Blog Bagyo

[ 0 Komento - Blog Bagyo ] Pumutak si Miko Reznor noong 09.28.2006 8:39 NH
Ang pamagat ng putak kong ito ay ang bagong pamilipit-dila o tongue twister na naisip ko. Subukan nyong sabihin ito ng mabilis at ulitin ng 10 beses.

Nagawa nyo ba? Oo? Ang galeng! Nauto ko kayoh! Nyahahahah! Heheh. Wala lang akong magawa kaya nandito ako at nagpapapansin. Brownout kase. Lahat nga ng pinagtanungan namen sabi wala rin silang kuryente. Buti na lang merong laptop si Pudra kaya feeling ko, ako lang ang nagda-dail-up iinternet sa Pilipinas. Tuwing ganitong oras kasi, lagi busy ang ISP namen. Pero ang daling maka-connect ngayon.

Kaya sa inyong hindi nakakapag-internet sa mga panahong ito, mag-laptop na rin kayo. Nyenyenyenyenyeh! Smiley: Taunting.

LabaLinis

[ 0 Komento - LabaLinis ] Pumutak si Miko Reznor noong 08.27.2006 2:07 NH
May itatanong lang ako sa inyo. Siguro naman nagkaron na kayo ng leather shoes, tama? Nilalabhan nyo ba iyon? Hah?!? Gusto ko talagang malaman. Nilalabhan ba ang leather?!? Hindi, dibah?!? May tao bang may matinong pag-iisip na maglalaba ng LEATHER?!?

Ayun. Kalmado na ako. Paano ba naman kase, ang magaling na labandera ni Mudra, nilabhan ang golf gloves ko na para bang gawa ito sa tela (para sa inyong kaalaman, hindi gawa sa tela ang mga golf gloves dahil puro kalyo ang aabutin nyo kung ganon). Yung golf gloves kong iyon ay gawa ata sa sheep skin (parang yon ang naaalala kong sabi sa packaging nito) at namuti ito nung nilabhan niya. Naku!!! Smiley: Mad.

Alam ba niya kung magkano iyon? Kulang kulang isang libo lang naman. Hindi naman ako galit sa kanya dahil don. Ang dali namang bumili ng bago (meron na akong bago gawa naman sya sa leather). Yung nakakaasar lang, baket naman niya pinakekealaman ang aking golf gloves?!? Alam ko burara ako sa mga gamit ko pero alam naman nyang yung mga labahin ko ay inilalagay ko sa loob ng aking hamper. E hindi ko naman nilalagay sa loob ng hamper ko ang aking golf gloves! Baket nya lalabhan iyon?!?

Itutuloy ang "LabaLinis"...

Mga Pirata

[ 1 Komento - Mga Pirata ] Pumutak si Miko Reznor noong 08.11.2006 5:12 NH
Dami talagang mga kapal muks na tao na pinagkakalat sa buong mundo na gumagamit sila ng pirated software. Eto pa, sinasabi pa niya sa mga tao na padalhan sya ng full version ng isang kilalang image editing program. Ang sarap sabihin sa kanya, "Iha, ang program na iyon ay binabayaran. Hindi hinihingi sa kung sino mang meron nito."

At, ang nakapagtataka pa nito ay gumagamit daw siya ng Adobe Photoshop CS2. Alam nyo ba kung magkano iyon? $589.99 lang naman sya sa Amazon at discounted price pa iyon hah. Kung yung hinihingi nga nyang program na PSP $79 lang ang full version at hindi pa niya mabili, sa tingin nyo ba, kaya nyang bilhin yung PS CS2?

Hrmm.... Suspicious dibah? Kaya kayo diyan, para hindi kayo mapaghalataang pirata, hwag nyong sasabihin kung anong software ang ginagamit nyo (pwera na lang kung talagang binili ninyo ang orihinal na bersyon nito). At kung gusto nyong humingi ng mga full version na programs, mas mabuti siguro kung hindi nyo pino-post sa inyong web site na padalhan kayo nito.

Sino nga ba ang tinutukoy ko? Hindi sya Pilipino at yung web site lang naman nya ay may initials na KD.

Lumang Putak

« Bumalik | 23 | 24 | 25 | 26 | 27 | 28 | 29 | 30 | 31 | Nakaraan »