Fitness First Kasama si Rowell Rosell

[ 5 Komento - Fitness First Kasama si Rowell Rosell ] Pumutak si Miko Reznor noong 06.12.2007 2:09 NH
Comedy itoh? Tawa tawa ka jan? Alam mo, isa akong sensitibong taoh. Mabilis masaktan ang aking damdamin... Huhuhu... Sa hindi pa sanay ang katawan ko sa sakit ng pageehersisyo e. Tuwing pumupunta lang ako sa Starbucks saka nagagamit ng husto ang aking mga muscles. Pagtawanan ba ang aking mga kapintasan... Huhuhu... Iyak akoh! Charing! Nyahahahah!

Gusto mo tawanan tayoh? Pagtawanan naten mukha moh! Kahit sounds-like kapangalan ka ng isang artista, hindi bagay sa iyong pfeys! Rowell Rosell, Rowell Rosell ka jan. Kailangan talagang mag-rhyme ang ateng pangalan? At pwede tigil-tigilan din natin ang pagbubungisngis naten? Nakakasilaw ang mga bakal sa ipin mo eh! Bwahahahaha! Joke, joke, joke! Peace tayo, Rowell! Smiley: Laughing out loud.

Weheheheh. Tigil na ang panlilibak para sa araw na ito. Loves na loves ko 'yang si Mr. Rowell Rosell na binigay sa aking personal trainer ng Fitness First. Talagang "binigay"? Regalo itoh? Nyahahahah! Ano bang Tagalog sa assign? Yun yung tamang term e. Ano rin ba yung Tagalog ng term?!?

Sya nga pala, nakalimutan kong ibalita...

Araw sa Fitness First: 6
Timbang: Sikretong malufet! Ayoko nang sabihin!

Itutuloy ang "Fitness First Kasama si Rowell Rosell"...

Babae Hubad

[ 0 Komento - Babae Hubad ] Pumutak si Miko Reznor noong 06.09.2007 2:10 NH
Bwahahahah! Natanggap ko ito sa aking email:

Sinabi ni ed:

send me a more picture hubad mga babae or sexy babae


Nag search ako sa Google at nalaman kong number 4 ang Putak sa keyword na babae hubad. Nyahahahah! Pasensya kah, ed. Ako lang ang babaeng sexy sa site na ito. Nyahahahah! Smiley: Laughing out loud.

Naghahanda na akong pumunta sa Fitness First. May Body Pump kase mamayang ika-3 ng hapon... Kaya lang, dumudungaw lang ako sa labas, mukhang tinatamad na ako. Ang init kase...

Huhuhu... Napagalitan pa ako ni Mudra kanina dahil ika-1 na ng hapon, di pa ako gumigising. Sinugod pa nya ako sa kwarto ko at tinanong (sinigawan) kung buhay pa ako.

Haay... Makaligo na nga...

Pagbabago noong ika-3:23 ng hapon: So hindi ako umabot sa Body Pump. Huhuhu... Makanood na nga lang ng Naruto Shippuden episode 17 sa internet... Ang bilis ng internet sa Fitness First Smiley: Grin.

Amazon Gold Box

[ 0 Komento - Amazon Gold Box ] Pumutak si Miko Reznor noong 06.07.2007 4:15 NH
Ilan sa mga web site na madalas kong bisitahin ang Amazon. Nahilig kasi ako sa online shopping. Siyempre, hindi kumpleto ang pagpunta ko don kung hindi ko bibisitahin ang mga sale nila sa kanilang Gold Box.

Eto talaga ang pinakamaganda at nakakatuwang deal of the day ng Amazon. Iba talagah! Basahin nyo ang mga komento para maaliw din kayoh! Smiley: Grin.

Kung hindi nga lang mga libro, DVD o audio CD ang pinapadala sa Pilipinas ng Amazon, malamang, bumili na ako nyang napakagandang pangregalo na iyan! Nyahahahahah! Smiley: Laughing out loud.

Lumang Putak

« Bumalik | 15 | 16 | 17 | 18 | 19 | 20 | 21 | 22 | 23 | Nakaraan »