Ang Aking Baga, ATBP.

[ 3 Komento - Ang Aking Baga, ATBP. ] Pumutak si Miko Reznor noong 07.21.2006 3:24 NU

Binabasa nyo ang blog ng babaeng may malinaw na baga. Nyahahahahah! Smiley: Laughing out loud.

Natanggap ko noong Miyerkules ang magandang balita. Batiin nyo akoh! Sinabi sa akin ng aking doktor na wala na siyang nakikitang TB sa aking x-ray. Yay! Lalalalalaahhh... Pero ang sabi niya, hindi pa ako tuluyang magaling. Maaari raw na magka-relapse ako at bumalik ang TB kaya kailangan ko pa ring uminom ng 3 gamot tuwing umaga bago mag-almusal hanggang ika-7 ng Oktubre ngayong taon.

Pero, ang maganda rito, pwede na akong magtrabaho ng hindi nasasabit sa medical. Hay, nako. Grabe talaga ang kalungkutan ko nung sinabi ng unang doktor na tumingin sa akin na hindi ako makakapagtrabaho sa kumpanya nila dahil nga sa aking karamdaman. Heheh... Nakaraan na naman iyon. Ayaw ko munang magkomento tungkol sa trabaho. Sabihin na lang natin na sana malapit nah... Smiley: Puts thumb up.

Sa mga sumusubaybay sa mga lugto ng aking buhay, maaalala nyo na merong 3 doktor na tumingin sa akin tungkol nga dito sa aking sakit. Buti na lang talaga at pinagpilitan ni Mudra na magkaroon ng ikatlong opinyon. Paano ba naman kase, yung unang doktor, hindi raw mukhang doktor. Yung pangalawa naman, hindi raw sya nagagalingan dahil palaging tumitingin sa kanyang libro tuwing nagrereseta ng gamot. Itong pangatlo yung mahusay.

Itutuloy ang "Ang Aking Baga, ATBP."...



Plastik!

[ 3 Komento - Plastik! ] Pumutak si Miko Reznor noong 07.16.2006 3:49 NH

Meron talagang mga taong napaka plastik! Malakas ata ang radar ko sa mga ganyang bagay. Sa tingin niya ata, hindi ko iyon nabasa. Nananahimik lang ako pero alam ko namang sinasabi niya sa mga tao na bulok ang Blinding-Light.COM at lahat ng mga nakalagay dito. Pero ayan, makikita mo sya, sasali-sali sya sa Blinding Light Web Awards.

Akala ko ba, basura ang web site ko, wala kang pake dito at hind mo ito pinupuntahan. Baket ko naman nakita ang web site mo sa listahan ng mga kasali sa paligsahan koh?!? Diba sa tingin mo napakapanget ng mga ginagawa koh? Baket gusto mong mapanalunan ang isa sa mga award na gagawin koh? Gusto mo lang bang magpapansin?

Talaga nga namang ang hirap intindihin ng mga tao. Sige. Pagbibigyan kita. Huhusgahan ko ng patas ang iyong web site at bibigyan kita ng pagkakataon. Pero sa mga nakikita ko, hindi ako namamangha. Masyado ka atang naaliw sa paggamit ng filters. Ang dami kasi e nagmumukha nang magulo. Iyan lang ba ang tangi mong paraan ng "pagpapaganda" ng web site mo? Hanggang filters ka na lang bah?

Sa tingin ko, sobra ang pag-iisip mo sa iyong top image na nakakalimutan mo na ang mahalaga: ang nilalaman ng iyong web site. Para bang "afterthought" na lang ang paglagay ng navigation at pag-ayos ng iyong content. Unang tingin ko pa lang naman iyon. Malay mo, meron palang natatagong "kagandahan" iyang web site mo.

Ayaw ko pa naman sa mga web site na walang "harmony". Mahirap ipaliwanag. Nagdadalawang isip ako kung magbibigay ako ng halimbawa kasi baka maraming magalit pero susubukan ko... Yung tipong, biglaan na lang matatapos ang top image at nandyan na agad ang navigation/content na para bang hindi sila bagay sa isa't-isa. Magkahiwalay naman talaga ang navigation, content at top image pero ang diskarte diyan ay sa ayos nila at dapat terno silang lahat para magkaroon ng "harmony" nga na tinatawag ko. Gets?

Sa ibang balita, maraming salamat, Tim! Ang bait mo talaga sa amin ni Blitzwing Smiley: Grin.



Sa Likod Ng Blinding-Light.COM

[ 1 Komento - Sa Likod Ng Blinding-Light.COM ] Pumutak si Miko Reznor noong 06.29.2006 2:14 NH

Mga bagay na hindi nyo alam tungkol sa Blinding-Light.COM...

Binili ko ang domain at hosting dahil wala akong magawa.
Isang araw, dahil sa kabagutan at pagkasabik sa domain name, naisipan ko na lang na bumili nito. Iniisip ko ng mga panahon na iyon, gusto ko, e di bibilhin ko. Binayaran ko lahat pati 1 taong hosting. Noong nabayaran ko na ang lahat at meron na akong domain at hosting, wala naman akong maisip na gawin dito.

Hindi naman talaga ako pala-imik (heheh, totoo) na tao kaya hindi ko iyon ginawang blog. Ang gusto ko talaga ay buhaying muli ang aking web site, [WAR] WebMasters' Anime Resource, pero syempre, hindi na bagay ang domain name doon. Kaya ang ginawa ko, e ni-recycle ang mga layouts na dati ko nang ginawa. Doon nagsimula ang Blinding-Light.COM.

Isa sa dahilan na ginawa ko ito ay para makapag-practice mag-code.
Dahil mangilan-ngilan lang ang mga libreng host na mayroong PHP at mySQL, naisipan kong doon na lang ako sa paid hosting para makapag-practice ako kung paano mag code. Learning by doing, ika nga.

Pampalipas ko ito ng panahon.
Tama. Ang pangunahing dahilan kung bakit ko iyon ginawa ay para aliwin ang sarili ko. Mabuti kung gusto ng mga tao ang mga pinaggagagawa ko sa aking site. Pero kung hindi, intindi ko namang you can't please everyone. Basta ako nasisiyahan sa mga ginagawa ko, at meron akong napagtutuunan ng pansin pag wala akong ginagawa, kontento na ako don.

Ang mga "updates" na dinadagdag ko ay matagal ko nang ginawa.
Sabi ko sa inyo, pampalipas ko lang iyon ng panahon. Kaya kung meron akong oras o inspirado ako o gusto ko lang, gumagawa ako ng mga layouts/brushes/templates/backgrounds o nagsusulat ng tutorial o nage-extract ng PNG. Pero hindi ko sila agad pino-post sa aking site. Minsan kasi hindi ko feel gumawa kaya iniipon ko lang sila at paisa-isa ako kung mag-post ng updates. Karamihan nga sa dinadagdag ko, ilang buwan na ang nakalilipas noong natapos ko silang gawin.

Kaya doon sa mga nag-aakalang napaka sipag ko dahil bawat linggo, nag-uupdate ako, haha. Ipagpatuloy nyo ang pag-iisip ng ganyan! Smiley: Sticks out tongue.

Ang Terms Of Use ay hindi ko mahigpit na pinapatupad.
Nandoon lang sila para sa pormalidad. Sa totoo lang, marami na akong pinalampas na tao na lumalabag sa aking Terms Of Use. Hindi ko na lang sila pinapansin. Hinahayaan ko na lang na karmahin sila. Sakit lang ng ulo kung aawayin ko pa sila e.



Lumang Putak

« Bumalik | 28 | 29 | 30 | 31 | 32 | 33 | 34 | 35 | 36 | Nakaraan »

n