Commute

[ 1 Komento ] Pumutak si Miko Reznor noong 04.14.2007 9:03 NH
At nasabi ko sa huli kong pinutak ang mga dahilan kung baket ayaw ko mag-commute. Nadagdagan pa ang listahan ko ngayon... Hmph! Matapos akong mamili sa SM Southmall kani-kanina lang, sumakay ako ng taxi na may plate number TYB 977 ng DENCOR. Kung minamalas nga naman ako, o...

Kasasakay ko pa lang, kinontrata agad ako at sinabing isang-daang piso ang dapat kong bayaran (kulang-kulang singkwenta pesos ang bayad kung nag-metro sya). Ang malala pa nito, habang nagbibiyahe kame, bigla akong nakalanghap ng di kaaya-ayang amoy. Inututan ba naman ako ng driver!!! Grrrr... Smiley: Blowing up in anger.

Huhuhu... Trapik pa naman... At nakapaloob kami sa airconditioned na sasakyan... Huhuhu... Muntik na akong mamatay!!! Wawa naman ako... Smiley: Sad.

Nasusuka Ako

[ 0 Komento ] Pumutak si Miko Reznor noong 01.16.2007 4:57 NH
Kanina pa. Dinaan ko na lang sa Starbucks. Umayos ako ng konti pero ngayon bumabalik nanaman. Hmph! Sobrang sama ng loob ko at parang ang bilis ng kutob ng aking puso... Nakakalimutan kong huminga. Huhuhu... O baka dahil kumain ako ng pagkaing mayaman sa cholesterol kaya sumisikip ang dibdib ko ngayon...

Huhuhu... Maglalabas na lang ako ng sama ng loob dito...

Pag may nakita kayong hagdan at kung may rampa sa tabi nito, don kayo sa hagdan umakyat dahil yung rampa ay para sa mga disabled. 'Di ba kayo marunong magbasa ng mga senyales? Pag may nakita kayong tingting na tao na nakasakay sa wheelchair na simbulo, pang disabled ang lugar na iyon. Hindi nyo ba maihakbang ang mga paa ninyo at kailangan nyo pang umakyat sa rampa na para sa disabled? Hmph!

Ang sintron ay sinusuot sa belt loop. Hindi ko lubos maisip kung bakit ang ibang tao ay isinusuot ito ibabaw ng kanilang mga pantaas na damit. Vhaket?!? Ipaliwanag nyo nga sa akin itoh! Nauso iyong noong mga '80s e. Matagal nang laos iyon. Pwede hwag na nating ibalek? May dahilan kung bakit inimbento ang belt loop. Gamitin natin sila, hah?

Hwag tayo magkalat kung saan-saan. Maraming basurahan sa mundo. Iyon ang gawing tapunan. At, kung may nakita kayong 2 basurahan na magkatabi at isa sa kanila ay kulay green, yung kulay green ay para sa biodegradable waste o nabubulok na basura. Ibig sabihin nito, hindi kasama ang mga plastik, styrofoam, filter ng sigarilyo at iba pa. Maliwanag ito hah. Green = Nabubulok. Intyendeh?

Itinayo ang overpass o underpass para don kayo tumawid at makaiwas sa disgrasya. Ito ang susi: makaiwas sa disgrasya. May ibang tinatamad at pinagpipilitan pa ring mag jaywalking. Tapos kung nasagasaan, sila yung iiyak-iyak dyan. Ano ba naman ang akyatin ang ilang palapag ng hagdan? Kailangan nyo rin naman ng ehersisyo. Hwag natin sayangin ang pera ng gobyerno sa pagpapatayo ng mga overpass. Itinayo ang mga iyan para sa atin. Gamitin natin silah!

Sa mga taong mahilig magsuot ng mga hipster o mga low waist na pantalon, dapat mahilig din kayong magsuot ng mga hipster na pang-ilalim. Para pag tumuwad kayo, wala kaming nakikitang di kaaya-aya, noh. Buti kung mga underwear nyo e Calvin Klein o Victoria's Secret, matatanggap pa namin na gusto mo silang ipagmalaki. Pero, kung hindi rin lang (lalo na kung mga "bacon" na), pwede sikretong malupet na lang ninyo iyon? Hindi namin kailangang makakita ng mga ganoong bagay, ok?

Hay... Kanina pa ako pumuputak dito. Makaalis na nga. Gusto kong magbasa ng komiks... Mag kwentuhan na lang tayo sa ibang pagkakataon. Hanggang sa muli!

Listahang Kainis

[ 7 Komento ] Pumutak si Miko Reznor noong 11.11.2006 12:42 NH
Kagaya ng pamagat ng pinuputak ko ngayon, ito ang mga kinaiinisan ko...

Yung mga taong ang hilig sa libre. Mga pobreh! Masyado kayong demanding pero wala naman kayong pambayad. Kung manghihingi na rin lang kayo, yung tama lang. Hind yung buong kamay ang kukunin ninyoh. Ano kayo? Mga patay gutom?!?

Si Jeffrey na MABAHO! Ako, kagagaling ko lang sa TB hah. Hindi ko kailangang amuyin ang amoy usok mong mga kamay araw-araw!!! Tigil-tigilan mo akoh! Inuubo ako ngayon dahil sa iyoh! Mahiya ka sa masangsang at matigas mong balat! Hmph! Smiley: Snob.

Sa mga nagme-make-up at nagsusuklay sa publiko, yaaaak kayo! Wala kayong ka-kultu-kultura. Kaya nga ginawa ang mga restrooms hindi lang para sa ating personal na mga pangangailagan kundi para na rin gawin ang mga ganyan. Hindi ba kayo nagtataka kung bakit may malalaking salamin ang mga CR? Para ayusin nyo ang sarili ninyo. May tamang lugar para magpaganda, ok?

Itutuloy ang "Listahang Kainis"...

Putak Sa Kategoriyang Inis

« Bumalik | 1 | 2 | 3 | 4 | 5 | Nakaraan »