Tanong Tungkol Sa TB

[ 1 Komento ] Pumutak si Miko Reznor noong 05.21.2008

Si Ginoong Kotz ay nagtatanong tungkol sa TB:

brod nagkaron din me ng tb pero that was 2004 pa and i treated it for 6 months dami nga rin tablets na ininom ko eh pero recently nadiagnosed yung pamangkin kona my ptb she is 3 years old so nagwory ako i thought bumalik yung sakit ko. I consulted my doctor kung i having a problem about my previous tb so what he did is pina-xray nya me at wala nman daw siya nakita pagbabago ganun pa rin daw yung size ng scar ko. I Believe in him kasi internal doctor siya and pulmonogist pa siya. pero hindi ko pa rin maiwasan magwory kasi we found out na positive pala yung yaya nya nung pamangkin ko, she is in her middle age at payat sya. pina xray nga rin nmen siya but shes insisting na pinagamot na daw nya yun years ago(by the way pinalayas na nila yun). ok tinatamad na ko mag type the bottom line is possible ba na bumalik yung sakit ko gayun sinabi na nung doctor ko na ok na ako. ok 5feet and 7inches me and im weight 63 kilos. tama ba timbang ko sa height ko. can someone please help me?!. are there any measures that i can do. never na naman me ngkafever from the time na natreat ako until now pero umininom me occasionally..im working now in a call center which obviously pang gabi does it affect my health as well???

Bago ako magpatuloy, isa akong babae at sasabihin ko lang na hindi ako eksperto at isasalaysay ko lang ang mga sinabi sa akin ng aking doktor na si Dr. Garcia ng LPDH.

Itutuloy ang "Tanong Tungkol Sa TB"...



Karera

[ 4 Komento ] Pumutak si Miko Reznor noong 05.02.2008

Eto ang statistiko ng isa sa mga web site ng pinagtatrabahuhan ko:

Abril 24: 2396 bisita
Abril 25: 2486 bisita
Abril 26: 3049 bisita
Abril 27: 3581 bisita
Abril 28: 5430 bisita
Abril 29: 7254 bisita
Abril 30: 9156 bisita
Mayo 1: 10578 bisita

Average na panahong ginugugol ng mga bisita sa loob ng 30 araw: 4 na minuto at 40 segundo. Average na dami ng mga binibisitang pahina sa loob ng 30 araw: 5.11.

Eto pa, unang lumalabas ang web site namin sa Google sa isang keyword na may 3,930,000 na iba pang resulta.

May espesyal na pangyayari sa ika-3 ng Mayo na tinatarget namin. Kasing aga pa lang ng ika-18 ng Abril, kumakagat na kami sa 2,000 bisita. Kagabi, 2 beses nang nag down ang server sa sobrang dami ng pumupunta sa site.

Sino kaya ang taong responsable dyan?

Maraming salamat kay Selzki at kay Gerry sa pagturo at pagbibigay sa akin ng mas malalim na kaalaman tungkol mga bagay-bagay na ito.

Alexa Rank: 161051.