Win Or Lose It's The School You Choose
[ 0 Komento ] Pumutak si Miko Reznor noong 10.03.2008
Ganito pala magdiwang ang mga taga Ateneo sa pagkapanalo ng kanilang Blue Eagles sa 2008 UAAP Men's Basketball...

In fairness, nagsikap sila hah. Gumastos sila sa pambili ng pintura at malaki ata ang panahon na ginugol nila sa pagpipinta ng mga pangalan ng manlalaro ng La Salle at may arrow pa ang mga ito.
Tapos? Balak nilang sunugin ang mga pangalan ng manlalaro ng DLSU Green Archers na pinaghirapan nilang gawin? At habang nasusunog ang mga ito, magsasayawan at maghihiyawan din ba sila sa palibot ng kanilang bonfire na parang kulto?
Ilang taon na ring nanalo ang DLSU Green Archers sa UAAP Men's Basketball pero ni minsan, wala akong nabalitaang umakto ng ganyan ang mga La Sallan.
Nung nanalo rin ang Ateneo Blue Eagles, wala akong sinabing di kaaya-aya kundi pagbati sa kanila at papuri kay Chris Tiu (na kinaiinggitan ko pa rin dahil hubad silang magkatabi ni Papa Derek Ramsay--Oatmheeeaaal!).
Haaay... Sino ba naman ako para manghusga ng mga ginagawa ng iba? Nagsaya sana sila sa kanilang sunugan. Ikalago sana iyon ng kanilang pagkatao.
OMG! C5!
[ 0 Komento ] Pumutak si Miko Reznor noong 10.02.2008
Hulaan nyo kung saan nagpunta kanina ang lola nyo... 
Wahahahahah! Sa wakas, natahak ko na ang Ortigas na ako lang mag-isa dala ang kotse. Mukhang hindi ko na kailangan ang mapangahas na si Mang Johnny na yon! Hmph! 
Madali lang naman pumunta sa Ortigas. Dumaan sa Edsa at hanapin ang SM Megamall na beacon ng Ortigas. Engot ka na lang kung di mo pa makita yon.
Pag-uwi naman, dumaan ng C5 at diretso ka na sa SLEX.
Salamat kay Bossing na nagturo sa akin ng daan papuntang C5 (kung maaalala nyo e lagi akong tulog pag bumibyahe kaya di ko masyadong kabisado ang mga daan) para makauwi.
Pagbati kina Babsi na suspicious ang binigay na direksyon at kay Billy na walang kwentang magbigay ng direksyon.
Hanggang sa muli!