Animo La Salle!
[ 0 Komento - Animo La Salle! ] Pumutak si Miko Reznor noong 09.25.2008 6:58 NH
O sige, pagkatapos naming manalo ng sunod-sunod noong nakaraang mga taon, na foul out sina JV Casio at Rico Maierhofer at natalo kame ng 11 puntos sa Game 2 ng 2008 UAAP Season.
Kaming tatlong mga La Sallan sa Putak ay binabati ang Ateneo Blue Eagles sa kanilang pagkapanalo.
Mukhang magandang taon ito para kay Chris Tiu:
- Isa sya sa mga Most Beautiful (ayon sa isang lokal na magazine) kasama ng mga idol kong sina Kris Aquino at Annabelle Rama.
- Meron syang commercial na nakahubad sa beach kasama si Papa Derek Ramsay. Yumyumyum... Oatmmmheeeaaalllll...
- Host sya ng ilang mga palabas sa telebisyon at kasama pa nya ang pambansang kamao na si Manny Pacquiao sa isa sa mga iyon.
- At sa kanyang huling taon, sa wakas nanalo ang kanyang team sa championship ng UAAP men's basketball.
Congrats! ![]()
Haay... Nakakalungkot ang aming pagkatalo. Meron pa namang susunod na taon. Animo La Salle!
Putak: Ikalimang Bersyon
[ 1 Komento - Putak: Ikalimang Bersyon ] Pumutak si Miko Reznor noong 09.19.2008 8:20 NH
Dahil di ko na type ang lumang disenyo ng Putak, pinalitan ko ng bago. Pareho pa ring color scheme ang ginamit.
Napansin nyo bang mahilig ako sa mga background at squares?
Eniweys, don sa mga gumagamit ng mga lumang browser (lalo na sa mga gumagamit ng Internet Explorer 6 at pababa), alam ko ang mga issues ng bagong disenyo. Kung gusto nyong magpadala ng mga screencaps ng mga bugs o sa tingin nyong kamalian, ipadala nyo lang sa aking Gmail: mikoreznor.
Kakain muna ako. Komento naman dyan... 
Napansin Nyo Ba...
[ 0 Komento - Napansin Nyo Ba... ] Pumutak si Miko Reznor noong 09.04.2008 9:14 NH
Na mas malaki ang ulo ni KC Concepcion kesa kay Richard Gutierez sa poster nila para sa pelikulang For The First Time?
Namamalik-mata lang ba ako o napansin nyo rin ba iyon? Madalas kong makita ang ad nilang iyon para sa kanilang pelikula at yun lang talaga ang nasa isip ko tuwing nasisilayan ko iyon: Mas malaki ang ulo ni KC...
Masyado lang ba maliit ang ulo ni Richard Gutierez o dahil lang ba sa anggulo ng litrato nila?
Na ang lotion ng Ever Bilena ay kagaya ng bote at disenyo ng Victoria's Secret Garden at Bath & Body Works?
Nung una kong nakita ang mga iyon, naaliw ako dahil akala ko meron nang pinagbebentang Victoria's Secret na lotion sa SM Department Store. Yun pala, Ever Bilena ang tatak. Gaya-gaya! Hmph! 
Hindi ko pa nasusubukan ang kanilang produkto at wala akong balak. Kung ginaya ang packaging malamang ginaya rin ang amoy. Yak! Ang cheap nila hah!
Na ang sinuot ni Bossing kanina ay pang retro?
Bulaklakin ang lining. Seryoso. Kulang na lang ang tugtog na Stayin' Alive ng The Bee Gees. Hah, ha, ha, ha, stayin alive, stayin alive. Stayin aliiiiiiaaaaaiiiiiiiiiiiiive!
Bisi-bisihan muna ako at ako'y manunood pa ng Texas Chainsaw Massacre: The Beginning na DVD. Hanggang sa muli!
Lumang Putak
« Bumalik | 4 | 5 | 6 | 7 | 8 | 9 | 10 | 11 | 12 | Nakaraan »