Anomalya Sa Post Office 2
[ 1 Komento - Anomalya Sa Post Office 2 ] Pumutak si Miko Reznor noong 06.26.2007 3:36 NH
Ang matagal ko nang na pre-order (noong Enero pa) na komiks sa Amazon na Tramps Like Us Volume 12 ay nakarating na sa wakas... Pero hindi sa bahay namen. Kinamkam nanaman ang aking komiks ng post office. Grrr...
Tinext ako ni Mudra para ipaalam sa akin ito. Ako talaga iniinis ng mga iyon hah! Sa mahal ng binayaran ko para sa shipping, hindi nila ihatid sa akin ng maayos. Nakuuuuu!!!!
At kailangan ko pa uli magsulat ng authorization letter chuvanes kase pag uwi ko, sarado na sila... Laki talagang perwisyo nito o. Kung gusto kong bumili ng komiks na pupuntahan ko pa, di sana naghanap na lang ako sa Power Books anoh at hindi nag order sa internet. Hmph!
Haaay... Nawalan tuloy ako ng gana... Ganda ng gising ko kanina e. Magfi-Fitness First pa naman ako mamaya kasama si Chucky (simula ngayon, yan na ang tawag ko sa aking personal trainer na si Rowell Rosell). Kakalungkot! Ang komiks koh!!! Huhuhu...
Pagbabago noong ika-29 ng Hunyo 2007 11:34NU:
Nakuha na rin sa wakas ni kapatid na si Blitzwing kahapon. At, pinagbayad pa raw sya para lang makuha nya sa aming post office. Kakapal ng mga mukha! Sinulatan ko ang Amazon tungkol dito at suhulan ba naman akoh! Binigyan ako ng $10 credit sa aking account at sinabing finorward daw nila ang aking concern sa kanilang Shipping Department.
Haaay... Sana naman, sa susunod, maihatid na nila sa akin ang mga order. May 2 pa akong order na hinihintay galing sa kanila e. Napaka laking abala kung maya't maya e punta kami ng punta sa post office.
Heheheh. Sige na nga. Mukhang napapawi na ng $10 credit ang galit ko sa kanila. Hrmmm... Ano naman kaya ang mabili ko?

Fitness First Kasama si Rowell Rosell, Ikalawang Yugto
[ 2 Komento - Fitness First Kasama si Rowell Rosell, Ikalawang Yugto ] Pumutak si Miko Reznor noong 06.20.2007 12:53 NH
Ayan. Opisyal na ito. Kinuha ko na si Rowell Rosell bilang aking personal trainer sa Fitness First. Hmph! Sana tiningnan ko ang kanyang body fat percentage gamit ang kanilang Tanita. Para naman makumpirma ko na credible talaga sya. Hrmmm... Sa susunod na lang naming pagkikita...
Ano nga ba ang Tanita? Yun yung makinaryang ginamit sa akin para malaman ang aking timbang, body fat %, at iba pa. Gusto ko ngang magkaroon non sa bahay kaya nagtingin ako sa paborito kong Amazon at ito ang natagpuan ko: Tanita BC533 Glass Innerscan Body Composition Monitor. May isang review na hindi ko nagustuhan kaya di ko na tinuloy ang pagbili nito. Hmph!
Hindi naman yun yung ginamit sa akin pero parehong brand. Subukan nyong bilhin tapos kwento nyo sa akin kung epektibo talaga
Balik tayo kay Rowell Rosell... Sinabihan ba naman nya akong, "You're my worst nightmare!" Tama ba yun? Yan ba ang dapat mong sabihin sa iyong kliyente? Huhuhu... Nasaktan ang feelings ko. Sensitibong tao pa man din ako. Huhuhu...
Itutuloy ang "Fitness First Kasama si Rowell Rosell, Ikalawang Yugto"...

Isa Akong Pasaway (Brat)
[ 1 Komento - Isa Akong Pasaway (Brat) ] Pumutak si Miko Reznor noong 06.19.2007 11:40 NH
Inaamin ko naman...
Pasensya na lang kung tinotopak ako... Sinabihan din ako ni baklang Vonita tungkol dyan dati...
Ito ang mga bagay na alam kong kaya kong gawin pero hindi ko ginagawa...
Maglinis ng kwarto.
E sa madudumihan naman ulit. Baket ko pa papagurin ang sarili koh?
Gumising ng maaga.
Kailangan pang may tagagising?
Magbayad ng sariling bills.
Wahahahah! Hanggang ngayon, si Pudra pa rin ang nagbabayad para sa akin. Salamat, Pudrah! Mwah! Binilhan ka naman namin ng Lacoste shirt para sa Araw ng mga Tatay.
Hindi manlibak ng isang araw.
Teka nga muna... Kaya ko ba talaga itoh? Lalagnatin ata ako sa mga pinagsasasabi ko a.
Sino ba si Miko Reznor kung hindi mapanlibak?!? Pero siguro, kung gugustuhin ko, kakayanin ko naman ata.
Sa ibang balita, ibabahagi ko sa inyo ang ating quote of the day:
Nyahahahah! Naaliw ako nung sinabi nya iyon. Sino kaya ang tinutukoy ni Babsi?
Sya nga pala, naglipat na pala ako ng host (salamat kay Maja) at dito ko balak ilipat ang Putak: http://putak.onlinedevil.com. Medyo may problema nga lang sa bandwidth (sana naman hindi ko kasalanan yon) kaya dito ulit ako pumuputak at nawala ang mga komento nung nandon pa ako sa kabilang host. Ililipat ko na lang ang mga iyon pag nag up ulit ang server ni Maja.

Sinabi ni Babsi:
Nagkaka muscles na ang bakla!