Dahil Sinabi Kong...

[ 0 Komento - Dahil Sinabi Kong... ] Pumutak si Miko Reznor noong 08.11.2007 2:35 NU
Dahil nag press release ako kanina na ipuputak ko ito, maraming maraming salamat kay Ginoong Dino Latoga sa panlibre ng sangkatutak na nachos, french fries, mani at nagpainom ng Long Island sa akin mga ilang oras na ang nakaraan. Sa wakas, nakapag night life ako sa Ortigas dahil sa kanya. Heheheheh.

Kakauwi ko nga kani-kanina lang. Salamat din kay Selzki, Babsi, at iba pa na nanigurong makakasakay ako ng matiwasay. Buhay pa naman ako para pumutak ngayon. Smiley: Grin.

Ayun, mukhang sisikat na ang araw. Makatulog na nga... Smiley: Sleeping.

Alexa Rank: 143706.

Pano ka Mambara?

[ 3 Komento - Pano ka Mambara? ] Pumutak si Miko Reznor noong 08.09.2007 9:31 NH
Tingnan nga naten... Ano'ng sasabihin mo pag may nagsabi sayo...

Ang arte mo!
Ngayon mo lang nalaman? Di ka rin slow noh?

Mas matalino naman ako sayo!
Baket? Libre ba tuition mo?

Crush ako ng crush mo!
E di maglampungan na kayo.

Ang bobo mo pala sa math!
Magaling naman akong mag Ingles!

Bilisan mo naman!
Maghintay kah!!!

Ang taray mo!
Hindi masyado.

Gusto mo ng away?
Ako ba ginagalit moh? Baka gusto mong magkaron ng basag na ilong. Kaya kong gawin yon. Naggygym akoh!

Takot ka ata sakin eh?
Kahit sino naman matatakot sa pagmumukha mo e.

Mas mahal niya ko!
Sinabi ba nya yon?!? Sabihin mong sabihin nya sa aken!

Ang bababa na naman ng mga grades mo!
Pasado naman! Hmph! Smiley: Snob.

Itutuloy ang "Pano ka Mambara?"...

Nawala Parang Bula

[ 3 Komento - Nawala Parang Bula ] Pumutak si Miko Reznor noong 07.28.2007 11:08 NU
Syet, syet, syet!!! Putang inaaaahh!!! Smiley: Blowing up in anger.

Nawalan ako ng peraaahh!!! Sobrang nakakainis. Akala ko pa naman, mas ligtas iyon kung iniiwan ko sa bahay pero hindeh!!! Meron pa ring makakati ang mga kamay na nakapagnakaw nitoh!!! Grrrr...

Iniwan ko kasi ang aking pitaka sa aparador ko. Hindi ako nagdadala ng malalaking halaga pag lumalabas ako ng bahay. Ano ako? Tungek? Naaamoy ng mga masasamang loob ang pera noh!

E kanina, habang inaayos ko ang aking gamit, naisipan kong tingnan ang aking pitaka. Abah, abah, abah! Wala na ang aking perah! At nawawala rin ang isa sa aking mga ATM. Kainiiiiisss!!!

Malaki ang suspetsa ko na yung labandera namen ang kumuha non. Mga $100 lang naman ang kinuha nya. Ang nakakapagtaka, baket hindi nya kinuha ang iba pang mga dolyares sa aking pitaka? Akala ba nya hindi ko mapapansing merong isang nawawala don?!? Hmph! Smiley: Snob.

Mukhang nagiging komportable na ang labanderang iyon dito hah. Lakas na ng loob nyang mangialam at kumuha ng gamit ng may gamit. Pati refridgerator namen, pinagdisketahan at kinain ang fried chicken na naiwan don nung isang beses kahit hindi naman sinabing kainin nya iyon dahil meron syang pagkaing nakalaan para sa kanya. Hmph!

Nung sinabi ko ito kay Mudra, pinagbintangan nya ang luma naming katulong na si Kalayana na isa nang pokpok sa Cavite ngayon. Imposibleng sya iyon dahil madalas kong tinitingnan ang aking pitaka at nandon pa ang aking pera nung lumayas sya. Si Mudra naman, sinabing sya na lang daw magbibigay sa akin ng pera katumbas non...

Huhuhu... Mudrah!!! Di mo ba gets?!? Akin nga yung perang iyon eh. Masakit at nawala sa akin!!! Kahit bigyan mo ako ng panibagong $100, maaalala ko pa rin ang aking nawalang $100 at iisiping, "Aaay... Pwedeng maging $200 ang pera ko (dahil nga binigyan ako ni Mudra ng karagdagang $100) pero $100 pa rin..." Huhuhu... Smiley: Crying.

Sa ibang balita, binabati ko si Miguel na nanlibre ng hapunan at nagbigay sa akin ng ride para makauwi kagabi. Salamat!

Alexa Rank: 150258.

Lumang Putak

« Bumalik | 10 | 11 | 12 | 13 | 14 | 15 | 16 | 17 | 18 | Nakaraan »