Umaarte Na Lola Nyo
[ 0 Komento - Umaarte Na Lola Nyo ] Pumutak si Miko Reznor noong 09.03.2008 11:58 NH
Hindi mo na mapag-commute...
Pero bago ang lahat, maligayang bati kay Ninong, kapatid na Blitzwing, Pudra, JJ at sa lahat na nagdiriwang ng kanilang kaarawan ngayong Septyembre.
Grabeh! Simula nung hinayaan ako ni Pudra na gamitin ang kanyang kotse, parang ayaw ko nang umalis ng hindi gamit ito.
Halimbawa na lang, noong gusto kong sumali sa Stripper 101 na klase sa Fitness First, di ako nakapunta dahil nung mga panahong iyon, dinala ni Pudra ang kotse at gabi na syang bumalik.
Noon, nagdi-jeep ako para makarating sa gym. Ngayon, di mo ako mapapaalis kung di naka kotse.
Haaay... Dapat nung nakaraang linggo ko pa nakuha ang aking allowance *ahem*sweldo*ahem*. Di ako makapunta! Huhuhu... 
Ang pinakamalayo ko lang na narating gamit ang kotse ay Makati. Sa Ortigas pa opisina ko... At mahina ang lola nyo pag dating sa direksyon. Lagi kasing tulog pag nagbibyahe... Di rin nakatulong na maraming nerbyosa ang umaaligid dito...
Dati, nagka-carpool ako papunta don pero napansin kong inaalipusta ako ni Mang Johnny.
Itutuloy ang "Umaarte Na Lola Nyo"...
Teller Sa BDO
[ 5 Komento - Teller Sa BDO ] Pumutak si Miko Reznor noong 08.22.2008 5:51 NH
Bago ang lahat, obserbasyon ko lang naman ang mga ito kaya wala sanang magagalit dahil nagtataka lang ako... Diba, pag empleyado ka ng bangko, dapat magaling ka na sa math? Para saan ba ang calculator na ginagamit ng mga teller sa BDO?
Napansin ko lang kase, habang pumipila ako para mag deposito ng bayad ko sa aking hosting, ang tagal umusog ng pila kahit nasa "express lane" ako. Nung ako na, bigay ko ang deposit slip at pera, nakita ko ang teller, bukod sa binibilang ang pera, nagka-calculator pa.
Ang nakakatuwa pa rito, kitang kita koh, kina-calculator pa nya ang 1000 x 1. Diba 1000 ang sagot dun? Kailangan pa bang i-calculator yun?
Itutuloy ang "Teller Sa BDO"...
Pa Sexy
[ 0 Komento - Pa Sexy ] Pumutak si Miko Reznor noong 07.29.2008 2:55 NH
Nyaharhar... Kakatuwa talaga si M...
M: kailangan magpa sexy ng business na to...
M: hehe
Ako: kk. pagpunta ko jan
Ako: sa thursday
M: haha
M: ibig ko sabihin, let's trim this biz down to the basics..
Wahahah! Ano kaya iniisip non?
Ibig kong sabihin, pagpunta ko sa Huwebes, dahil alam ko ang ibig nyang sabihing "magpa sexy ng business", bibigyan ko sya ng proposal tungkol sa aming trabaho ayon sa kanyang kagustuhan.
Akala ata nya magpapa sexy ako sa Thursday? Hrmmmm...
Lumang Putak
« Bumalik | 5 | 6 | 7 | 8 | 9 | 10 | 11 | 12 | 13 | Nakaraan »
