Masakit na Masahe

[ 0 Komento ] Pumutak si BlitzWing noong 06.25.2005 7:19 NH
Tuwang tuwa ako noong ika 25 ng Hunyo nang ilibre ako ng aking mahal na kapatid ng masahe sa SM. Masahe sa ulo at sa paa ang kanyang inilibre. Tamang tama lang ito dahil kailangan kong mag[pahinga sa ilang linggong pagtuturo.

Di ko masyadong nagustuhan ang masahe sa ulo kasi di gaanong kalakasan at di man lang nawala ang pagkapagod na aking naramdaman. Mas malala naman ang masahe sa paa dahil sa sobrang lakas na puwersang ginamit ng masahista nagmukhang pasakit ang sesyong ginawa sa aking mga paa.

Ganunpaman, lubos ko pa ring pinapasalamatan ang aking kapatid dahil sa kanyang kabaitan at kagalantehan.

Masakit

[ 0 Komento ] Pumutak si Miko Reznor noong 06.25.2005 6:48 NH
Paalala sa sarili: Huwag nang magpapa Thai foot massage dahil ito ay masakit! Kaya pala puro matatanda ang mga customer doon sa pinagpamasahehan namin ng aking kapatid. Manhid na siguro ang mga paa nila kaya kailangang magpamasahe para bumalik ang pakiramdam sa kanilang mga paa.

Pero, masarap naman ang kanilang Thai body massage. Kagagaling ko nga lang doon kanina. Sumasakit kasi ang aking likod at di ko na matiis kaya nagpasya akong magpamasahe. Bukod sa masahe, pinagamit din nila ako ng shower (dapat lang) at sauna. Parang kadiri na naligo ako sa sarili kong pawis pero masarap naman ang pakiramdam (kahit parang nasa kalan ako). Ramdam ko e natutunaw na ang mga taba sa aking katawan.

Magaling din sa Anna na nagmasahe sa akin. Di ko na kailangang sabihin sa kanya kung saan masakit. Alam na alam nya kung saan i-apply ang pressure para gumanda ang aking pakiramdam. Kaya nga isandaang piso ang tip ko sa kanya (16.67% yon ha kumpara sa standard na 10%). Panis ang mga nauna kong masahista sa kanya.

Sana lang ay meron akong sapat na pera para maulit ito Smiley: Smile.

May Ipin

[ 0 Komento ] Pumutak si Miko Reznor noong 05.23.2005 3:19 NH
Isa na akong statistiko sa unemployment rate. Hindi ko alam kung dapat itong ipagmalaki ngunit alam kong dapat kong ipagmalaki na ako ngayon ay nagmamay-ari ng [WITH_TEETH] na bagong album ng Nine Inch Nails. Mainggit kayong lahat! Mwahahahahahah! Smiley: Evil grin.

Putak Sa Kategoriyang Hay Buhay

« Bumalik | 7 | 8 | 9 | 10 | 11 | 12 | 13 | 14 | 15 | Nakaraan »