Si Taba

[ 2 Komento ] Pumutak si Miko Reznor noong 07.04.2004 4:26 NU
Talagang ginagalit ako ng naturingan kong "kaibigan" hah! Paano ba naman kase, tinext nya ako nung Miyerkules at sinabihang hwag muna manood ng Spider Man 2. Reply naman ako, "Bakit? Libre mo ako?" Sabi naman nya oo.

Thursday naman, text nya ako na hindi raw siya makakapunta at ako na lang daw magbayad ng ticket na PhP150. Tanong ko naman sa kanya kung sino kasama ko. Yung mga kaklase ko raw nung college. Sinabi ko ayaw ko kase wala akong ride at palagay ko extra lang ako don (isa akong mahiyaing tao).

Hindo ko raw ba nami-miss ang aking mga blockmates? Hindi pa naman... At gusto pa niya akong mag taxi papuntang Rockwell at pagkatapos ng sine, magta-taxi naman ako papuntang office niya para maihatid niya ako sa bahay namin. Hello! Hindi ako ganon ka-desperadang manuod ng Spider Man 2 anoh!

Tinawagan niya ako nung ika-7 ng gabi noong Friday. Masama ang pakiramdam ko, may sipon at ubo, tulog ako buong araw at masakit lalamunan ko. Nasaan na raw ako dahil hinihintay na ako. Ang tono pa ng boses nya ay parang isang "nagging wife". Sinabi ko nga sa kanyang wala akong balak umalis ng gabing iyon. At siya pa itong nagalit at sinabing hindi na niya ako ililibre! Pasensya pero hindi ko kailangang magpalibre! "Can afford" ata itoh!

Kailan ko sinabi na makakapunta ako?!? Naaalala ko pa ang sinabi ko sa text ko, "I don't like!" Ilang beses ko ring tinanong sa iyo kung kailan sila manonood at hindi mo sinabi sa akin. Akala ko nga Sabado yun e! Ako tigil tigilan mo ako hah! Alam ko naman kung ano'ng nangyari e: Nagplano silang manood ng Spider Man 2 at nagpareserba na sila ng tickets, sinabi mong makakapunta ka (pero alam mo na hindi ka makakapunta dahil may trabaho ka), ako naman ang tinext mo dahil alam mong wala akong ginagawa, sinabi mo sa kanila na ako ang pupunta sa lugar mo para hindi ka magmukhang masama at nang-iwan sa ere.

Ngayon, ako naman ang masama. Tigil tigilan mo ako hah! Magkano ba ang PhP150? Babayaran ko na lang iyan para sa iyo! Wala ka namang balak isama ako sa umpisa e. Naalala mo lang ako dahil alam mong hindi ka makakapunta at binilhan ka na nila ng ticket.

Ganyanan na pala hah? Kamusta ka na? Naalala mo bang tanungin iyon noong tinetext mo ako? Mabuti naman ako. Smiley: Snob.

Putak Sa Kategoriyang Inis

« Bumalik | 1 | 2 | 3 | 4 | 5 |