Balita

[ 0 Komento - Balita ] Pumutak si Miko Reznor noong 06.22.2005 12:52 NH

Isang malaking karangalan na ibalita ko sa inyo na si Pudra ay nasa dyaryo ngayon. Sa Philippine Star page B7. Lubos naming ikinagagalak ito Smiley: Grin.



May Ipin

[ 0 Komento - May Ipin ] Pumutak si Miko Reznor noong 05.23.2005 3:19 NH

Isa na akong statistiko sa unemployment rate. Hindi ko alam kung dapat itong ipagmalaki ngunit alam kong dapat kong ipagmalaki na ako ngayon ay nagmamay-ari ng [WITH_TEETH] na bagong album ng Nine Inch Nails. Mainggit kayong lahat! Mwahahahahahah! Smiley: Evil grin.



Terminal

[ 0 Komento - Terminal ] Pumutak si Miko Reznor noong 05.11.2005 5:23 NH

Sinabi ko nga sa nakaraan kong putak na ako'y yayao na sa aking trabaho simula Mayo 22, 2005. Linggo iyon kaya ang tunay na huling araw ko doon ay sa Sabado, Mayo 21, 2005.

Mayaman kasi ako kaya hindi ko na kailangang magtrabaho. Heheh. Etchos! Hindi ganoon. Ayaw ko na talaga sa ganoong klase ng trabaho. Pagod na akong maging "call girl". Ang laswa pakinggan ano? Pero yun talaga ako e.

Gusto ko ng normal na buhay kung saan nanananghalian ako kapag tanghali at natutulog ako pag gabi. Noong una, kaya ko pang tiisin ang napakahirap na trabahong ito. Marami akong nakilalang mga tao at naging kaibigan ko sila.

Sa opisina ko lang natagpuan ang mga taong kagaya ko... Mapanlait. At siyempre, dahil mapanlait din sila, tanggap nila ako. Kaya nga ako ginaganahang pumasok dahil natutuwa ako pag nagkakasama kami. Nakalulungkot nga lang na kami'y mawawalay ngunit ramdam ko na sa mga panahon na sila'y nakilala ko, naging malapit kami sa isa't isa. Kaya hindi ko tuturingin na kawalan ito sa akin dahil sa kanila ko nakilala ang mga tunay na kaibigan.

Dumating na sa punto ng buhay ko na ayaw ko na talaga. Ayaw ko nang magpaalipin sa mga kliyente naming napaka... Bobo at kulang sa atensyon kaya maya't maya'y kinakailangan ang aming serbisyo. Pagod na pagod na akoh!

Ikinaiinis ko lang e meron pa akong 10 natitirang VL (vacation leave) na hindi ko na magagamit. Grrr... Pag nag resign ka kasi, pwede mong i-convert ang iyong VL para gawing TL (terminal leave). Ngunit hindi naaprubahan ang TL ko dahil puno na raw ang slot ng mga VL. Bago ka kasi mag VL, kailangan mong i-plot at 10 lang ang pwedeng mag VL sa isang linggo.

A, ganon ba? Dapat ko palang planuhin ang resignation ko para lang magamit ko ang aking 10 VL/TL?!? Anong kalokohan ito?!? Kaya hindi inapbrubahan ng ops manager namin ang aking TL. Kainis talaga siya! Hmph! Smiley: Snob.

O, sige. Tanggap ko na sumusunod lang siya sa palituntunin ng kumpanya. Pero hind ibig sabihin non na hindi ako pwedeng magalit. Kung wala akong K na mag TL, meron naman akong (at tayong lahat) K na magkadamdamin.

Hay nako, mahaba na ito. Hanggang dito na lang ako ngayon. Paalam!



Lumang Putak

« Bumalik | 38 | 39 | 40 | 41 | 42 | 43 | 44 | 45 | 46 | Nakaraan »