Pudra Pfayls (Files)

[ 1 Komento ] Pumutak si Miko Reznor noong 02.20.2007 12:46 NH
Dahil ako'y naaaliw sa mga usapan namin ni Pudra, naisip kong ibahagi ang kanyang malalim na dunong sa inyong lahat. Ito ang ilan sa mga pinag-uusapan namen:

Reporter sa AM radio: Blah, blah, blah... Kasama sa nadukot sa mga biktima ang kanilang mga pitaka, ID, alahas... blah, blah, blah...

Ako: Hmph! Alahas?!?

Pudra: Dapat hindi na nagsusuot ng mga alahas e. Simple lang dapat.

Ako: Tamah!

Pudra: Kung mayaman ka, kahit hindi ka magsuot ng alahas, mukhang mayaman ka pa rin.

Ako: Kagaya naten, ano? Hindi na naten kailangan magsuot ng mga alahas.

Pudra: Tama.


Nyahahahahah! Korak ka jan, Pudrah! May iba kaseng ang gagara pumorma pero nakikita mo nagko-commute lang. Hmph! Pakibagayan naten ang ating mga suot sa panahon at lugar, pwede?

Eto pa ang isa nung napadaan kami sa Paranaque kagabi pagka bisita namin sa Ninong kong taga doon...
Pudra: Ang hina naman ng mayor dito. Baku-bako ang kalsada.

Ako: (Nung napadaan kami sa city hall) Iyan ba ang city hall ng Paranaque, Pudra?

Pudra: Oo. Pati tapat na kalsada butas-butas. Ang hina talaga ng mayor. Magaling lang sya sa paglagay ng pangalan nya sa mga poste.

Para sa mga hindi nakakaalam, ang mga poste sa Paranaque ay merong "JB" (initial ni Jun Bernabe) na nakatatak.

Hrmmm... Baket nga ba ang hilig ng mga pulitikong lagyan ng pangalan/initial nila ang mga pagmamay-ari ng gobyerno? Isa pang halimbawa ay si Lito Atienza na ginawang mayniLA ang pagbabaybay sa Maynila.

Personal funds ba nila ginamit para maipatayo/maipagawa ang mga iyon?!? Kaya rin siguro hindi pinapagawa ni Jun Bernabe ang mga kalsada don sa Paranaque dahil hindi nya pwedeng pinturahan ng "JB" ang mga ito.

Good luck na lang sa halalan. Miko Reznor for senator!

Si Pudra

[ 0 Komento ] Pumutak si Miko Reznor noong 12.09.2006 10:02 NU
Kamakailan ko lang nalaman na bukod sa aming mga mata, tainga at ilong, marami kaming pagkakatulad ni Pudra. Kagaya ko, mababaw din sya. Tingnan nyo na lang ang sinabi niya sa akin nung hindi ako nagmaneho dahil mag aalas 7 na at alas 8 ang pasok namin. Medyo mabagal ako magmaneho at ayaw kong mahuli kami...

Sinabi ni Pudra:

Dapat ikaw na lang ang magmaneho. Magugusot ang damit ko (dahil sa seatbelt).

O, dibah! Gusto nya ako magmaneho hindi para masanay ako kundi dahil sa damit nya. Para namang hindi rin sya masi-seatbelt kung nandon sya sa passenger seat. Heheheheh... Pudra talaga o. Smiley: Grin.

Ito pa ang isa...

Pudra: Ano'ng ginawa mo sa Landmark?
Ako: Bumili ng sabon.
Pudra: Ano namang sabon?
Ako: Pampaputih!
Pudra: Hahahah! Di ka na lang sana bumili. Di naman tatalab iyon sa'yo.

Nyahahahahah! Nilibak ako ni Pudrah! Kakaaliw naman. Di ko inakalang mapanlait din sya kagaya ko. Magkamag-anak nga kame. Smiley: Laughing out loud.

Totoo nga siguro ang kasabihang ito:

Birds of the same feather ay mga ibon.

Bwahahahahah! Pudra! Bati tayo, hah!

Maiba naman ako. Iniimbitahan ko kayong lahat na sumali sa Kwentuhan. Isa itong forum o message board. Kukulay ang mundo nyo kung pupunta kayo don (literal ito). Makipag-kwentuhan kayo sa amin don. Ang username ko don ay Miko. Kitakits na lang!

Itong parteng ito ay para sa akin para di ko makalimutan...
- Gawing tableless ang Putak
- Ang laptop ni Pudra

Ulam

[ 0 Komento ] Pumutak si Miko Reznor noong 11.25.2006 3:15 NH
Nakuuu!!! Gutom na gutom akoh! Hay, nako. Hindi lang ako nagsasalita pero hindi ako natuwa sa tanghalian namen, hah. Pinakain ba naman sa aken e sinigang na hipon. Ayaw!!! Smiley: Shakes head.

Hmph! Ang hilig ni Mudrang magluto ng mga ulam na may sabaw. E mas gusto ko yung mga pritong pagkain. Pritong hipon, manok, itlog, at iba pang niluto sa mantika at kawali. Masarap din yung inihaw.

Hindi ba nahalata ni mudra na isang hipon lang yung kinain ko at 3 subo ng kanin? Wawa naman ako... Makatira na nga lang ng cereal mamaya...

Sa ibang balita. Nakakaasar itong bwiset na ISP Bonanza na ito. Habang binibisita ko yung Blinding-Light.COM, nabulanta na lang ako nang hindi ako napunta sa page na gusto kong puntahan kundi sa ad ni Sam Milby para sa Unisilver Smiley: Gasp in shock!

Nung una, napagbintangan ko pa yung host ko na nagsisingit ng ads sa aking web site pero nahalata ko na yung ibang web sites na pinuntahan ko, ganon din. Tapos nahalata ko yung card ng ISP Bonanza. Merong picture ni Sam Milby! Ang ISP Bonanza ang salarin kaya ako nakakakita ng mga ads na iyon! Ang bagal na nga nila, nagsisingit pa sila ng ads. Grrr... Smiley: Blowing up in anger.

Sa susunod, hindi na ako bibili ng ISP Bonanza na iyan. Hmph!

Naayos ko na pala yung bug sa mga komento. Mali kasi yung petsa na nakalagay. Tama na ngayon.

Grabe. Kumukulo na ang tiyan ko. Nandyan na ako, Coco Pops...

Putak Sa Kategoriyang Hay Buhay

« Bumalik | 7 | 8 | 9 | 10 | 11 | 12 | 13 | 14 | 15 | Nakaraan »