Kabuwanan Kuno

[ 0 Komento ] [ RSS ] Pumutak si Miko Reznor noong 10.24.2007
May bisita, mens, meron, ganun na yun. Grabeh! Siguro nga dahil dito kaya naging emosyonal ako noong mga nakaraang araw at kahit ngayon. Kagaya na lang ng pangyayaring ito...

Paulo: Nag gym ka pa rin ba?

Ako: Baket? Hindi ba halata?!?

Paulo: Huh? Hindi naman kasi kita madalas makita...[May sinabi pa ata sya pagkatapos non pero 'di ko na maalala]


Huhuhu... Sobrang sama ng loob ko nung narinig ko iyon. Pero syempre hindi ko masyadong pinahalata noh. Mukha na ba akong mataba at naitanong mo iyon sa akin?!? Smiley: Crying.

Ito pa ang isa, nag login ako sa aking Friendster account at nakita kong viniew ni Booba ang aking profile. Di ko maipaliwanag ng Tagalog ang aking naramdaman! I was so offended!!!

Hay nako. Sana naman lumipas na ito. Ang mga bagay na kadalasan ay hindi ko pinapansin ay nakakaapekto na sa akin... At, ang sakit ng puson ko... Smiley: Sad.

Sya nga pala, binabati ko si James Esguerra. Magandang araw sa iyo!

Alexa Rank: 130925.

SEMCON 2007

[ 0 Komento ] [ RSS ] Pumutak si Miko Reznor noong 10.11.2007
Sumali ako sa SEMCON o Search Engine Marketing Conference nung nakaraang Martes at Miyerkules kasama ng aking boss na si Mr. Miguel Cuneta. At siyempre special mention pa sya. Sponsor ko sa conference e. Hello, Mr. Miguel Cuneta! Smiley: Grin.

Anyways, ayos din naman yung Search Engine Marketing Conference (SEMCON). Siguro magbibigay ako ng mas maraming detalye pag nagka panahon ako. Long weekend ngayon. Kung tutuusin, 2 araw lang ako nagtrabaho. Ang saya ng linggo ko. Heheh.

Yun lang naman ang gusto kong sabihin. Nagpapasalamat ako kay Ginoong Miguel Cuneta dahil nakalibre ako ng P8,500 sa SEMCON 2007.

Hanggang sa muli!

Meron Akong Stalker

[ 1 Komento ] [ RSS ] Pumutak si Miko Reznor noong 10.08.2007
Kung kilala mo ako, as in nagkikita tayo o may paraan ka para makita ako, pwede magsabi ka na lang at hwag kang nanggugulo dyan? Nakakainis na e. Stalker!!!

Nagsimula kase ito nung nag text sya sa aken ng "Elow" noong 03:33:28pm 03-10-2007. Siyempre hindi ko nireply-an noh. Hindi naman kase registered yung phone number nya sa cellphone ko.

Kinagabihan ba naman, tumawag sa akin. Tatlong sunod-sunod: 11:18:38pm, 11:20:34pm at 11:25:29pm. Sino ba naman ang matinong tao na tumatawag ng gabing-gabi? Alam mo bang maaga pa ang pasok ko kinabukasan? Alam mo bang ika-5 ng umaga ako gumigising tuwing weekday? Alam mo bang nakakaistorbo kah?

Nung gabing din iyon, nag text pa si loko:

Bt m pinty.. Pwde b kta makausap

Sender:
+63xxxxxx6692

Sent:
11:21:56pm
03-10-2007


Ok salamat pho..

Sender:
+63xxxxxx6692

Sent:
11:26:07pm
03-10-2007


Ano'ng ibig sabihin non? Wala akong balak umintindi ng walang kabuluhang txt language! Grrr...

At, parang di maka gets na ayaw kong may kinalaman sa kanya. Padala pa rin ng padala ng text. Yung mga pinapadala naman puro "Elow" lang naman sinasabi. Hmph! Smiley: Snob.

Kung sino ka man, kung wala kang magawa, mag poker ka na lang sa Metro Card Club sa Metrowalk, Ortigas. May poker freeroll tournament sila tuwing Martes. Baka manalo ka pa ng malaking pera.

Alexa Rank: 130496.

Pinutak Noong Oktubre 2007