Ang Sinapit Ni Blitzwing
[ 3 Komento - Ang Sinapit Ni Blitzwing ] Pumutak si Miko Reznor noong 12.25.2005 10:28 NH
Walang duda. Ito na ang pinakamalungkot na Paskong naranasan namin. Paano ba naman kasi, nasagasaan noong nakaraang Huwebes ang isa sa mga Putakers na si Blitzwing. Tumatawid siya papuntang Metrobank sa Alabang-Zapote Road nang biglang bumuhos ang mga sasakyan at pininahan siya ng driver ng taxi na may plate number na PYN 422 ayon kay Mudra. Garay ang pangalan ng nagmamay-ari nito.
Ang nakakainis pa rito, noong nabundol siya, dinala siya sa napakalayong hospital dahil walang pera ang driver at libre lang doon. Inuwi pa siya pagkatapos makita ang doktor. Pinagpilitan pa ng driver sa amin na 5 araw lang daw na pahinga ay magaling na siya. E nung nakausap ni Pudra yung doktor, kailangan pala siyang operahan agad.
Dahil Pasko na nga, siya lang yung doktor na available para siya operahan. Tumawag si Mudra sa Asian Hospital And Medical Centre pero yung mga doktor na nag-oopera ay nakabakasyon daw. Kung lagnat-lagnat lang daw, marami silang doktor pero wala sa mga komplikadong karamdaman. Doon tuloy kami napunta sa Las Pinas Doctors Hospital. "Big Private" ang kinuha naming kwarto pero mga 2/3 lang iyon ng "Small Private" sa Asian Hospital. Nakuuu!!! 
Eto pa ha, yung operator ng taxi, mali yung binigay na telepono sa amin noong nag-usap sila ni Mudra. Di umano, masyado raw siyang naguluhan dahil ang dami nga raw niyang problema kaya nagkamali siya sa pagbigay ng kanilang telepono. Nakuha naman namin ang kanilang tunay na telepono at noong makausap ay 5000 lang daw ang kanilang pera at 'yon lang daw muna ang ibibigay sa amin.
At, ang driver na nakasagasa sa kanya ay namamasada pa rin hanggang ngayon pero tricycle naman. Wala raw pera at kung pwede raw pagtrabahuhan nya ito. Ano siya? Lahat ng mga kumpanya ay nirerequire na lahat ng empleyado nila ay may "good moral character". Sa tingin ba niya e hahayaan namin siyang magtrabaho para sa amin?!? Wala man lang siyang karespe-respeto sa mga tao. Gaano kahirap ba naman ang pumreno ka?!? Talagang sinadya niyang sagasaan si kapatid ko. Meron pa siyang, "bumulaga lang siya" dyan. Kalaking tao ng kapatid ko, paanong hindi nya ito makikita?!?
Sabi nga ni Pudra, tatapusin muna namin ang pagpapagaling kay Blitzwing at saka namin sila hahabulin. Hindi naman sa can't afford kami (swerte pa nga sila hindi kami sa Asian Hospital napunta e) pero maligalig na nagpapasko ang driver at ang operator ng taxi habang kami ay nasa ospital. Dapat nga pupunta kami sa Hong Kong bukas at babalik hanggang 31 pero hindi natuloy dahil sa kanila. Kakarmahin din sila. Sana nga maipakulong ni Pudra ang kriminal na iyon 
Ito ang mga litrato para makita nyo ang kanyang sinapit...
Itutuloy ang "Ang Sinapit Ni Blitzwing"...
Mga Engs
[ 1 Komento - Mga Engs ] Pumutak si Miko Reznor noong 12.10.2005 8:29 NH
Talaga nga namang ginagalit ako ng ibang mga taong napaka engs. Paano ba naman kase, may nagkomento sa aking site na Self-Destruct.NET na wala raw masyadong "stuff" doon.
Ano ba ine-expect niya? Sa titulo pa nga lang ng aking site, "Self-Destruct.NET - The blog of Miko Reznor", alam mo na kung ano ang dapat mong makita. Blog. Mayroon akong mahigit sa 100 entries doon. Ano pa ang gusto niya?
Eh! Hayaan na nga yung tatanga-tangang taong iyon! Baka mahina lang talaga ang comprehension skills nya. Hmph! Dahil ako'y isang egomaniac, kaligayahan kong magkwento tungkol sa sarili ko at ang Self-Destruct.NET ang lugar para dito.
Wala akong pake kung walang bumibisita roon o kung nababagot doon ang mga tao. Hindi sila importante. Ako lang! Mwahahahahah!
Balitang Putak
[ 1 Komento - Balitang Putak ] Pumutak si Miko Reznor noong 12.03.2005 8:13 NU
Kung mahahalata ninyo, nadagdagan ng "Blog Archives" feature ang PUTAK. Nakakaaliw pa dahil nagawa kong Tagalog ang mga buwan gamit ang arrays.
Dinagdagan ko rin ng "Itutuloy..." feature. Ang ginagawa nito e ipapakita lang ang preview ng entry tapos kung gusto nyo pang basahin yung buong pinutak, click lang yung Itutuloy... na link. Ito'y para hindi sobrang haba ng mga artikulo sa mga pahina.
Mapapansin nyo rin na dinagdag ko ang RSS link tuwing matatapos ang mga artikulo para madali kayong mag subscribe sa RSS Feeds ng PUTAK.
Pinag-iisipan ko pa kung magdadagdag ako ng "Categories" at "Private Entry" features. Madali lang naman silang iimplimento dito kaya lang... Ano naman kayang mga kategorya ang ilalagay ko? Ito ang mga naiisip ko: Wala Lang, Reklamo, Hinagpis... Heheh. Tingnan lang natin kung itutuloy ko ito...
Sa "Private Entry" naman, mukhang malayo na magkakaroon ng ganito sa PUTAK. Una, hindi naman karamihan ang mga pumupunta dito kaya kung meron man kaming pinapatamaan at ayaw naming malaman nila, malaki ang posibilidad na hindi nila makikita ito. Pangalawa, sino ang nagsabing ayaw naming malaman nila? Di sana nagsulat na lang kami sa aming mga diary (kung meron man) kesa mag post dito, noh! Kung may masasaktan sa mga pinutak namin, you deserve it! Pangatlo, I'll be damned if I cower in *my* domain! Naks! Ingles yon hah! Di ko alam kung ano yung Tagalog non e.
Gusto ko nga palang ipaalam sa inyo na dalawang taon na ang Blinding-Light.COM at tapos na ang Second Annual Blinding Light Web Awards. Punta na lang kayo don para malaman kung sino ang mga nanalo. Yung Site Of The Year, pinili ko yung site na may pinakamaraming boto sa lahat ng mga finalists. Hindi ko aakalaing ganon karami ang susuporta rito. Maraming salamat sa inyo!
Lumang Putak
« Bumalik | 33 | 34 | 35 | 36 | 37 | 38 | 39 | 40 | 41 | Nakaraan »