Hinoldup Ako Sa Post Office

[ 0 Komento ] Pumutak si Miko Reznor noong 09.26.2008

Kainiiiisss!!! Smiley: Blowing up in anger.

Sa mga panahong ito, maganda na nandyan si Mudra para asikasuhin ang mga bagay... Haaay...

Nakatanggap kase ako ng notice na meron daw akong parcel sa post office. Alam kong bumili ako sa Amazon ng ilang mga bagay pero sanay akong iniitsa na lang nila iyon sa aming gate. At tuwing natatanggap ang mga notice na iyan, "kinakausap" lang ni Mudra ang kartero para kunin ito para sa amin.

Dahil wala si Mudra at hindi ko kilala ang kartero, napilitan akong pumunta sa Post Office para kunin ito. Hinoldup akoh! Siningil ba naman ako ng P1181 at kung hindi raw ako magbabayad, "inabandona" ko raw ito at pwede nilang samsamin.

Hello! $29.94 binayad ko sa shipping. Baket hindi nyo hinatid?!?

Napababa ko ng P700 ang binayaran ko pero walang resibo. Alam nyo naman siguro kung ano'ng ibig sabihin non, daba?

Hmph! Mga tabatsoy na yon! Bwiset! Huhuhu... Ang sama ng loob koh! Smiley: Crying.

Paalala sa sarili:

- IMPORTANTE: Palaging magdala ng maliliit na bills sa pitaka. Lalo kang gagastos kung puro malalaking bills ang dala mo. Hindi mo naman pwedeng sabihing 500 lang ang pera mo kung puro 1000 ang dala mo.

- Hindi totoo ang halagang nasa papel. Hwag dumukot agad ng pera at hwag magalit. Pwede pang pag-usapan yan. Ngitian mo lang sila at ipakita na ang maliliit mong bills ang tangi mong pagmamay-ari at wala kang iba pang mapagkukunan ng pera kahit umuwi ka pa.

- Magmukhang kawawa. Iwasang magsuot ng mga alahas at mamahaling mga damit. Wala ka ngang mapipiga kahit umuwi ka, diba?

- Magdala rin ng barya. Kailangan mo ring hulugan ang mga taong tumulong sayong humanap ng parking at nag-trapik para makaalis ka.

Maging leksyon din sana ito sa inyo. Hanggang sa muli!

Pagbabago noong 9:52 ng gabi: Totoo na itoh. Hinoldup nga nila akoh! Tinanong ko si kapatid kung magkano binayad nya dati nung kinuha nya ang padala sa akin, sabi nya mga P100 lang daw at may resibo pa.

Sa palagay ko, kung hindi ako naging masyadong sabik na makuha yung binili ko sa Amazon at hinintay ang pagbabalik ni Mudra sa Lunes, mas nakatipid pa ako.

Haaay... Ang yaman ko talaga... Namimigay lang ako ng pera sa mga tavhachoy sa tabi-tabi... Nakuuuu... Mga Babaching na yon! Mabulok sana sila sa mainit na opisina nilang walang aircon! Hmph! Smiley: Snob.



Animo La Salle!

[ 0 Komento ] Pumutak si Miko Reznor noong 09.25.2008

O sige, pagkatapos naming manalo ng sunod-sunod noong nakaraang mga taon, na foul out sina JV Casio at Rico Maierhofer at natalo kame ng 11 puntos sa Game 2 ng 2008 UAAP Season.

Kaming tatlong mga La Sallan sa Putak ay binabati ang Ateneo Blue Eagles sa kanilang pagkapanalo.

Mukhang magandang taon ito para kay Chris Tiu:

- Isa sya sa mga Most Beautiful (ayon sa isang lokal na magazine) kasama ng mga idol kong sina Kris Aquino at Annabelle Rama.

- Meron syang commercial na nakahubad sa beach kasama si Papa Derek Ramsay. Yumyumyum... Oatmmmheeeaaalllll...

- Host sya ng ilang mga palabas sa telebisyon at kasama pa nya ang pambansang kamao na si Manny Pacquiao sa isa sa mga iyon.

- At sa kanyang huling taon, sa wakas nanalo ang kanyang team sa championship ng UAAP men's basketball.

Congrats! Smiley: Puts thumb up.

Haay... Nakakalungkot ang aming pagkatalo. Meron pa namang susunod na taon. Animo La Salle!



Putak: Ikalimang Bersyon

[ 1 Komento ] Pumutak si Miko Reznor noong 09.19.2008

Dahil di ko na type ang lumang disenyo ng Putak, pinalitan ko ng bago. Pareho pa ring color scheme ang ginamit.

Napansin nyo bang mahilig ako sa mga background at squares?

Eniweys, don sa mga gumagamit ng mga lumang browser (lalo na sa mga gumagamit ng Internet Explorer 6 at pababa), alam ko ang mga issues ng bagong disenyo. Kung gusto nyong magpadala ng mga screencaps ng mga bugs o sa tingin nyong kamalian, ipadala nyo lang sa aking Gmail: mikoreznor.

Kakain muna ako. Komento naman dyan... Smiley: Wink.



Pinutak Noong Septyembre 2008

1 | 2 | Nakaraan »