Argh! Pakialamerah!!!
[ 0 Komento - Argh! Pakialamerah!!! ] Pumutak si Miko Reznor noong 10.14.2006 8:25 NH
Ang pinaka ayaw ko pa naman ay ang mga taong nakikialam sa mga gamit koh! Nakuuu!!!! 
Minsan kase, nago-golf kami ni Pudra kaya lagi kong nilalagay yung golf shoes at gloves ko sa isang plastik para lagi silang handa sakaling maglalaro kami.
Itong magaling naming katulong, nilinis ba naman ang kwarto ko at tinanggal sa plastik yung sapatos ko at pinagtatapon lahat ng plastik sa kwarto ko. Ngayon, nawawala ang aking golf gloves. Hindi sya kasama ng aking sapatos! Grrr... 
Alam ba niya kung magkano iyon?!? Kabibili lang non nung nagkamaling nilabhan ng dati naming labandera ang luma kong golf gloves! Argh!!! Sa tingin ba ng mga naging katulong namin, pinipitas lang sa puno ang mga gloves na iyon at madali silang napapalitan?!? Yung bago kong golf gloves na iyon ay leather (hindi sheep skin kagaya ng dati kong gloves) at mas mahal ng 400 kesa sa luma ko. 1200 Piso iyon!!! Rawr!!!
Hinalungkat ko na ang kwarto ko pero hindi ko sya matagpuan. Kanina ko pa gustong sumigaw kaya lang baka mapagkamalan akong loka ng mga kapit-bahay name. Aaaahhh!!!! Iyak na lang ako... 
Pagbabago noong 10.16: Natagpuan ko nah! Alam nyo ba kung saan ko nahanap ang aking pinakamamahal na gloves?!? Sa hamper koh!!! Argh!!! Hinalughog ko na lahat ng sulok ng kwarto ko pero hindi ko nahanap. Naalala ko yung dati naming labandera na nilabhan yung luma kong gloves kaya inisip kong tingnan ang hamper ko at nandon ngah!!!
Ano ba namang klaseng mga katulong ang mga napupunta sa amen. Siyempre hindi ako ang naglagay sa hamper ko noh! Buti na lang nailigtas ko ang aking mamahaling gloves dahil kung hindi, baka nalabhan nanaman siyah!
Kahapon, tinanong ako ni K (katulong) kung galit daw ako sa kanya, sabi ko, "Hinde." Sabi pa niya hindi raw siya kumukuha ng hindi sa kanya. Inisip-isip ko sa sarili ko, alam ko namang hindi sya magnanakaw e. Ano ba namang gagawin nya sa golf gloves?!? Pero ang akin lang, kung maglilinis sya ng kwarto ko, linisin lang nya. Wag nyang ilagay kung saan saan na hindi naman dapat kalagyan ang mga gamit ko. Tama lang iyon, dabah?
Blog Bagyo
[ 0 Komento - Blog Bagyo ] Pumutak si Miko Reznor noong 09.28.2006 8:39 NH
Ang pamagat ng putak kong ito ay ang bagong pamilipit-dila o tongue twister na naisip ko. Subukan nyong sabihin ito ng mabilis at ulitin ng 10 beses.
Nagawa nyo ba? Oo? Ang galeng! Nauto ko kayoh! Nyahahahah! Heheh. Wala lang akong magawa kaya nandito ako at nagpapapansin. Brownout kase. Lahat nga ng pinagtanungan namen sabi wala rin silang kuryente. Buti na lang merong laptop si Pudra kaya feeling ko, ako lang ang nagda-dail-up iinternet sa Pilipinas. Tuwing ganitong oras kasi, lagi busy ang ISP namen. Pero ang daling maka-connect ngayon.
Kaya sa inyong hindi nakakapag-internet sa mga panahong ito, mag-laptop na rin kayo. Nyenyenyenyenyeh! 
LabaLinis
[ 0 Komento - LabaLinis ] Pumutak si Miko Reznor noong 08.27.2006 2:07 NH
May itatanong lang ako sa inyo. Siguro naman nagkaron na kayo ng leather shoes, tama? Nilalabhan nyo ba iyon? Hah?!? Gusto ko talagang malaman. Nilalabhan ba ang leather?!? Hindi, dibah?!? May tao bang may matinong pag-iisip na maglalaba ng LEATHER?!?
Ayun. Kalmado na ako. Paano ba naman kase, ang magaling na labandera ni Mudra, nilabhan ang golf gloves ko na para bang gawa ito sa tela (para sa inyong kaalaman, hindi gawa sa tela ang mga golf gloves dahil puro kalyo ang aabutin nyo kung ganon). Yung golf gloves kong iyon ay gawa ata sa sheep skin (parang yon ang naaalala kong sabi sa packaging nito) at namuti ito nung nilabhan niya. Naku!!! 
Alam ba niya kung magkano iyon? Kulang kulang isang libo lang naman. Hindi naman ako galit sa kanya dahil don. Ang dali namang bumili ng bago (meron na akong bago gawa naman sya sa leather). Yung nakakaasar lang, baket naman niya pinakekealaman ang aking golf gloves?!? Alam ko burara ako sa mga gamit ko pero alam naman nyang yung mga labahin ko ay inilalagay ko sa loob ng aking hamper. E hindi ko naman nilalagay sa loob ng hamper ko ang aking golf gloves! Baket nya lalabhan iyon?!?
Lumang Putak
« Bumalik | 26 | 27 | 28 | 29 | 30 | 31 | 32 | 33 | 34 | Nakaraan »