Mga Pirata
[ 1 Komento - Mga Pirata ] Pumutak si Miko Reznor noong 08.11.2006 5:12 NH
Dami talagang mga kapal muks na tao na pinagkakalat sa buong mundo na gumagamit sila ng pirated software. Eto pa, sinasabi pa niya sa mga tao na padalhan sya ng full version ng isang kilalang image editing program. Ang sarap sabihin sa kanya, "Iha, ang program na iyon ay binabayaran. Hindi hinihingi sa kung sino mang meron nito."
At, ang nakapagtataka pa nito ay gumagamit daw siya ng Adobe Photoshop CS2. Alam nyo ba kung magkano iyon? $589.99 lang naman sya sa Amazon at discounted price pa iyon hah. Kung yung hinihingi nga nyang program na PSP $79 lang ang full version at hindi pa niya mabili, sa tingin nyo ba, kaya nyang bilhin yung PS CS2?
Hrmm.... Suspicious dibah? Kaya kayo diyan, para hindi kayo mapaghalataang pirata, hwag nyong sasabihin kung anong software ang ginagamit nyo (pwera na lang kung talagang binili ninyo ang orihinal na bersyon nito). At kung gusto nyong humingi ng mga full version na programs, mas mabuti siguro kung hindi nyo pino-post sa inyong web site na padalhan kayo nito.
Sino nga ba ang tinutukoy ko? Hindi sya Pilipino at yung web site lang naman nya ay may initials na KD.
filipinolinks.com
[ 0 Komento - filipinolinks.com ] Pumutak si Miko Reznor noong 08.08.2006 9:30 NH
Pangalawang beses ko nang mag blog sa araw na ito ah...
Nagsu-surf ako ng mga web site kahapon at napadpad ako sa filipinolinks.com. Naisip ko naman na ilista ang mga web site ko ron. Kaya lang, nung click ko yung add link, sinabi na dapat registered member ako. Nagdalawang-isip ako. Ayaw ko pa namang mag-rehistro sa kung ano-anong web site lang dyan.
Pero username, password at email lang naman ang kailangan. Kaya pumayag na rin ako. Pagkatapos non, nakatanggap ako ng verification message sa aking inbox. Click ko nga yung link sa email. Ayan, nakarehistro na ako. Punta naman uli ako sa add link section, biruin nyo ba naman, napakadaming rules na nakalista.
Yung pinaka-ayaw ko pa don sa mga rules nila e dapat daw may link sa filipinolinks.com yung site mo bago nila idadagdag iyon. At kung wala raw link at sinubmit mo sa kanila, makakarinig ka raw ng hindi maganda sa kanya. Ito ang kanyang sinabi:
Again, if you haven't placed a www.filipinolinks.com link in your site, PLEASE do NOT hit the submit button! YOU MUST HAVE A filipinolinks.com link in your site for your site to be included otherwise you will get a NASTY e-mail from me. I am really warning you. It takes a LOT of my time to validate submitted sites, so be a dear and make it worth my while to check your site by placing a www.filipinolinks.com link in your site before you submit.
Ganda ng ugali, noh? Para na rin nyang sinabing flamer sha.
Nabwiset akoh! Kung sinabi ba naman nila iyon ng mas maaga, e di hindi na sana ako nagrehistro don sa lintek na web site na iyon! Kainis talagah! Marami pa palang requirements bukod sa pagrerehistro, sana inilagay nila iyon sa registration form noh! Ni wala man lang akong nakitang link sa kanilang rules tapos pag naka-login ka lang pala saka mo makikita ang mga iyon. Anong klaseng site ba itoh?!? Argh! 
Sinayang lang ang panahon ko. Ang sarap sapukin! Hmph! Gusto ko ngang i-submit yung mga sites ko kahit hindi ko dinadagdag yung link sa kanila para lang paramihin ang trabaho ng may ari ng web site na iyon! Hahahah! Para mamuti ang mga mata ng taong iyon kakahanap ng link sa lecheng site nya! 
Siyempre, naghunos-dili ako. Hindi naman dahil takot akong makatanggap ng masamang email galing sa kanila pero dahil ako ay mahinhin at hindi mapaghiganting taoh. Nyahahahah!
Kaya sa uulitin, hindi na ako magtitiwala sa mga web site na kinakailangang pagrehistruhin ang mga tao. Meron din naman akong link directory, Absolutely Precious, at hindi ko naman nirerequire ang mga bisita ko na mag-register bago mag-submit ng links. Ano bang espesyal sa filipinolinks.com para kailanganin kong magrehistro don?
Hindi naman ako nagagalit dahil ayaw kong idagdag ang link nila. Yung ayaw ko lang e, hindi nila pinaalam agad ang kanilang rules. Hay... Naiinis ako sa sarili ko at nagpauto ako sa web site na iyon! Grrr...
Dahil naka-rehistro na rin ako at na-link ko naman yung panget na site na iyon, mabuti pang i-submit ko na rin ang Putak. Kung nababasa ito ng may-ari ng site na iyon, baguhin mo ang style mo, chong. Hindi nakakatuwa e 
Sikat!
[ 0 Komento - Sikat! ] Pumutak si Miko Reznor noong 08.08.2006 11:52 NU
Bago ang lahat, Gusto ko lang sabihin sa inyo na tapos na ang revamp ng Absolutely Precious. Kung may web site kayo, i-submit nyo ito para malista doon. Hindi nyo na kailangang mag link sa AP pero mabuti naman kung gagawin ninyo 
Ngayon, sa aking komentaryo... Hay, nako. Ang dami talagang mga inggitera sa mundo. Marami akong nakikitang nagpo-post sa kanilang web site na meron daw mga kilalang may-ari ng web site na hindi karapat-dapat na maging sikat. Naiinis ako sa mga taong nagpo-post ng mga ganyan. Halatang-halatang wala silang alam. Mga ignorante!
Siyempre, kung sikat yung web site na iyon, dapat lang. Baket? Dahil meron silang ginagawang tama kaya binabalik-balikan sila ng kanilang mga bisita. Kung sumasama ang loob mo dahil pakiramdam mo mas dapat pumunta ang mga tao sayo pero hindi sila dumarating, sino ang may kasalanan non? Siguradong hindi yung mga sikat na "umaagaw" sa bisita mo kundi ikaw ang may problema dahil may mali kang ginagawa.
Imbes na magmukmok ka dahil walang pumapansin sa iyo, gumawa ka ng paraan para sila ang pumunta sa iyo! Ang akala mo ba ay walang kahirap-hirap na sumikat bigla ang mga web site na iyan? Ang mahirap kasi sa mga tao ngayon, may mga "Lucky Me" mentality. Ano ba ang "Lucky Me" mentality? Diba ang "Lucky Me" e brand ng instant noodles? Parang ganon ang mga taong may web site ngayon. Gusto nila, sikat sila agad.
Alam mo bang hindi na espesyal ang pagkakaroon ng web site? Siguro noon, nung mahal pa ang mga domain name at hosting matuturingang espesyal ka pero ngayon, napakamura na ng mga ganyan. Kahit bata meron na. Nabasa ko rin na bawat taon, milyong-milyong web site ang nagagawa. Ito lang ang masasabi ko sa inyo, sa dinami-dami ng mga web site sa mundo, higit pa sa mainit na tubig ang kakailanganin nyo para sumikat kayo sa internet. Walang "just add hot water" dito.
Lumang Putak
« Bumalik | 27 | 28 | 29 | 30 | 31 | 32 | 33 | 34 | 35 | Nakaraan »