Poker, Filipina Hubad, Atbp.

[ 0 Komento - Poker, Filipina Hubad, Atbp. ] Pumutak si Miko Reznor noong 09.20.2007 8:48 NH
Ang lola nyo, na-adik kakalaro ng poker sa Full Tilt Poker. Wahehehehe! Don lang ako sa play money. Hindi naman ako kagalingan. Ganda kasi ng interface nila. Nakakaaliw din ang kanilang avatars. Hindi pa ako handang sumabak sa tunay na Philippine poker room. Ayoko magmukhang tatanga tanga noh.

Sa ibang balita, nagkita kami ni Ninong noong Martes. Sumama syang ihatid ako sa St. Luke's Hospital para sa aking regular na check-up. Naikwento nya na pinakita nya ang Putak sa mga estudyante ni Ninang at ipinagmalaki na number 1 ito sa Google pag hinanap mo ang keyword na "filipina hubad".

Hahahah! Ninong, yung mga ganoong bagay, hindi na pinagmamalaki. Isa pa, matagal nang hindi number 1 ang Putak sa Filipina hubad na keyword. Ayon sa aking statistiko, karamihan sa mga pumupunta rito galing sa Google ay naghahanap ng "hubad na babae".

Tingin naman ako sa Google kung pang ilan ako sa hubad na babae keyword. Pangatlo ako. Para naman sa Filipina hubad, pang 4 ako. Hmph!

Sabi ko naman kay Ninong, "Ninong, hindi na number 1 ang Putak sa Filipina hubad. Natalbugan ako ng tunay na porn site!" Pero sabi pa rin ni Ninong na namangha ang mga taong pinakitaan nya nung nakita nilang number 1 nga ang site ko sa Filipina hubad. Heheheh. Hindi naman ganon karami kompetisyon ko. Kulang pa sa 50,000 kaya madali lang maging nasa page 1. Alam nyo kung baket? Smiley: Laughing out loud.

Speaking of hubad na babae, kaya nga pala ako napunta ng ospital ay dahil pinatingnan ko uli yung boobs ko... Kung ano man ang natira don. Grabeh! Apat na taon pala ang nakakalipas matapos akong operahan... Huhuhu...

Oh, well. Saya siguro ng trabaho ng doktor ko. Kinamusta nya ako, pinaghubad ng aking blouse at bra, kinapa-kapa ang boobs ko at sinabing ayos naman ako. Wala raw syang nakapa na cancerous bukol. Hindi na kailangang 2 beses isang taon kami magkita. Kita na lang daw kami next year.

Kulang pa sa 1 oras ang konsultasyon na iyon, P660 binayad namen. Kung ganon ba naman ako kadali kumita ng pera... Haaay... Pero galing ng doktor kong iyon. Dumami nanaman ang mga plaque nya sa kanyang office since last time na pumunta ako don. Meron pa akong nakitang certificate na Man of Medical Science daw sya or something. Di ko na maalala... May picture pa sya kasama si Gloria (tama, ang presidente natin). Sosyal ang doktor koh!

Kung naghahanap kayo ng doktor ng boobs (pasensya, di ko alam ang medical term nila), sabihan nyo ako at irerefer ko kay sa kanya. Haaay... Hanggang dito na lang. Paalam!

Paalala: Kung hanggang ngayon hindi nyo pa nahahalata, walang larawan ng hubad na babaeng Filipina dito. Maglaro na lang kayo ng poker sa Metro Card Club in Ortigas.

Alexa Rank: 134616.

Pudra Pfayls 3

[ 0 Komento - Pudra Pfayls 3 ] Pumutak si Miko Reznor noong 09.18.2007 12:30 NH
Haaay...

Ako: Pudra, punta ako mamaya sa birthday party ng kasamahan ko dito ha.

Pudra: Blah, blah, blah. Hindi mo kailangang tanggapin ang imbitasyon ng lahat ng tao. Blah, blah, blah...

Ako: Ok.


Makalipas ang isang oras, tawag ulit ako kay Pudra...

Ako: Pudra, punta ako mamaya sa gym ha.

Pudra: Ok.


Ganun? Party di ka payag pero gym wala nang diskusyon? Haaay...

Itutuloy ang "Pudra Pfayls 3"...

Hinagpis... Ang Drama Ko Talagah!

[ 1 Komento - Hinagpis... Ang Drama Ko Talagah! ] Pumutak si Miko Reznor noong 09.10.2007 12:14 NH
Eto nanaman ang mga drama ko. Pasensya na sa mga taong sawang sawa na sa aking ka-dramahan. Lalo na sa iyo, Ace, na sinabihan ako sa Y!M na dapat mas may kabuluhan ang aking blog... In short, walang kwenta raw ang blog ko. Maraming salamat sa iyong suportah! Sa susunod, tungkol sa world peace na ang tatalakayin ko.

Anyways, purgang purga na talaga ako at kailangan ko na itong mailabas...

Gusto kong mag gym. Gustong gusto kong mag gym. Gustong gustong gusto kong mag gym!!! Gets nyo nah?

Miyerkules ng nakaraang linggo, ang traffic! Balak ko pa namang maranasan ang Body Pump ni Arman ng 8:00 ng gabi at sinabihan ko pa si Cza na i-setup ako pero 8:05 na, nagbibiyahe pa rin ako at ang layo pa rin ng Southmall. Wala na akong aabutan non kaya di na lang ako nagpunta.

Nung Huwebes, ilang hakbang na lang ako at mararating ko na ang Fitness First Southmall, pero mukhang nag-iba ang ihip ng hangin. Grabeh! Naramdaman ko ang singaw ng daan-daang katao. OA naman ata ang numerong iyon so sabihin na nating humigit-kumulang 100 katao. Kinumpirma sa akin ng receptionist na sira nga raw ang aircon nila. Hindi na ako tumuloy. Wala akong balak magpawis sa mainit na gym! Smiley: Snob.

Sabado naman, nagising ako bago mag pilates. Nag alarm pa ako sa aking cellphone. Pero pagka bangon ko, ang sakit ng aking tuhod. Kinulang sa calcium. Paborito ko pa naman ang pilates. Nag press release pa ako kay Cza na pupunta ako kaya lang di kinaya ng powers ng tuhod ko. Huhuhu... Tagal ko nang di nakakapag pilates. Tuwing Sabado na nga lang ako nakaka attend nun, di pa nakapuntah!

Linggo, masakit pa rin ang tuhod ko pero nakatuloy ako sa Body Pump ni Arvin. Maayos namang mag Body Pump si Arvin pero hindi sya si Jon! Inhibited si Arvin at masyadong pa-poise di kagaya ni Jon na bigay na bigay magturo. Huhuhu... Miss ko na mga klase ni Jon!!!

Eto pa, may isang intrigero na sinasabing may crush daw ako kay Jon. Cute nga si Jon pero wala akong pagnanasa don noh! Di ko sya type. Mga type ko yung tipo ni Mr. Bright. Ipapakita ko sa inyo ang stolen shot na kinuha ko kaya lang di pa rin na-email sa akin ni Albert e. Gamit ko kasi camera nya nung mga panahong inii-stalk ko si Mr. Bright. Sya nga pala, ma text nga si Albert at ipaalala sa kanya na i-send na nya sa akin yon...

Nakita ko na nga pala ang maskuladong chest ni Mr. Bright. Aaaaahhh!!! Smiley: In love. Nilitratuhan ni Chucky gamit ang kanyang cellphone. Chucky talaga... Matagal na akong naghihinala don e. Picturan ba ang dibdib ng mga lalake... Hrmmmm... Suspicious...

Itutuloy ang "Hinagpis... Ang Drama Ko Talagah!"...

Lumang Putak

« Bumalik | 8 | 9 | 10 | 11 | 12 | 13 | 14 | 15 | 16 | Nakaraan »