Karera

[ 2 Komento - Karera ] Pumutak si Miko Reznor noong 05.02.2008 3:42 NH
Eto ang statistiko ng isa sa mga web site ng pinagtatrabahuhan ko:

Abril 24: 2396 bisita
Abril 25: 2486 bisita
Abril 26: 3049 bisita
Abril 27: 3581 bisita
Abril 28: 5430 bisita
Abril 29: 7254 bisita
Abril 30: 9156 bisita
Mayo 1: 10578 bisita

Average na panahong ginugugol ng mga bisita sa loob ng 30 araw: 4 na minuto at 40 segundo. Average na dami ng mga binibisitang pahina sa loob ng 30 araw: 5.11.

Eto pa, unang lumalabas ang web site namin sa Google sa isang keyword na may 3,930,000 na iba pang resulta.

May espesyal na pangyayari sa ika-3 ng Mayo na tinatarget namin. Kasing aga pa lang ng ika-18 ng Abril, kumakagat na kami sa 2,000 bisita. Kagabi, 2 beses nang nag down ang server sa sobrang dami ng pumupunta sa site.

Sino kaya ang taong responsable dyan?

Maraming salamat kay Selzki at kay Gerry sa pagturo at pagbibigay sa akin ng mas malalim na kaalaman tungkol mga bagay-bagay na ito.

Alexa Rank: 161051.

Parking

[ 0 Komento - Parking ] Pumutak si Miko Reznor noong 04.06.2008 10:14 NH
Punta ako gym kanina dala ang kotse. Madalas kase, don ako sa dulo ng parking lot nagpapark para walang katabi.

Ngayon, ambisyosa ang lola nyoh! Don ako sa malapit sa entrance ng mall nag park, yung maraming katabing kotse. Ahahahah! Tatlong subok bago ko nakuha. Wahahahahah!

Eto ang re-enactment ng mga pinaggagagawa ko (ako ang kulay asul):

Litratong gamit sa Putak: Filipino Blog
Unang Subok: Oops!

Litratong gamit sa Putak: Filipino Blog
Pangalawang Subok: Ay, mali!

Litratong gamit sa Putak: Filipino Blog
Wagi!


Ayos bah? Ahahahahah Smiley: Laughing out loud.

Alexa Rank: 147679.

Pasukan Nanaman

[ 1 Komento - Pasukan Nanaman ] Pumutak si Miko Reznor noong 03.27.2008 9:55 NH
Tuwing pumapasok talaga ako, hindi kumpleto ang araw ko kung hindi ako iniinis... Haaay... Katulad na lang nung sinabi sa akin ito:

Umitim ka. Nag beach ka ba?


Memory loss na ata ito. Iba na talaga pag matanda na... Diba nasabi kong maggo-golf ako kasama ni Pudra sa Laguna sa lingo ng Semana Santa? Hindi naman maiiwasang hindi iitim ang mga taong naggo-golf, dabah? Wala namang golf course na may bubong.

At, para sa mga hindi nakakaalam, walang beach sa bundok ng Laguna kung saan kami tumutuloy. Lake, meron. Katabi pa ng bahay namin pero hindi ako naliligo dun.

Nakikita ko ang sarili ko sa salamin araw-araw. Hindi mo na kailangang ipamudmod sa pagmumukha ko na umitim akoh! Hmph! Smiley: Snob.

Pumapayat ka ata. Drugs ba 'yan?


Maganda na sana yung una mong sinabi e. Sundan ba naman na drug-user ako?

Medyo may alam nga ako tungkol sa best weight loss pills dahil sa ginawa kong proyekto na Pill Finder web site pero para namang napakataba ko nung huli tayong nagkita para gumamit ako ng mga ganon.

Haaay... Hwag ka nang magtaka kung inisnab man kita. Pag may matino ka na lang na sasabihin sa akin saka kita papansinin.

Sya nga pala, ipagdasal nyong maaprubahan ang credit card application ko para magkaroon kami ni kapatid ng 25% discount sa Fitness First Smiley: Smile.

Pagbati: Kay James Esguerra na magkakaroon na ng PhD ngayong Abril (sana) at sa aking kaibigang si Jonas, happy wedding anniversary (ika-26 ng Marso) sa inyo ng iyong asawa (na hindi ko pa rin nakikilala).

Alexa Rank: 144009.

Lumang Putak

1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 | 8 | 9 | Nakaraan »