Paalala sa Sarili...

[ 0 Komento - Paalala sa Sarili... ] Pumutak si Miko Reznor noong 07.27.2007 5:14 NH
Mag text kay Pudra kung uuwi ka na. Nag-aalala sya sa iyo at hindi mapalagay kung hindi natatanggap ang text mo (sa tingin ko lang yon). Heheheheh.

Sumama kay Sean sa isa sa mga game ng La Salle sa UAAP para makilala mo na rin sa wakas ang kanyang jowa. Piliting hwag mag gym ng isang araw para dito kahit ang katumbas non ay hindi mo makikita si Arvin ng isang linggo.

Tawagan si Sheng!!! Alam mo na yun!!! Walang hiya hiyah!!!

Idispatcha na si Rowell Rosell aka Chucky!!! Sukang suka ka na sa kanya. Ayaw mo na makita ang kanyang pagmumukha. Naiinis ka lang tuwing nakikita mo sya. Humingi ka na lang ng ibang trainer na hindi mukhang day-off, Elton/Barry, miyembro ng facilities o nambubugbog ng baklah.

At, pagkatapos ng iyong personal training program sa Fitness First, hwag ka nang kumuha ulet! Hwag ka nang kumuha ulet! Hwag ka nang kumuha ulet! Gets moh?!? Isa ito sa pinaka malagim na karanasang dinanas moh! Inapi ka ng husto ng iyong personal trainer at naging insecure ka sa sarili mo dahil sa kanya. Walang kwenta ang personal training sa Fitness First. Kita mo yun, underweight ka pero pinaramdam nya sayo na mataba kah!

Kumausap ng nutritionist sa Fitness First. Kasama ito sa iyong package. Sayang yun. Limandaang piso rin iyon.

Hindi dahil libre ay sama ka na ng sama at lamon ng lamon. May kapalit iyan! Kung ayaw mong tumanaw ng utang na loob at mapilitang gawin ang ayaw mo, tumanggi ka na lang sa inaalok nilah!

Magdala ng dental floss saan ka man pumunta. Isama mo sa lalagyan mo ng toothbrush at toothpaste.

Yun pa lang sa ngayon... Teka nga muna, baket ba ako nagsasalita sa ikatatlong pagkatao?

Maiba naman tayo... Binabati ko pala si Eina. Salamat sa pagkomento! Ang Ortigas, partikular na ang Ortigas Center, ay isang business district sa Pilipinas. Isipin mo na lang, Ayala Avenue ito ng Pasig.

Alexa Rank: 150258.

OMG! Ortigas!!!

[ 1 Komento - OMG! Ortigas!!! ] Pumutak si Miko Reznor noong 07.17.2007 4:23 NH
Ayan. Nakalipat na ako sa Ortigas. Grabeh! Ang layoh! Hahanapin ko pa ang daan pauwi. Lam nyo naman ako, poor sense of direction. Haaay... Good luck na lang sa aken.

At, ang dakilang *ahem*nakakairitang*ahem* reklamadora ay humirit nanaman. Kung maaalala nyo sa mga nakaraan kong ipinutak, "Anomalya sa Post Office" at "Anomalya sa Post Office 2", hindi dinedeliver ang mga order ko galing sa Amazon. Na email ko nga sila tungkol sa problemang iyon at binigyan nila ako ng $10 promotional credit.

Anyways, tinawagan ako kanina ni kapatid na Blitzwing (syempre tatawag yun agad sa aken kase meron din shang parte don e) at sinabing natanggap na namen ang aking package! Nyahahahahahahah! Ika-3 ng Hulyo nila pinadala sa akin at sinabing ang estimated delivery date ay sa ika-30 ng Agosto. Kaya nga namangha ako at dumating sya agad. Buti naman sa bahay na nila dinala at hindi pa namin pinick-up sa post office noh! Dapat lang! Sa mahal ng bayad ko sa shipping, ako pa susundo don.

Hihihihihi... Ayun lang. Natutuwa lang ako. I HEART Pudra and his credit card extension. Smiley: Grin.

Sa ibang balita, meron talagang mga lugar kung saan walang kwenta ang pagrereklamo. Kagaya na lang ng host ko ngayon. May isang oras na atang nag down ang aking mga site. Grrrr... Tiningnan ko kanina at humigit kumulang 10GB lang ang nagamit kong bandwidth e 25GB kada buwan bandwidth ko noh. Haaay... Bad hosting talaga dito sa Ploghost. Wala na talagang pag-asa ito.

Alexa Rank: 157955. Smiley: Sad.

Pagbabago noong 10:15 ng gabi:
Grabeh! Late na ako nakauwi. Huhuhu... OMG! Ortigas!!! Haay... Di bale. Makakakain naman ako ng buffet bukas sa Edsa Shangri-La Hotel Manila (na nasa Ortigas naman). Yay! OMG! Ortigas!!! Smiley: Shocked.

Pudra Pfayls 2

[ 0 Komento - Pudra Pfayls 2 ] Pumutak si Miko Reznor noong 07.15.2007 11:41 NH
Hay, nako. Talagang labs na labs ko si Pudra. Kakaaliw sya. Maki chika na lang kayo sa pag-uusap namen:

Ako: Ang ganda naman ng shirt mo, Pudra! (Dahil niregalo namin ni kapatid iyon sa kanya.)

Pudra: Siyempre! Di na ako magsusuot ng hindi Lacoste.


Ahahahahahah! Napaka high maintenance naman ni Pudrah! Hindi rin sya mahilig sa mga brand name, noh? Smiley: Laughing out loud.

Anyways, napaka sweet talaga ni Pudra ko. Heheheh. Buti na lang nagkasakit ako kahapon at hindi nakapag gym ngayon dahil baka mabinat lang ako.

Nung Biyernes kase, punta ako ng party sa Makati Shangri-La at medyo gabi na ako nakauwi. E parang masama na pakiramdam ko nung mga panahong iyon dahil sumasakit na lalamunan ko kakainom ng rhum punch (alam nyo naman ako, hindi ako sanay uminom). Kinabukasan, may naka schedule akong ka date ng maaga tapos yung venue, ang lameg! 17 degrees celcious ata dun. Ayun, natuluyan na ako sa sakit pagka uwi ko nung hapon. Kaya di ako nakapag-gym ngayon.

Bumalik tayo kay Pudra. Dahil nga hindi ako nakapag gym dahil sa aking sakit, nailibre nya ako ng masahe. Aheheheheh. Haaay... Ang tagal ko pa man ding hindi nakakapagpamasahe. Nayaya ko pa syang mag grocery dahil wala na akong shampoo at napkin. Bwahahahahah! Sinabi pa nga nya sa akin, "Pati ba naman mga ganyan, ako pa rin ang bibili?!?" Heheheh. Pero binili din nya in the end. Hihihi... I HEART Pudra talagah! Smiley: Wink.

Ayun lang. Gusto ko lang kayong inggitin dahil wala kayo sa Pudra koh! Smiley: Taunting.

Alexa Rank: 156571.

Lumang Putak

« Bumalik | 11 | 12 | 13 | 14 | 15 | 16 | 17 | 18 | 19 | Nakaraan »