Pag-Alala Kay Selzki

[ 4 Komento ] Pumutak si Miko Reznor noong 08.31.2007 5:53 NH
Huhuhu... Selzki!!! Wala na si Selzki sa mundo ng Orient Square, Ortigas!!! Huhuhu... Smiley: Crying.

Wala na akong kasabay sa tanghalian with matching ulam.
Wala na akong kachismisan.
Wala na akong ka-Y!M pag gusto kong manlibak.
Wala nang magpapadala sa akin ng links sa kakatuwa/kakaibang balita.
Wala na akong matatanong kung may katangahan ako sa direksyon papunta sa isang lugar.
Wala nang magpapaalala sa akin kung meron akong nakalimutang i-update.
Wala na ang aming Reyna Elena, ang orihinal na muse ng aming team.
Wala na ang writer of all walks of life and seasons.
Wala na ang aming North Star at araw.
Wala na si Selzki...

Huhuhu... Eto ang ilan sa mga iniwan nya sa akin: In memory of Selzki... Nagse-senti lang. Virgo kase ako. Naapektuhan ako ng lunar eclipse ayon sa mga astrologers...

Alexa Rank: 132048.

Ang Sinapit Ko

[ 5 Komento ] Pumutak si Miko Reznor noong 01.13.2006 10:38 NU
Dahil ako ay malungkot, di ko na hahabaan ang istorya. Sabi ng doktor na nakita ko kanina, meron daw akong TB. Sabi ni Mudra, magpapatingin kami sa ibang doktor para makakuha ng ikalawang opinyon. Sabi ni Pudra, dahil daw ito sa sobrang exposure ko sa radiation galing sa computer at kaka-internet ko kaya ako nagkaroon ng ganitong karamdaman. Sa kasalukuyan, tulog si Blitzwing kaya wala siyang komento.

Iiyak na ako ngayon Smiley: Crying.

Putak Sa Kategoriyang Hinagpis

« Bumalik | 1 | 2 |