Win Or Lose It's The School You Choose

[ 0 Komento - Win Or Lose It's The School You Choose ] Pumutak si Miko Reznor noong 10.03.2008 1:29 NH

Ganito pala magdiwang ang mga taga Ateneo sa pagkapanalo ng kanilang Blue Eagles sa 2008 UAAP Men's Basketball...

Litratong gamit sa Putak: Filipino Blog

In fairness, nagsikap sila hah. Gumastos sila sa pambili ng pintura at malaki ata ang panahon na ginugol nila sa pagpipinta ng mga pangalan ng manlalaro ng La Salle at may arrow pa ang mga ito.

Tapos? Balak nilang sunugin ang mga pangalan ng manlalaro ng DLSU Green Archers na pinaghirapan nilang gawin? At habang nasusunog ang mga ito, magsasayawan at maghihiyawan din ba sila sa palibot ng kanilang bonfire na parang kulto?

Ilang taon na ring nanalo ang DLSU Green Archers sa UAAP Men's Basketball pero ni minsan, wala akong nabalitaang umakto ng ganyan ang mga La Sallan.

Nung nanalo rin ang Ateneo Blue Eagles, wala akong sinabing di kaaya-aya kundi pagbati sa kanila at papuri kay Chris Tiu (na kinaiinggitan ko pa rin dahil hubad silang magkatabi ni Papa Derek Ramsay--Oatmheeeaaal!).

Haaay... Sino ba naman ako para manghusga ng mga ginagawa ng iba? Nagsaya sana sila sa kanilang sunugan. Ikalago sana iyon ng kanilang pagkatao.



OMG! C5!

[ 0 Komento - OMG! C5! ] Pumutak si Miko Reznor noong 10.02.2008 8:18 NH

Hulaan nyo kung saan nagpunta kanina ang lola nyo... Smiley: Wink.

Wahahahahah! Sa wakas, natahak ko na ang Ortigas na ako lang mag-isa dala ang kotse. Mukhang hindi ko na kailangan ang mapangahas na si Mang Johnny na yon! Hmph! Smiley: Snob.

Madali lang naman pumunta sa Ortigas. Dumaan sa Edsa at hanapin ang SM Megamall na beacon ng Ortigas. Engot ka na lang kung di mo pa makita yon.

Pag-uwi naman, dumaan ng C5 at diretso ka na sa SLEX.

Salamat kay Bossing na nagturo sa akin ng daan papuntang C5 (kung maaalala nyo e lagi akong tulog pag bumibyahe kaya di ko masyadong kabisado ang mga daan) para makauwi.

Pagbati kina Babsi na suspicious ang binigay na direksyon at kay Billy na walang kwentang magbigay ng direksyon.

Hanggang sa muli!



Hinoldup Ako Sa Post Office

[ 0 Komento - Hinoldup Ako Sa Post Office ] Pumutak si Miko Reznor noong 09.26.2008 7:43 NH

Kainiiiisss!!! Smiley: Blowing up in anger.

Sa mga panahong ito, maganda na nandyan si Mudra para asikasuhin ang mga bagay... Haaay...

Nakatanggap kase ako ng notice na meron daw akong parcel sa post office. Alam kong bumili ako sa Amazon ng ilang mga bagay pero sanay akong iniitsa na lang nila iyon sa aming gate. At tuwing natatanggap ang mga notice na iyan, "kinakausap" lang ni Mudra ang kartero para kunin ito para sa amin.

Dahil wala si Mudra at hindi ko kilala ang kartero, napilitan akong pumunta sa Post Office para kunin ito. Hinoldup akoh! Siningil ba naman ako ng P1181 at kung hindi raw ako magbabayad, "inabandona" ko raw ito at pwede nilang samsamin.

Hello! $29.94 binayad ko sa shipping. Baket hindi nyo hinatid?!?

Napababa ko ng P700 ang binayaran ko pero walang resibo. Alam nyo naman siguro kung ano'ng ibig sabihin non, daba?

Hmph! Mga tabatsoy na yon! Bwiset! Huhuhu... Ang sama ng loob koh! Smiley: Crying.

Paalala sa sarili:

- IMPORTANTE: Palaging magdala ng maliliit na bills sa pitaka. Lalo kang gagastos kung puro malalaking bills ang dala mo. Hindi mo naman pwedeng sabihing 500 lang ang pera mo kung puro 1000 ang dala mo.

- Hindi totoo ang halagang nasa papel. Hwag dumukot agad ng pera at hwag magalit. Pwede pang pag-usapan yan. Ngitian mo lang sila at ipakita na ang maliliit mong bills ang tangi mong pagmamay-ari at wala kang iba pang mapagkukunan ng pera kahit umuwi ka pa.

- Magmukhang kawawa. Iwasang magsuot ng mga alahas at mamahaling mga damit. Wala ka ngang mapipiga kahit umuwi ka, diba?

- Magdala rin ng barya. Kailangan mo ring hulugan ang mga taong tumulong sayong humanap ng parking at nag-trapik para makaalis ka.

Maging leksyon din sana ito sa inyo. Hanggang sa muli!

Pagbabago noong 9:52 ng gabi: Totoo na itoh. Hinoldup nga nila akoh! Tinanong ko si kapatid kung magkano binayad nya dati nung kinuha nya ang padala sa akin, sabi nya mga P100 lang daw at may resibo pa.

Sa palagay ko, kung hindi ako naging masyadong sabik na makuha yung binili ko sa Amazon at hinintay ang pagbabalik ni Mudra sa Lunes, mas nakatipid pa ako.

Haaay... Ang yaman ko talaga... Namimigay lang ako ng pera sa mga tavhachoy sa tabi-tabi... Nakuuuu... Mga Babaching na yon! Mabulok sana sila sa mainit na opisina nilang walang aircon! Hmph! Smiley: Snob.



Lumang Putak

« Bumalik | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 | 8 | 9 | 10 | 11 | Nakaraan »