Kahit Kailan Talaga

[ 2 Komento ] Pumutak si Miko Reznor noong 02.24.2008 9:55 NH
Pampasira ng friendship ang exercise! Smiley: Laughing out loud.

Pano ba naman kase, punta kang gym, makakakita ka ng mga Tita o kaibigan. Syempre kamustahan, punta sa members' lounge, inom ng kape (libre naman), chismisan. Tingin ka sa oras, ay! Hapon na palah! Uwi na tayoh bago magsarah! Ahahahah!

Kagaya kanina, late na nga akong pumasok sa Body Pump ni Arvin (ika-1 ng hapon nagsimula pero masyadong maaga kaya 30 minuto akong late) at hindi man lang ako pinag-pawisan. Tapos non, dapat mag Chucky (ang aking personal trainer) program ako, nag-stopover lang ako sa members' lounge para uminom ng tubig, nauwi sa chikahan ang program.

Haaay... Kaya nga minsan, kung gusto ko talagang mag work-out, mas gusto kong mag-gym sa iba kesa sa Southmall e. Buti pa sa ibang gym, hindi ko naman yun home kaya wala akong pake sa mga tao dun.

Nainis pa ako sa isang tao na nagsabi sa akin nito:

Gym, gym ka dito. May gym naman sa South!


Pake mo bah?!? Hanggang free weights lang kase inaabot mo sa gym at ayaw makipag-socialize! Hmph! Smiley: Snob.

Maiba naman tayo. Nakatanggap ako ng magandang balita sa email:

On the cover mount CD for the Dutch publication of Photoshop Creative magazine issue 3 , we would like to distribute the same brushes for Photoshop as distributed on the CD of the English version of this magazine, issue 29. For this I kindly ask you to grant us permission.


So pang CD cover mount na ang talent ng lola nyoh! Dutch pah! Smiley: Wink.

Alexa Rank: 147963.

Pang International Talent ng Lola Nyoh!

[ 2 Komento ] Pumutak si Miko Reznor noong 01.22.2008 3:37 NH
Korak! Pang international talaga. Tipong pang Europe. Nyaharharharhar!!! Smiley: Laughing out loud.

Naalala nyo ba ang pinutak ko nung nakraang taon? Well, natanggap ko na ang magazine na tinutukoy ko, ang Photoshop Creative magazine na naka base sa United Kingdom.

Na-mention ang Blinding-Light.COM dito at kasama pa ang mga gawa kong brushes sa kanilang CD:

Litratong gamit sa Putak: Filipino Blog


At eto naman ang sinulat nila na na-mention ang Blinding-Light.COM:

Litratong gamit sa Putak: Filipino Blog


Yun lang naman. Kung mapapansin ninyo, ang mga orange na brushes sa babang kaliwa ang mga ginawa ko.

Kung kayo ay nasa United Kingdom, bilhin nyo ang Photoshop Creative Issue 30 para makita nyong hindi kathang-isip lang ito. Smiley: Grin.

Alexa Rank: 140379.

Umagang Umaga Eh...

[ 7 Komento ] Pumutak si Miko Reznor noong 11.20.2007 12:20 NH
Hina-harass na akoh! Grrr... Smiley: Blowing up in anger.

Alam nyo bah, kaninang umaga, madali-madali ako kase late na ako sa service namen kay Mang Johnny.

Bago makapunta sa aming pick up point, may dadaanang "eskinita" (actually, di sya eskinita kaya lang yung daanan, pang isang tao lang kase sa gilid may vendors, sa kabilang gilid naman, may illegally parked na tricycle) at may taong kasalubong ko na nauna sa akin so may "right of way" sya.

Aba, aba, abah! At imbes na magmadali sya maglakad para makadaan ako, nag slow motion ang lolo mo. Tapos non, tumigil sya at tumagilid para makipagsiksikan ako dun kasama nya sa daan. Ako naman, sige. Go! Baka mainis na sa akin si Mang Johnny eh di hindi ako makakapasok sa work kung iniwan nya ako dun.

So, nung napadaan na ako sa tapat nung mama, binulong ba naman sa aken, "Sex tayo!"

Yaaaak! Manyak!!! Lolo, sa edad mong 'yan, tinitigasan ka pa rin?!?

Kinilabutan talaga ako non! Tinakbuhan ko ngah! Kaaga-aga, nangha-harass?!? Hmph! Smiley: Snob.

Pero eto naman ang nagpagaan ng loob ko ngayong araw pagkatapos akong bastusin ng di-kilalang manong:

Hi Miko

I am contacting you to let you know that some more of your great brush sets will be featuring on issue 30 of Photoshop Creative Magazine, this issue will be on sale 20/12/07.

Kindest regards

Robert


Si Robert ang Multimedia Editor ng Photoshop Creative Magazine na based sa UK.

O, divah!!! Pang international ang talent ng lola nyoh! Sabi ko nga kay Robert, padalhan nya ako ng magazine pag na publish na e kase wala namang pinagbebentang ganyan sa Pilipinas noh. Sana nga magpadala sya...

Ayun lang naman ang nangyari sa akin ngayong araw. Sya, sya! Busy ang lola nyo. You know, curing old men of impotence, being featured in an international publication... That sort of thing... Nyahahahahahahah! Smiley: Laughing out loud.

Alexa Rank: 139406.

Putak Sa Kategoriyang Hay Buhay

« Bumalik | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 | 8 | 9 | 10 | Nakaraan »