Listahang Kainis

[ 7 Komento - Listahang Kainis ] Pumutak si Miko Reznor noong 11.11.2006 12:42 NH
Kagaya ng pamagat ng pinuputak ko ngayon, ito ang mga kinaiinisan ko...

Yung mga taong ang hilig sa libre. Mga pobreh! Masyado kayong demanding pero wala naman kayong pambayad. Kung manghihingi na rin lang kayo, yung tama lang. Hind yung buong kamay ang kukunin ninyoh. Ano kayo? Mga patay gutom?!?

Si Jeffrey na MABAHO! Ako, kagagaling ko lang sa TB hah. Hindi ko kailangang amuyin ang amoy usok mong mga kamay araw-araw!!! Tigil-tigilan mo akoh! Inuubo ako ngayon dahil sa iyoh! Mahiya ka sa masangsang at matigas mong balat! Hmph! Smiley: Snob.

Sa mga nagme-make-up at nagsusuklay sa publiko, yaaaak kayo! Wala kayong ka-kultu-kultura. Kaya nga ginawa ang mga restrooms hindi lang para sa ating personal na mga pangangailagan kundi para na rin gawin ang mga ganyan. Hindi ba kayo nagtataka kung bakit may malalaking salamin ang mga CR? Para ayusin nyo ang sarili ninyo. May tamang lugar para magpaganda, ok?

Itutuloy ang "Listahang Kainis"...

2006 Blinding Light Web Awards

[ 2 Komento - 2006 Blinding Light Web Awards ] Pumutak si Miko Reznor noong 11.01.2006 3:43 NH
Argh! Ang hirap naman! Sobrang kaunti lang ang napili ko para maging finalist sa Blinding Light Web Awards. Inis naman o. Ayaw ko kasing isama sa mga finalists yung sasama ang loob ko na pagbigyan ng award. Gets nyo?

Pero buti na lang, pumayag si Mudra na hindi ako sumama sa kanila sa probinsya para sa Undas. Mukhang gagabihin pa sila e at kanina pa akong bumibisita sa mga web sites ng mga sumali at hindi pa rin ako nakakapili. Hmph! Medyo kaunti lang ang mga nagugustuhan ko sa taong ito... A, basta. Makikita nyo na lang bukas kung ano ang napagdesisyunan ko.

Maiba naman akoh...

Ang hapdi ng mga labi ko. Grabeh! Feeling ko, ang kapal nila ngayon. Nasobrahan ata ako sa aircon at masyado silang nalamigan at nakalimutan ko pang mag Blistex.

Kanina pa itong butiking ito pagapang-gapang sa kwarto ko hah. Nakakinis na. Sarap tsinelasin.

Simula pala bukas, magtatrabaho na ako sa reception desk. Ako yung taga sabi sa mga empleyado, "Ser/Mam, pake pen lang po ang inyong ay-deh." Nyahahahahah! Ang saya, dabah? Smiley: Laughing out loud.

Argh! Pakialamerah!!!

[ 0 Komento - Argh! Pakialamerah!!! ] Pumutak si Miko Reznor noong 10.14.2006 8:25 NH
Ang pinaka ayaw ko pa naman ay ang mga taong nakikialam sa mga gamit koh! Nakuuu!!!! Smiley: Blowing up in anger.

Minsan kase, nago-golf kami ni Pudra kaya lagi kong nilalagay yung golf shoes at gloves ko sa isang plastik para lagi silang handa sakaling maglalaro kami.

Itong magaling naming katulong, nilinis ba naman ang kwarto ko at tinanggal sa plastik yung sapatos ko at pinagtatapon lahat ng plastik sa kwarto ko. Ngayon, nawawala ang aking golf gloves. Hindi sya kasama ng aking sapatos! Grrr... Smiley: Mad.

Alam ba niya kung magkano iyon?!? Kabibili lang non nung nagkamaling nilabhan ng dati naming labandera ang luma kong golf gloves! Argh!!! Sa tingin ba ng mga naging katulong namin, pinipitas lang sa puno ang mga gloves na iyon at madali silang napapalitan?!? Yung bago kong golf gloves na iyon ay leather (hindi sheep skin kagaya ng dati kong gloves) at mas mahal ng 400 kesa sa luma ko. 1200 Piso iyon!!! Rawr!!!

Hinalungkat ko na ang kwarto ko pero hindi ko sya matagpuan. Kanina ko pa gustong sumigaw kaya lang baka mapagkamalan akong loka ng mga kapit-bahay name. Aaaahhh!!!! Iyak na lang ako... Smiley: Crying.

Pagbabago noong 10.16: Natagpuan ko nah! Alam nyo ba kung saan ko nahanap ang aking pinakamamahal na gloves?!? Sa hamper koh!!! Argh!!! Hinalughog ko na lahat ng sulok ng kwarto ko pero hindi ko nahanap. Naalala ko yung dati naming labandera na nilabhan yung luma kong gloves kaya inisip kong tingnan ang hamper ko at nandon ngah!!!

Ano ba namang klaseng mga katulong ang mga napupunta sa amen. Siyempre hindi ako ang naglagay sa hamper ko noh! Buti na lang nailigtas ko ang aking mamahaling gloves dahil kung hindi, baka nalabhan nanaman siyah!

Kahapon, tinanong ako ni K (katulong) kung galit daw ako sa kanya, sabi ko, "Hinde." Sabi pa niya hindi raw siya kumukuha ng hindi sa kanya. Inisip-isip ko sa sarili ko, alam ko namang hindi sya magnanakaw e. Ano ba namang gagawin nya sa golf gloves?!? Pero ang akin lang, kung maglilinis sya ng kwarto ko, linisin lang nya. Wag nyang ilagay kung saan saan na hindi naman dapat kalagyan ang mga gamit ko. Tama lang iyon, dabah?

Lumang Putak

« Bumalik | 22 | 23 | 24 | 25 | 26 | 27 | 28 | 29 | 30 | Nakaraan »