Nagmamaganda
[ 2 Komento - Nagmamaganda ] Pumutak si Miko Reznor noong 07.30.2006 12:32 NU
Bago ang aking putak, gusto ko lang sabihin na ang sayang magpa foot spa. Hehe. Parang gusto ko nang bumili ng foot file (di ko alam ang tamang termino pero para syang higanteng nail file) para makudkod ko ang makakapal na bahagi ng balat sa aking paa. Magpatuloy na tayo sa aking komentaryo...
Hindi ba kayo nakakahalata na ang daming taong nagmamaganda sa tabi-tabi ng internet? Reklamo sila ng reklamo na ang daming hindi sumusunod sa kanilang mga "Terms of Use" at naglalagay pa sila ng mga "Black List" at kung ano ano pang masasamang sinasabi sa mga nagkasala sa kanila. Pero kung sila naman, hirap ding sumunod sa "Terms" ng ibang web site.
Katulad na lang ng Extreme Tracking. Ito ang nakalagay sa kanilang "Terms and Conditions":
Mga hipokrito! Ang payo ko lang sa inyo, let he who has no sin cast the first stone. Mag-inarte lang kayo na maraming lumalabag sa inyong TOU pag kayo ay magaling din sumunod sa TOU ng iba. Tama lang iyon diba?

Malinaw na malinaw, hindi ba? Pero ang dami mong nakikitang web site na gumagamit ng serbisyo nila na ginagawang text link, iniiba ang litrato ng logo, pinapaliit ng 1x1 pixel ang logo, at iba pang hindi sang-ayon sa "Conditions" ng Extreme Tracking.The Tracker-code has to be copied into the source of your page INTEGRALLY AND WITHOUT ANY CHANGES. Only then the tracking will be accurate. If you change the code eXTReMe digital shall have the right to suspend services. The button connected to the code must be placed in a VISIBLE way on your page and in the size as exposed below.
[Ilagay ang 41x38 pixels na logo ng Extreme Tracking dito.]
Mga hipokrito! Ang payo ko lang sa inyo, let he who has no sin cast the first stone. Mag-inarte lang kayo na maraming lumalabag sa inyong TOU pag kayo ay magaling din sumunod sa TOU ng iba. Tama lang iyon diba?
Ang Aking Baga, ATBP.
[ 3 Komento - Ang Aking Baga, ATBP. ] Pumutak si Miko Reznor noong 07.21.2006 3:24 NU
Binabasa nyo ang blog ng babaeng may malinaw na baga. Nyahahahahah!
Natanggap ko noong Miyerkules ang magandang balita. Batiin nyo akoh! Sinabi sa akin ng aking doktor na wala na siyang nakikitang TB sa aking x-ray. Yay! Lalalalalaahhh... Pero ang sabi niya, hindi pa ako tuluyang magaling. Maaari raw na magka-relapse ako at bumalik ang TB kaya kailangan ko pa ring uminom ng 3 gamot tuwing umaga bago mag-almusal hanggang ika-7 ng Oktubre ngayong taon.
Pero, ang maganda rito, pwede na akong magtrabaho ng hindi nasasabit sa medical. Hay, nako. Grabe talaga ang kalungkutan ko nung sinabi ng unang doktor na tumingin sa akin na hindi ako makakapagtrabaho sa kumpanya nila dahil nga sa aking karamdaman. Heheh... Nakaraan na naman iyon. Ayaw ko munang magkomento tungkol sa trabaho. Sabihin na lang natin na sana malapit nah...
Sa mga sumusubaybay sa mga lugto ng aking buhay, maaalala nyo na merong 3 doktor na tumingin sa akin tungkol nga dito sa aking sakit. Buti na lang talaga at pinagpilitan ni Mudra na magkaroon ng ikatlong opinyon. Paano ba naman kase, yung unang doktor, hindi raw mukhang doktor. Yung pangalawa naman, hindi raw sya nagagalingan dahil palaging tumitingin sa kanyang libro tuwing nagrereseta ng gamot. Itong pangatlo yung mahusay.
Itutuloy ang "Ang Aking Baga, ATBP."...

Plastik!
[ 3 Komento - Plastik! ] Pumutak si Miko Reznor noong 07.16.2006 3:49 NH
Meron talagang mga taong napaka plastik! Malakas ata ang radar ko sa mga ganyang bagay. Sa tingin niya ata, hindi ko iyon nabasa. Nananahimik lang ako pero alam ko namang sinasabi niya sa mga tao na bulok ang Blinding-Light.COM at lahat ng mga nakalagay dito. Pero ayan, makikita mo sya, sasali-sali sya sa Blinding Light Web Awards.
Akala ko ba, basura ang web site ko, wala kang pake dito at hind mo ito pinupuntahan. Baket ko naman nakita ang web site mo sa listahan ng mga kasali sa paligsahan koh?!? Diba sa tingin mo napakapanget ng mga ginagawa koh? Baket gusto mong mapanalunan ang isa sa mga award na gagawin koh? Gusto mo lang bang magpapansin?
Talaga nga namang ang hirap intindihin ng mga tao. Sige. Pagbibigyan kita. Huhusgahan ko ng patas ang iyong web site at bibigyan kita ng pagkakataon. Pero sa mga nakikita ko, hindi ako namamangha. Masyado ka atang naaliw sa paggamit ng filters. Ang dami kasi e nagmumukha nang magulo. Iyan lang ba ang tangi mong paraan ng "pagpapaganda" ng web site mo? Hanggang filters ka na lang bah?
Sa tingin ko, sobra ang pag-iisip mo sa iyong top image na nakakalimutan mo na ang mahalaga: ang nilalaman ng iyong web site. Para bang "afterthought" na lang ang paglagay ng navigation at pag-ayos ng iyong content. Unang tingin ko pa lang naman iyon. Malay mo, meron palang natatagong "kagandahan" iyang web site mo.
Ayaw ko pa naman sa mga web site na walang "harmony". Mahirap ipaliwanag. Nagdadalawang isip ako kung magbibigay ako ng halimbawa kasi baka maraming magalit pero susubukan ko... Yung tipong, biglaan na lang matatapos ang top image at nandyan na agad ang navigation/content na para bang hindi sila bagay sa isa't-isa. Magkahiwalay naman talaga ang navigation, content at top image pero ang diskarte diyan ay sa ayos nila at dapat terno silang lahat para magkaroon ng "harmony" nga na tinatawag ko. Gets?
Sa ibang balita, maraming salamat, Tim! Ang bait mo talaga sa amin ni Blitzwing