Sun Cellular Bulok!
[ 2 Komento - Sun Cellular Bulok! ] Pumutak si Miko Reznor noong 06.07.2006 12:29 NH
Hay, nako. Eto nanaman ako at nanggagalaiti nanaman sa Sun Cellular! Grrr... 
Para maging sakto ang pahayag ko, ang oras ngayon ay 11:45 ng umaga. Katatawag ko lang sa Sun Cellular wala pang 3 minuto ang nakakaraan. Dalawang araw na kasi akong walang signal. Nagpunta na ako sa Settings > Network Connection > Manual. Select ko na ang Digitel at hindi ako maka-connect. "No Access" ang palagi kong nakukuha. Kaya nagpasya ako na tawagan sila.
Si "Suzette" ang nakasagot. Noong una, tinanong ko sa kanya kung magkano ang bill ko. Sinabi nya ang halaga. Tanong ko naman kung kelan ito due. Sabi niya sa akin ang petsa. Nakikita nyo ba ang mali doon? Dapat nung sinabi nya ang halaga, saka rin nya sinabi kung kelan ang due date. Bakit kailangan ko pang tanungin? Diba nakapag-verify na ako nung tinanong nya ako ng mga billing address, middle name at kaarawan ni Pudra (sa kanya kasi nakapangalan ang telepono ko), etc? Bakit hindi pa niya sabihin sa akin iyon? Hindi ba nya alam na kailangan ko rin iyon?!? Bilang dating GRO *ahem*callcenteragent*ahem*, partikular ako sa mga ganong klaseng bagay. Dapat proactive sya at perceptive sa mga pangangailangan ng customer. Hmph!
Pero nawawala na tayo sa totoong pakay ko kaya ako pumutak. Ok, pagkatapos non, tinanong ko kung naputulan ako. She placed me on hold. Paano ba ang Tagalog non? Malaswa ang naiisip ko e... Anyways, hinold nya ako - nanaman! Tuwing magtatanong ako sa kanya, palagi nya akong hinohold. At, wala pa silang hold music hah! O, baka nag mute lang sya kaya wala akong naririnig na hold music... E, basta! Napakatagal ng mga dead air na iyon! Unacceptable! Sabi ko nga, dati akong GRO kaya pinupuna ko ang mga ganoon.
Nawawala nanaman... Sabi naman nya, hindi naman daw ako naputulan ng serbisyo. Kaya tinanong ko sa kanya kung baket wala akong signal noong nakaraang mga araw. Tanong naman nya kung nagawa ko na yung Settings > Network Connection > Manual. Siyempre naman noh! Ano ako, taga bundok na hindi pa nakakakita ng cellphone sa buong buhay koh? Pero hindi ko iyon sinabi. Sabi ko nga, oo at "No Access" ang palagi kong nakukuha pag pinili ko ang Digitel.
Ayaw ko nang pahabain kaya short-cut na lang: Hold. Tanong niya address ko at kung anong unit. Hold. Matagal na hold. Sabi nya sa akin ang aking report number kung ano man iyon (tama, hindi sinabi kung para san iyon). Pinayuhan ako na 3 working days bago gumana. Meron pa raw ba akong kailangan? 3 working days?!? Oo raw. Wala na. Thank you for calling Sun Cellular. *Dial tone*
At, yung dial tone na iyon ay dial tone talaga. Yung para bang naasar sya sa akin at pinindot nya ng matagal ang isa sa mga numero sa telepono. Akala nya hindi ko iyon napansin?!?
Siyam na minuto at labing walong segundo ang itinagal ng tawag kong iyon. Kasama na ang voice prompt at mga dead air. Ganoon katagal at hindi pa kasama don yung matagal na dial tone nya hah! At wala rin akong napalah! Kainis talaga ang kalidad ng customer service dyan sa Sun!
Malala pa diyan, tatlong araw bago gumana ang telepono koh?!? Sabi pa nung girlalush na iyon na subukan ko raw constantly yung Network Selection > Manual. Huwhaaat?!? Constantly?!? For 3 days?!? Sino ba namang iisip na hindi nga sila bulok kung ganyan ang sinasabi sa iyo ng kanilang customer service representative?!? Nakuuu!!! 
Hindi naman talaga ako mahilig sa mga cellphone. Hindi ako adik sa text at halos ginagamit ko lang iyon para tumawag, hindi pa ganoon kadalas. Kung tutuusin nga, wala akong nakikitang matinding pangangailangan para sa aking cellphone ngayon o sa mga susunod na araw. PERO... Isa pa rin naman akong subscriber ng Sun. Kaya ine-expect ko na maasahan ko ang serbisyo nila. E sa lagay ngayon, mukhang wala na talagang maaasahan sa kanila... 
Pagbabago noong ika-8 ng Hunyo 12:50PM:
Napansin kong meron na akong signal.
Nagpapalipas
[ 0 Komento - Nagpapalipas ] Pumutak si Miko Reznor noong 05.27.2006 8:10 NH
Hay, nako. Sa totoo lang, nagpapalipas lang ako ng panahon. Meron kasing nagpapagawa sa akin ng disenyo para sa kanyang web site. Kaninang madaling araw ko lang natanggap ang mga litrato na gusto niyang gamitin ko dito pero tinatamad at hindi ako inspirado kay a puputak muna ako.
Nahahalata ko lang na napakaraming malalaswang tao sa mundo ngayon. Paano ko ito nasabi? Base ito sa mga bisita ng Putak. Alam nyo bang ang madalas na nakikita kong keywords para makapunta sila dito ay:
lalakeng sexy
mga larawan hubad ng babae
hubad blog
mga larawan ng hubad na lalake
pilipino porn site
mga hubad na babae sa internet
larawan ng hubad na filipina
hubad na larawan
katulong ko sexy
babae hubad
Bawal Na Ka Hubad
lalakeng hubad
bold na babae
filipina hubad na larawan
mga sexy na larawan
mga artistang sexy
At ang nakakatuwa pa rito, halos palaging nasa unang pahina ng Google ang Putak kung yung mga keywords na iyon ang gagamitin. Siguro dahil kaunti lang ang mga web site na salin sa wikang Tagalog at nababanggit din sa Putak ang mga salitang iyon.
Yung ikatlong nilista ko ang pinaka nakakatawa e. "Hubad blog"?!? Ano namang klaseng blog iyon? Blog na tungkol sa mga hubad? Hubad siya habang nagboblog? Ipaliwanag nyo nga sa akin. At ano naman kaya ang hinahanap ng taong nag-type ng "katulong ko sexy" sa Google. Pati ba naman mga katulong pagsasamantalahan?
Gusto ko lang linawin uli sa inyong lahat: wala akong balak maglagay ng mga hubo o hubad na larawan dito. Kung meron mang larawan na makikita dito na may sexy at artistahing babae at matipunong lalake, ito na iyon....
Itutuloy ang "Nagpapalipas"...
Kaunting Pagbabago
[ 1 Komento - Kaunting Pagbabago ] Pumutak si Miko Reznor noong 05.26.2006 10:15 NH
Kung mahahalata ninyo, lumapad ang Putak. Masyado kasi akong naliliitan sa dating ayos ng site na ito e. Iniisip ko rin na palakihin ang mga font pero saka na lang.
Tinagalog ko rin lahat ng links sa Putak. O, diba. Pilipinong-Pilipino ang dating 
At ngayon, meron lang kayong 1 buwan para makapag-komento sa mga pinutak. Kung lampas na isang buwan, hindi na pwede. Dahil kalalagay ko pa lang ng feature na iyon, pwede pa rin kayong magkomento sa mga lumang putak.
Maiba naman tayo. Kanina, inutusan ako ni Mudra na magbayad ng bills para sa credit card ni Pudra. Habang nakapila, binasa ko ang statement at nalaman kong ginamit ni Blitzwing ang kanyang credit card (binigyan kami ng extension ni Pudra) para bayaran ang kanyang membership sa Fitness First.
Ano ba 'yan! Nahihiya akong gamitin ang credit card ko para i-renew ang Self-Destruct.NET pero ito si bradear (brother dear) ginagamit iyon para lang sa pagpapa-gym. Hmph! I-renew ko na nga lang kaya yung SD gamit yung credit card ni Pudra. Heheh 
Sa ibang istorya, may kinaiinisan akong babaeh! Sobrang inis!!! 
Pinagbintangan ba naman akong bastos (rude), nasty at backstabber. Pasensya na. Hindi ko alam ang Tagalog ng 2 iyon. Galit pa rin ako hanggang ngayon kaya magpapa-kalma muna ako bago ko ikwento.
Nagalit din ako sa aking host kahapon. Paano ba naman kase, nung nag-login ako sa cPanel at pumunta sa phpMyAdmin, nakita ko sa listahan ng mga database lahat ng mga kliyente ng host ko. Inisip ko naman, pag nakikita ko ang sa kanila, nakikita rin nila yung sa akin.
Siyempre, paranoid ako, bigla kong naisip na incompetent sila at hindi secure ang kanilang serbisyo.
Itutuloy ang "Kaunting Pagbabago"...
Lumang Putak
« Bumalik | 30 | 31 | 32 | 33 | 34 | 35 | 36 | 37 | 38 | Nakaraan »