Labanan And Spam: Miko-Style
[ 2 Komento - Labanan And Spam: Miko-Style ] Pumutak si Miko Reznor noong 03.08.2006 7:45 NH
Dahil ako ay mapagbigay na tao, ibabahagi ko sa inyo ang aking sikreto para labanan ang mga bots na ang tanging layunin ay mag spam ng ating mga guestbook at kung ano pa mang ginagamitan natin ng forms.
Marami rin akong nakilala na tuluyan na lang nilang binura ang kanilang guestbook dahil sa mga spam. Ako naman, wala akong balak magpatalo sa mga spam na iyan!
Dati kasi, ang ginagawa ko, e sinasama ko ang mga IP address ng mga sumusulat sa aking guestbook. Tapos, kung may sumulat uli sa guestbook ko na may kaparehong IP, hindi na tatanggapin. Pero nahalata kong pag inaatake ako ng mga spammers, paiba iba ang kanilang IP. Kaya walang kwenta rin kung i-ban mo ang mga IP address dahil pabago-bago ang mga ito.
Naisip ko namang kunin ang ginagamit nilang browser sa pamamagitan ng PHP na $_SERVER["HTTP_USER_AGENT"]. At ang nalaman ko, ito ang mga browser ng mga bots na nagsa-sign sa aking guestbook:
Mozilla/4.0 (compatible; MSIE 6.0; Windows NT 5.0)
Mozilla/4.0 (compatible; MSIE 6.0; Windows NT 5.0; SiteCoach 1.0)
Tiningnan ko rin ang log ng mga bisita sa aking site at nalaman na mga bots lang talaga ang gumagamit ng mga browser na iyon. Kaya gumawa ako ng code na sinasala ang mga browser ng mga pumipirma. Kung ang browser nila ay isa sa dalawang nakalista sa itaas, hindi tatanggapin ang kanilang mensahe.
Sa kasalukuyan, gumagana ang estilong ito para sa akin. Subukan nyo rin. Kani-kanilang diskarte na lang kung paano ito iimplimenta 
Binago noong ika-27 ng Mayo taong 2006
Meron pa akong nalaman tungkol sa mga spammers na iyan. Dahil pwedeng pwedeng baguhin ang kung ano mang nasa global na $_SERVER, kahit anong browser, pwedeng gamitin ng mga bots.
Nahalata kong nagsyo-short-cut na ang mga bots at "Mozilla/5.0" na lang ang ginagamit nila. Kaya ang ginawa ko e kinukuha ko ngayon ang dami ng mga letra sa $_SERVER["HTTP_USER_AGENT"] at kung hindi higit sa 14 ang bilang ng kanilang mga letra, hindi ko sila hinahayaang mag-post ng kung ano.
O, diba? Hmph! Sisiw lang 'yang mga spammers na iyan! Bwahahahah! Kaya nga nagtataka ako sa ibang mga tao na nagde-delete ng kanilang mga guestbook o kung ano man dahil sa spam e sobra dali naman labanan. Haaay...
Kategoriya Dinagdag
[ 0 Komento - Kategoriya Dinagdag ] Pumutak si Miko Reznor noong 03.06.2006 4:44 NH
Sabi ko nga dati may balak akong maglagay ng mga kategoriya dito sa Putak. Sa wakas, nangyari na ito. Makikita nyo ang mga ito sa inyong kaliwa. Mahahalata nyo rin na wala nang mga ? at & ang mga URL dito. Ginawa ko iyon para maging search engine-friendly ang site na ito.
Sa ngayon, gumagawa ako ng paraan para pataasin ang seguridad ng aking mga web site. Alam nyo bang na-hack ang message board ng Blinding-Light.COM? May nakialam sa mga database nito. Ok lang naman dahil wala masyadong tao ang nag-register doon. Susubukan kong hindi na gumamit ng mga open-source na script. Diyan nagsisimula ang mga hackers na iyan e. Kaya ngayon, wala munang message board ang Blinding-Light.COM.
Hindi ko pa sigurado kung papalitan ko iyon ng sarili ko... Iniisip ko pa lang kung paano gawin, napapagod na ako. Hay... Tingnan na lang natin...
At, alam nyo ba, nagkaroon ako ng kliyente. Tunay na tunay siya. Hindi kagaya nung dating Mama na pinabili lang ako ng domain niya at hindi na ako hinagilap pagkatapos noon.
Yung ngayon, nagbayad na siya ng buo. Yung kabuuang binayad niya sa akin ay $35 na Amazon gift certificates. Nagastos ko na nga e. Bwahahahah! Meron din kasi akong $5 mula noon doon sa isa pang Mama na bumili ng advertising space sa Blinding-Light.COM. So mga $40 ang mga gift certificate ko sa Amazon.
Nagastos ko na nga ang mga $13.47 noon dahil bumili ako ng DVD ng What Dreams May Come. Katangahan ko nga e pina-ship ko dito sa Pilipinas kesa sa mga kamag-anak namin sa States. Meron pa namang uuwi sa kanila dito ngayong Marso. E di sa ika-12-27 pa ng Abril ko makukuha iyon. Sinubukan kong i-cancel ito pero hindi na raw pwede dahil nire-ready na raw nila ito para i-ship. Hay... Mas nakatipid pa sana ako sa shipping... Kung sabagay, buti nakaranas akong magpa-ship dito, daba?
Hay, nako. Hindi man lang ako masyadong pinagpawisan pero nakakita ako ng ganoong halaga. Ang saya, diba? Hehe 
Puk-Putakan Nanaman!
[ 0 Komento - Puk-Putakan Nanaman! ] Pumutak si Miko Reznor noong 02.23.2006 5:02 NH
Hay, nako. Matagal na rin akong hindi nakakaputak. Masyadong marami kasi ang mga pangyayari at hindi na ako nagkaroon ng panahon para dito. Mahabang istorya ito...
Pero, bago ang lahat, gusto ko lang magpasalamat sa lahat ng mga nagmensahe sa akin at nagbigay ng kanilang suporta. Salamat!
Noong huli, naikwento ko na may doktor na nagsabing may TB ako. Pumumta kami ni Mudra sa isa pang doktor. Sabi ng isa pang doktor na iyon, hindi raw accurate and skin test na ginawa sa akin ng unang doktor at dahil wala kaming x-ray na dala, hindi talaga niya masasabi kung meron nga akong TB o wala. Kaya ang ginawa namin, nagpa x-ray uli kami at nagbayad si Mudra para sa sputum test na mas accurate daw.
Sa sputum test, dapat akong bumalik sa klinika ng 3 araw para lang ibigay ang aking plema. Ang problema, wala akong ubo o sipon kaya nahihirapan akong maglabas ng plema. Puro laway lang. Ilang beses na rin akong pabalik-balik sa klinika para ibigay ito pero wala talaga. Galit na galit pa nga sa akin si Mudra dahil napakadali lang daw nito gawin.
Hello! Yung girlalush na nga ang nagsabi na mahirap daw talaga ito kung wala kang ubo o sipon. Sabi rin ng doktor kong pinsan na meron pang espesyal na makina para dito at walang ganoon ang maliit na klinikang pinuntahan namin.
Itutuloy ang "Puk-Putakan Nanaman!"...
Lumang Putak
« Bumalik | 31 | 32 | 33 | 34 | 35 | 36 | 37 | 38 | 39 | Nakaraan »