Pang International Talent ng Lola Nyoh!

[ 2 Komento ] [ RSS ] Pumutak si Miko Reznor noong 01.22.2008
Korak! Pang international talaga. Tipong pang Europe. Nyaharharharhar!!! Smiley: Laughing out loud.

Naalala nyo ba ang pinutak ko nung nakraang taon? Well, natanggap ko na ang magazine na tinutukoy ko, ang Photoshop Creative magazine na naka base sa United Kingdom.

Na-mention ang Blinding-Light.COM dito at kasama pa ang mga gawa kong brushes sa kanilang CD:

Litratong gamit sa Putak: Filipino Blog


At eto naman ang sinulat nila na na-mention ang Blinding-Light.COM:

Litratong gamit sa Putak: Filipino Blog


Yun lang naman. Kung mapapansin ninyo, ang mga orange na brushes sa babang kaliwa ang mga ginawa ko.

Kung kayo ay nasa United Kingdom, bilhin nyo ang Photoshop Creative Issue 30 para makita nyong hindi kathang-isip lang ito. Smiley: Grin.

Alexa Rank: 140379.

Maligayang Bagong Taon!

[ 3 Komento ] [ RSS ] Pumutak si Miko Reznor noong 01.10.2008
Medyo huli na ako ng 10 araw pero maligayang bagong taon sa inyong lahat! Ako ay nagbalik para pumutak muli! Gusto ko sana kayong bigyan ng payo tungkol sa paghahanap ng trabaho pero bago iyon, gusto ko lang kayong balitaan sa mga nangyari noong 2007 at mga unang araw ng 2008...

Paggunita sa 2007... OMG! Ano nga bang nangyari nung nakaraang taon?!? Nagiging short-term na memorya ko... Eto na lang mga naaalala ko...

- Sumali ako sa isang gym. Hindi na ako butete.
- Nagretiro si Pudra at nagsimula ang aking pagko-commute.
- Namaalam ako sa Makati at naging taga-Ortigas.
- Gaya-gaya si Mudra sa akin at inoperahan din sya sa dibdib.
- LC... Alam nyo na yan, mga Putakers Smiley: Wink.

Ahaha... Eto pa ang quote ng taong 2007:
Sinabi ni Pudra:

Hindi na ako nag-aalala sa Pamasko ko sa mga iyan. Meron naman silang gold.


Ngayong 2008... Hrmmm... Wala pa namang kapana-panabik na nangyari... Siguro yung bago lang e nag belly dancing ang lola nyo nung nakaraang Linggo. Yun pa lang naman.

Ok. Punta naman tayo sa dapat kong iputak ngayon: payo sa paghahanap ng trabaho...

Itutuloy ang "Maligayang Bagong Taon!"...