Sardine Pasta Ni Miko
[ 5 Komento - Sardine Pasta Ni Miko ] Pumutak si Miko Reznor noong 01.11.2009 6:08 NH
May kasabihang, "too many cooks in the kitchen," at dahil wala sila Mudra naisipan kong magluto.
Bakit? Para hindi ko na lalong payamanin ang 8-McDo o Yellow Cab at dahil walang pakialamera at magmamagaling, kung palpak, ako lang makakaalam non. Heheheh 
Hindi naman masama ang kinalabasan kaya ibabahagi ko sa inyo kung pano ko ginawa ang eksperimental kong Sardine Pasta.
Ito ang mga kakailanganin:

1/2 paketeng fusilli pasta
1 boteng sardinas sa olive oil
1 maliit na latang hiniwang mushrooms
1 latang buong binalatang kamatis
2 pirasong bawang na tinadtad na pino
1 tinadtad na puting sibuyas
Asin
Paminta
Kaya fusilli ang pinili ko at hindi spaghetti ay para pwedeng pwede syang maluto sa katamtamang tangkad na lutuan. Mas kaunti ang gagamiting tubing, mas tipid sa gas at isa lang ang huhugasang lutuan. Pwede rin ang elbow macaroni, shell, penne, rotelle, atbp. kaya lang mas gusto ko talaga fusilli.
Itutuloy ang "Sardine Pasta Ni Miko"...
2009
[ 0 Komento - 2009 ] Pumutak si Miko Reznor noong 01.02.2009 5:17 NH
Maligayang bagong taon sa inyong lahat!
Dahil mahaba ang bakasyon, busy-busy-han lola nyo kaya di ako nakaputak noong Pasko tungkol sa pagreregalo at hindi totoo ang kasabihang "it's the thought that counts."
Siguro sa susunod na Pasko ko na lang ikukwento. Sa ngayon, ito ang aking resolusyon para sa taong 2009:
Mag-ipon. Mahirap na ang panahon ngayon. Bawas bawasan ang mga luho... Ahem... Sumasakit ata ang puso koh... Kaya ko kaya itoh?!? 
Pumunta sa gym ng mas madalas para mag ehersisyo at hindi para makipag chikahan. Piliting tapusin ang exercise program bago parahin ang mga tao para makipag-chismisan... Hrmmm... Siguro naman kaya kong gawin ito... 
Tumulog ng mas maaga. Para naman mawala na ang higanteng eye bags ko. Wahahahahah!
Uminom ng katas ng carrots araw-araw. Kayang kaya ko naman ito kaya lang tinatamad akong hugasan ang juicer kaya hindi ko ginagawa. Siguro kailangang palitan ng "Hwag tamaring mag-hugas ng juicer." 
Ayun lang naman... Hanggang sa muli!
4 Seasons Ni Miko
[ 4 Komento - 4 Seasons Ni Miko ] Pumutak si Miko Reznor noong 11.29.2008 10:39 NH
Kamakailan, sinabihan ako ng aking doktor na maganda sa katawan ang carrot juice. Dahil hindi ko kayang inumin ang purong carrot juice, nagdagdag pa ako ng ibang prutas para hindi sya ganong kadiri inumin.
Gamit ang aming maliit na juicer, sa wakas, nakapag eksperimento ako ng kaatim-atim na kombinasyon:
1/2 kilong carrots
2 mansanas o peras
2 orange
4-6 na kamatis
Nakakagawa ng 2 baso ang mga ito. Kung gusto nyo pang may arte sa presentasyon, isalin sa matangkad na baso at lagyan ng 1 tankay ng celery na may kaunting dahon.
Mayaman ang inuming ito sa bitamina A at C. Mataas din ito sa fiber. Subukan nyo 