Si Lola ATBP.

[ 5 Komento ] Pumutak si Miko Reznor noong 06.16.2006 7:47 NH
Grabeh na talaga itoh! Ang Lola (hindi ko kamag-anak, Lola lang ang tawag namin sa kanya) ko ay magpapakasal nah sa ika-4 ng Hulyo ngayong taon! At, alam nyo bah, napabalitang nagkaroon sya ng jowa noon lang Pebrero. Naaalala ko yun dahil kabababa lang ng eroplano namin sa Boracay nang nakatanggap ako ng text na nachismis ngang may kasintahan na si Lola.

Ano ba iyan! Suspicious! Bhaket ang bilis? Nang nakapanayam namin ang aming Lola sa email, sabi nya, civil wedding lang daw ito at wala silang wedding reception! Ako, bilang paboritong apo, siyempre ay nagtataka. Hindi ako imbitado? At walang engrandeng pakain?!?

Sabi naman ni Lola na mayroon daw mabigat na dahilan at ayaw daw nyang magulat akoh kaya kung magkita na lang kami saka ko malalaman. Ano pa nga bang dahilan ang pinagsasasabi nya na magugulat ako? Di malamang, nagdadalang tao na sya! Bago tayo magpatuloy, yon e teorya ko lang hah. Hindi pa niya kinukumpirma. Ipagpatuloy natin...

Ang Lola ko, magiging nanay nah! Biruin nyo, sinong mag-aakalang ang gurang na gurang (teenagers pa lang ang aking mga magulang noong una syang huminga) kong Lola na nangungulubot na ay magiging isang ina? Dati nga, iniisip kong inaamag na ang kanyang pechay. Hahahah! Joke, joke, joke! Ang tanging naikwento nya sa amin dati tungkol sa "love life" ng kabataan nya ay nung nagka-jowa raw sya ng 3 linggo lang. Ano itoh? 3 linggong pag-ibig? Hanggang ngayon, pinaniniwalaan ko na kathang isip lang nya ang lalakeng 'yon! Smiley: Laughing out loud.

Bwahahahah! Pero, marami nang nakakita kay Lolo (inuulit ko, hindi ko kamag-anak) ni Lola kaya mukhang totohanan na ito. Kakaiba talaga ang alindog ng mga matatandah! Nahumaning ata sa kanyang boses ang bago kong Lolo. O kaya naman, naramdaman ni Lola na huli na nyang pagkakataon ito kaya hindi na pinakawalan ang Lolo. Nyahahahah!

Ang sama ko, dabah? Haha. Ganito talaga kami maghiritan ni Lola. Kaya hindi ako natatakot na basahin nya ito. Alam pa nga nya ang URL nito e. Intindi naman nyang ganito talaga ako. Heheh. Anyways, Lola, kung saan ka masaya, di suportahan taka. Basta pag na-tsugi ka, wala akong kahati sa mana hah! Smiley: Laughing out loud.

Sa ibang balita, iniimbitahan ko kayong lahat na sumali sa Blinding Light MB. Ito ang message board ng aking web site, Blinding-Light.COM. Meron ding forum para sa ating mga Pinoy doon. Kaya sali na kayo!

Ang ikatlong taon ng Blinding Light Web Awards ay nag-umpisa na rin! Doon sa may mga web site, sali kayo sa paligsahang ito. Maraming salamat!

Puk-Putakan Nanaman!

[ 0 Komento ] Pumutak si Miko Reznor noong 02.23.2006 5:02 NH
Hay, nako. Matagal na rin akong hindi nakakaputak. Masyadong marami kasi ang mga pangyayari at hindi na ako nagkaroon ng panahon para dito. Mahabang istorya ito...

Pero, bago ang lahat, gusto ko lang magpasalamat sa lahat ng mga nagmensahe sa akin at nagbigay ng kanilang suporta. Salamat!

Noong huli, naikwento ko na may doktor na nagsabing may TB ako. Pumumta kami ni Mudra sa isa pang doktor. Sabi ng isa pang doktor na iyon, hindi raw accurate and skin test na ginawa sa akin ng unang doktor at dahil wala kaming x-ray na dala, hindi talaga niya masasabi kung meron nga akong TB o wala. Kaya ang ginawa namin, nagpa x-ray uli kami at nagbayad si Mudra para sa sputum test na mas accurate daw.

Sa sputum test, dapat akong bumalik sa klinika ng 3 araw para lang ibigay ang aking plema. Ang problema, wala akong ubo o sipon kaya nahihirapan akong maglabas ng plema. Puro laway lang. Ilang beses na rin akong pabalik-balik sa klinika para ibigay ito pero wala talaga. Galit na galit pa nga sa akin si Mudra dahil napakadali lang daw nito gawin.

Hello! Yung girlalush na nga ang nagsabi na mahirap daw talaga ito kung wala kang ubo o sipon. Sabi rin ng doktor kong pinsan na meron pang espesyal na makina para dito at walang ganoon ang maliit na klinikang pinuntahan namin.

Itutuloy ang "Puk-Putakan Nanaman!"...

Putakan Nanaman!

[ 0 Komento ] Pumutak si Miko Reznor noong 11.03.2005 11:40 NH
Tagal ko na ring hindi nakakaputak. Wala rin naman kasi akong masyadong maikwento. Hrmmm... Binago ko nanaman ang coding para sa PUTAK. Napansin ko kasi na sa iba kong mga web site, inaatake ako ng mga bots at mga taong walang magawa sa buhay kundi mag spam. Ngayon, naglagay ako ng anti-bot/spam script. Sana gumagana siya.

Nagdagdag din ako ng RSS feeds. Ang ginagawa nito ay ipapaalam sa mga nag subscribe sa PUTAK kung mayroong bagong artikulo na isinulat. Lupit, diba? Ito ang papalit sa mga newsletters balang araw. Bago lang kasi ito kaya hindi pa siya sinusuportahan ng karamihan. Kung gumagamit pa kayo ng Opera browser, pinapadali nito ang pagbasa sa mga ito.

Natutuwa nga ako sa lahat ng aking nagawa. Alam nyo naman na ako lang ang natuto ng pag code ng mga web site. Ang tumulong lang sa akin ay ang pagbabasa ng mga online tutorials at libro. Kita nyo naman ngayon, may mga taong nagsasabi sa akin na inspirasyon daw nila ako. Bwahahahahah! Kakaaliw talaga :P

Hay nako. Napanood ko sa balita kanina na ang kaguluhan ng mga kabataan sa France ay hindi pa rin natatapos. Naghahasik sila ng lagim doon sa pamamagitan ng pagbabato sa mga bagay-bagay at mga tao. Nanununog din sila ng mga bahay at kotse. Dahil daw sa "matinding kahirapan" kaya sila nagkakaganon. Hmph! Magtigil nga sila diyan! Pumunta sila dito para makakita sila ng tunay na kahirapan! Smiley: Snob.

Iniimbitahan ko nga pala kayong bumoto sa Second Annual Blinding Light Web Awards. Ang pagboboto ay matatapos sa ika-30 ng Nobyembre. Ilalantad ang mga nanalo sa ika-2 ng Disyembre na siya ring ikalawang anibersaryo ng Blinding-Light.COM. Kaya bumoto na kayo ngayon! Salamat!

Putak Sa Kategoriyang Hay Buhay

« Bumalik | 7 | 8 | 9 | 10 | 11 | 12 | 13 | 14 | 15 | Nakaraan »