Si Kalayana
[ 0 Komento ] Pumutak si Miko Reznor noong 04.16.2005 8:35 NU
Ay ang anak ng aming driver na namamasukan sa amin bilang katulong. Tama. Mabuhay ang nepotismo!
Pero hindi tungkol sa nepotismo ang ipuputak ko ngayon. Ito ay tungkol kay Kalayana na talagang kakataka. Umiinom kasi ako ng tubig sa aming kusina at pumasok siya sa eksena. Ganito ang nangyari...Ako: *Umiinom*
Kalayana: Ate, galit po ba kayo sa'kin?
Ako: Baket naman?
Kalayana: Kasi po yung pera ninyo...
Ako: Ano'ng pera?
Kalayana: Kasi po nabasa ko po...Iniisip ko naman, ano'ng pinagsasasabi nito?!? Tapos, bigla kong naalala. Meron akong 400 sa bulsa ng aking pantalon na nakalimutan at hindi niya hinahalungkat ang mga bulsa ng mga damit (kagaya ng tinuro sa kanya ni Inay) kaya nalabhan niya ito.
Napakatagal na noon! Higit sa isang linggo at ngayon lang niya naisipang tanungin kung galit ako?!? Yung sagot pala, hindi.
Napakababaw ko naman para magalit sa napakaliit na bagay. Hmph!
Ito pa kakaiba sa kanya... Masyado siyang magugulatin. Magkakasalubong lang kami, magugulat na siya tapos didikit siya sa pader - Spider Man style! Parang meron akong sakit na nakakahawa at ayaw nyang madikitan ako.
Sabi nga ni Ninong, kailangan niyang mag-aral ng "Personality Development" at sumasang-ayon ako sa kanya

Sumali Kayo!
[ 0 Komento ] Pumutak si Miko Reznor noong 08.28.2004 3:42 NU
DLSU vs AdMU
[ 1 Komento ] Pumutak si Miko Reznor noong 07.12.2004 12:44 NU
Natalo ang aming Green Archers!
Grabe! Nangunguna nga tayo tapos hinayaan nilang mahabol nila tayo! Inis naman o! Wala kasi ako don sa Araneta Coliseum para mag cheer para sa kanila kaya natalo sila e! Totoo! Lahat ng napanood kong games (live), panalo ang La Salle! Ngayon, sa TV lang ako nanood kaya natalo sila! Hehehe... *Ahem* Hayaan nyo na akong pumutak ng ganitoh!
Napapansin ko lang hah! Ganito palagi ang eksena tuwing natatalo kami sa Blue Eagles e. Sa umpisa, parang mananalo kami kasi nga mataas ang lead namin tapos biglang hahabol yung mga kalaban. Nakita ko pa yung panget na pandak na LA Tenorio na iyon! Hmph! Feeling naman kagwapuhan siya!
Tapos nandoon pa si Tang na ginagamit ang numero ni Mike!
*Ahem* Hwag nating awayin ang manlalaro ng ating eskwelahan... Lahat ng unang laban sa season ng UAAP ay panalo ang DLSU... Bakit ngayon pa nagbago? At sa "rival" school pa namin hah!
Di ko nga alam kung bakit kami "rivals" e. Mas magaling kasi ang eskwelahan namin academic-wise. Sa huling survey tungkol sa mga eskwelahan sa Asia, ang DLSU ay rumaranggong top 1 pribadong unibersidad sa Pilipinas. At ang eskewlahan pa namin ang unang nagwagi ng level 4 o pinakamataas na akreditasyon ng PAASCU.
Sa katunayan nga, ni hindi ko narinig ang tungkol sa eskwelahang Ateneo noong ako ay high school pa lamang. Puro La Salle ang naririnig kong sikat. At nalaman ko lang ang tungkol sa Ateneo noong pumasok nga ako sa La Salle at sinasabi ng mga tao roon na "rival" na eskwelahan nga namin iyon.
Yung mga taga Ateneo na nagbabasa nito, hwag magalit! Gumawa na lang kayo ng sarili nyong web site at doon kayo dumakdak!
Haaay... Sana naman manalo na kami sa susunod na laban...
ANIMO LA SALLE!