Operasyon Nanaman
[ 1 Komento ] Pumutak si Miko Reznor noong 01.30.2009
Haaay... Wala ka talagang laban sa iyong genes. Sinisisi ko si Mudra... 
Sa ibang balita, dahil wala akong magawa kagabi, napadpad ako sa Cinema One at pinapalabas ang pelikulang Ngayong Nandito Ka starring Kristine Hermosa, Jericho Rosales at Onemig Bondoc.
Hindi ko sya naumpisahan pero naabutan ko yung eksenang nago-golf sila at ang masasabi ko lang, yaaakk!!!
Halatang halatang walang alam sa golf ang direktor/producer/writer/atbp ng pelikulang ito.
Hwag na nating pag-usapan ang kahindik-hindik na porma ng swing ni Kristine Hermosa habang nagkukunwari syang marunong maglaro. Alam naman nating artista sya at hindi golfer.
Pero hindi ba nila alam na it's considered bad taste na makipagchismisan habang magsu-swing ang manlalaro ng golf? Kahit gaano pa sila ka-close, bawal magsalita habang nagsu-swing.
Nakakasira ito ng konsentrasyon at baka pumangit ang kanyang laro kagaya nga ng nangyari kay Kristine Hermosa sa pelikula. Naitapon ata nya ang kanyang club at engot na lang ang gagawa non. Mas kapani-paniwala pa siguro kung lupa ang natamaan nya at hindi ang bola. Hmph! 
Isa pa, 15 minuto lang madalas ang alloted time per flight per hole kaya kung gusto nila magkwentuhan, don na lang habang naglalakad sila papunta sa kanilang bola.
Eto pa, hindi sa itim nagti-tee-off ang mga babae. Saglit lang pinalabas pero kitang kita ko na sa itim na bahagi si Kristine Hermosa nag tee-off. Sa lalake lang iyon. Iba ang tee-off ng mga babae. Para sa inyong kaalaman, ang panlalake na tee-off ay itim at asul. Sa babae, pula o puti. Ok?
Yun lang naman. Magandang umaga sa inyong lahat!
At bigla kong naalala, noong taong 2003 na lumabas ang pelikulang ito, dun din ako unang inoperahan... Dundundunduuunn... 
Sardine Pasta Ni Miko
[ 5 Komento ] Pumutak si Miko Reznor noong 01.11.2009
May kasabihang, "too many cooks in the kitchen," at dahil wala sila Mudra naisipan kong magluto.
Bakit? Para hindi ko na lalong payamanin ang 8-McDo o Yellow Cab at dahil walang pakialamera at magmamagaling, kung palpak, ako lang makakaalam non. Heheheh 
Hindi naman masama ang kinalabasan kaya ibabahagi ko sa inyo kung pano ko ginawa ang eksperimental kong Sardine Pasta.
Ito ang mga kakailanganin:

1/2 paketeng fusilli pasta
1 boteng sardinas sa olive oil
1 maliit na latang hiniwang mushrooms
1 latang buong binalatang kamatis
2 pirasong bawang na tinadtad na pino
1 tinadtad na puting sibuyas
Asin
Paminta
Kaya fusilli ang pinili ko at hindi spaghetti ay para pwedeng pwede syang maluto sa katamtamang tangkad na lutuan. Mas kaunti ang gagamiting tubing, mas tipid sa gas at isa lang ang huhugasang lutuan. Pwede rin ang elbow macaroni, shell, penne, rotelle, atbp. kaya lang mas gusto ko talaga fusilli.
Itutuloy ang "Sardine Pasta Ni Miko"...
2009
[ 0 Komento ] Pumutak si Miko Reznor noong 01.02.2009
Maligayang bagong taon sa inyong lahat!
Dahil mahaba ang bakasyon, busy-busy-han lola nyo kaya di ako nakaputak noong Pasko tungkol sa pagreregalo at hindi totoo ang kasabihang "it's the thought that counts."
Siguro sa susunod na Pasko ko na lang ikukwento. Sa ngayon, ito ang aking resolusyon para sa taong 2009:
Mag-ipon. Mahirap na ang panahon ngayon. Bawas bawasan ang mga luho... Ahem... Sumasakit ata ang puso koh... Kaya ko kaya itoh?!? 
Pumunta sa gym ng mas madalas para mag ehersisyo at hindi para makipag chikahan. Piliting tapusin ang exercise program bago parahin ang mga tao para makipag-chismisan... Hrmmm... Siguro naman kaya kong gawin ito... 
Tumulog ng mas maaga. Para naman mawala na ang higanteng eye bags ko. Wahahahahah!
Uminom ng katas ng carrots araw-araw. Kayang kaya ko naman ito kaya lang tinatamad akong hugasan ang juicer kaya hindi ko ginagawa. Siguro kailangang palitan ng "Hwag tamaring mag-hugas ng juicer." 
Ayun lang naman... Hanggang sa muli!