Pagkukulang
[ 0 Komento ] Pumutak si Miko Reznor noong 08.23.2005 1:48 NU
Hrmmm... Naaalala ko noong mga panahong nakakita kami ng aking mga kaibigan ng isang tao na nililitratuhan ang sarili habang nakatingala gamit ang kanyang cellphone. Tawagin na lang natin siyang Tars. Noong mga panahong iyon, lihim namin siyang tinatawanan. Akala pa nga namin, may pagkukulang ang kanyang mga magulang kaya siya ganoon.
Ngayon ko lang naiintindihan ko ang mga dahilan ni Tars. Kaya, mga kaibigan, kung nakalimutan ko mang ikwento sa inyo ito, isusulat ko na lang dito... Kaya siya ganoon ay dahil gusto niyang lubusin ang "lighting ". Siguro, gusto niyang maputi ang kalabasan niya sa kanyang litrato kaya ganoon. Naisipan ko ito noong nililitratuhan ko ang aking sarili sa aking kwarto mga nakalipas na dalawang gabi. Mas maputi nga ang kinalabasan kung nakatingala sa ilaw kumpara sa normal na posing.
Yun lang. Gusto ko lang ibahagi ang aking nalaman. Hanggang sa muli!

Puk-Puk-Putak!
[ 0 Komento ] Pumutak si Miko Reznor noong 08.07.2005 10:08 NH
Hay, nako. Ngayon ko lang naisip na napaka ginhawa na magkaroon ng blog. Lalo na kung ito ay salin sa Tagalog. Wala talagang kukumpara sa iyong pambansang wika... At, kung may kinaiinisan kang banyaga, pwede mo silang libakin at hindi nila malalaman. Nyahahahahah!
Marami akong nababasa sa internet na tinatawag na "Pet Peeves" ng ibang tao. Wala naman talaga akong pake kung ano man ang kinaiinisan ng ibang tao pero, minsan, inaaliw ko na lang ang sarili ko sa pagbabasa ng mga ito. Merong isa na nagpakulo ng dugo ko. Sa pagkakaintindi ko, sabi ng taong ito na hindi daw dapat magreklamo ang mga nagmamay-ari ng mga blog kung meron silang bisita na nagkomento laban sa kanya. Dinagdag pa niya na dapat daw magpasalamat pa ang mga may blog dahil may nagtitiyagang bumisita sa blog mo.
Mawalang galang na lang hah! Salungat sa iniisip mo, hindi lahat ng mga mayroong blog e hangad magkaroon ng maraming bisita. Kagaya ko, tinayo ko ito dahil mas gusto kong mag-type kesa magsulat sa papel. Kung merong ibang nagbasa, e di ok. Kung wala, ano ngayon? Hindi naman iyon ikinabawas ng pagkatao ko.
Naalala ko tuloy ang aking mga guro, Mr. Samuel Geronilla at Bb. Precy Lugtu-Reyes, noong ako ay nasa mataas na paaralan ng Elizabeth Seton School. Ilan lang sila na nagsasabi na kailangan mong isumite ang iyong "journal" dahil kasama ito sa iyong grado. Alam nyo ba kung ano ang tingin ko sa mga maestrong humihingi ng mga ganito? Mga chismoso! Lalo na pag ang binibigay nila sa aking marka ay mababa pa sa 95%. Ginagalit akoh!
Ingles ang tinuturo nila at hindi creative writing. Dapat pinagbabasehan nila ang iyong grado sa iyong pagbabaybay at balarila (at halos wala akong pagkakamali don). E sa gusto kong magsulat tungkol sa aking crush o nursery rhymes na nagustuhan ko. Kaligayahan ko ang mga bagay na iyon e. Ano ba gusto nilang isulat ko sa aking journal?!? Kung mababa ang binibigay nila sa aking marka, pakiwari ko, ganoon din kababa ang pagtingin nila sa aking damdamin. Hmph!
Maiba nga ako... Hindi ako madalas bumisita sa mga blog ng iba at ngayon ko lang nahalata: Laking ganda ng akin kesa sa inyo (lalo na ang mga nasa libreng server)! Ito lang ang masasabi ko: Beh! Nyenyenyenyenye!

Lisensya
[ 0 Komento ] Pumutak si Miko Reznor noong 06.30.2005 3:43 NH
Opisyal na ito. Isa na akong driver. Tama. Kakukuha ko lang ng aking lisensya kaninang umaga kasama sina Mudra at Kapatid. Nakakatuwa nga dahil hindi ko inaasahang ganoon lang ito kadali. Ngayon, ang kailangan ko lang gawin ay matutong magmaneho
Nauna na si Kapatid sa amin dahil meron pa siyang trabaho ng 12:30 ng tanghali kaya kaming dalawa na lang ni Mudra ang naghintay ng kanyang lisensya. Pagkatapos naming makuha ang mga ito ay nilibre ako ni Mudra sa The French Baker. Ngayon, pareho kaming may LBM. Meron atang kung anong masamang elemento doon sa aming nakain...
Sana naman ay gumaling na ako mamaya dahil magkikita kami sa driving range mamaya ni Pudra para mag golf...