa ulit akong gawin pero malamang matatagalan uli ito bago matapos. Balak ko kasing baguhin ang titulo. Kung mapapansin nyo, pare-pareho ang titulo ng site na ito kahit saan kayo magpunta. Madali lang naman itong gawin kaya lang busy *ahem*tinatamad*ahem* ako.
Sa mga Putakers, mas maayos na rin ang sistema ng pagbo-blog at pagbabago ng mga blog natin. Makikita nyo na lang pag naka login kayo.
Haaay... Ang init ng panahon dito sa Pilipinas ano? Sa mga walang aircon sa kanilang mga kwarto:

Ladlad
[ 4 Komento ] [ RSS ] Pumutak si Miko Reznor noong 03.07.2007
Isa itong malaking kahihiyan! Aaaahh!!! Grabeh! Kanina kase, nahalata kong bukas pala ang zipper ng aking pantalon. Biruin nyo yon--Nagpunta na ako sa Starbucks, nakabukaka pa ako habang nakaupo, at lahat-lahat... Huhuhu... Nabahiran ang aking purih!!!
Katabi ko pa si Babsi (aka Rigs). Sabi naman nya, wala syang nakita. Pero malay ko ba kung sinasabi lang nya iyon dahil nagbabait-baitan lang sha. Hmph! Hindi naman ako nag-ala Britney Spears. Bago naman ang panty na suot ko ngayon kaya hindi sobrang nakakahiya... Pero kahit nah!!!
Para lang makalimutan ko ang aking masamang karanasan, ipinahayag ko na lang ang aking damdamin sa sining:
Ang taray, dabah? Pwedeng pwedeng ihambing sa mga ginawa ni Pablo Picasso. Iba na talaga ang mga madunong na tao kagaya koh.
Siya nga pala, mga kababayan ko, kung meron kayong web site na tabless at may tumpak na HTML at CSS, isumite nyo sila sa CSS Pinoy. Ipagmalaki natin ang galing ng mga Pilipino!
Pagbabago noong 03.09.07: Dahil sa aking katamaran, hindi naging bukas ang Putak ng halos 1 araw. Pasensya. Noong inaayos ko kasi ang CMS nito, hindi ko nabantayan at nakatulog ako ng hindi na-uupload lahat ng mga files. Magandang balita, mga Putakers! Maayos na uli ang ating Admin Panel. Meron din kayong makikitang maliit na pagbabago sa buong site na ito pag naka-login na kayo
Siya nga pala, ang larawang ginuhit ko ay hango sa inspirasyong nasagap ko sa Instant Doodle. Yun lang.

Ikaapat na Bersyon
[ 2 Komento ] [ RSS ] Pumutak si Miko Reznor noong 03.04.2007
Pagkatapos ng mahigit sa dalawang taon, sa wakas nagbago na rin ang disenyo ng Putak. Dalawang araw ko rin ito tinarbaho hah. Paano ba naman kase, table ang gamit sa lumang disenyo. Ngayon, tableless na at semantic pah! Naaaliw ako sa manok na background. Heehee.
Medyo magulo rin ang coding nito dahil nag-uumpisa pa lang akong matuto ng PHP at mySQL noong mga panahong ginagawa ko ito. Ugh! Tiningnan ko pa lang ang coding nito, kinilabutan ako.
Pero matagal pa sa tapos ang Putak. Mga panlabas pa lang ang naaayos ko. Yung CMS nya, magulo pa. Pasensya sa mga Putakers kung panget pa ang ating admin panel.
Bisi-bisihan muna ako ngayon. Kakain pa kami sa labas e. Kailangan kong maghanda. Susunod ko na lang kayo babagutin sa pagkwento tungkol sa mga pinaggagagawa ko. Hanggang sa muli!