Kasalan

[ 0 Komento ] Pumutak si Miko Reznor noong 03.20.2009 1:51 NU

Una sa lahat, binabati ko si BB... *Ahem* Jonas pala. Sa wakas, nakilala ko na ang asawa mo. Salamat din sa pag-imbita mo sa akin sa iyong kasal sa simbahan. Syempre magtatampo ako pag hindi ako napasama don noh!

Mag usap kasalan naman tayo dahil iyon ang titulo ng aking puputakin. Alam nyo ba na dapat binibigay ang imbitasyon sa kasal mga 6 hanggang 8 linggo bago ito gaganapin? (Pero dahil kaibigan kita, B...Jonas, palalampasin ko iyon.)

Alam nyo rin ba na pag sinabing "Strictly Formal" o "Black Tie" sa imbitasyon, kadalasan dapat ang kasalan ay ika-6 ng gabi pataas?

Pero syempre, kung hindi alam iyon ng ikakasal, ano pa ba ang magagawa nyo? E di mag pormal-pormalan kayo.

Ano nga ba ang dapat isuot pag sinabing Strictly Formal o Black Tie?

Itutuloy ang "Kasalan"...



Sardine Pasta Ni Miko

[ 5 Komento ] Pumutak si Miko Reznor noong 01.11.2009 6:08 NH

May kasabihang, "too many cooks in the kitchen," at dahil wala sila Mudra naisipan kong magluto.

Bakit? Para hindi ko na lalong payamanin ang 8-McDo o Yellow Cab at dahil walang pakialamera at magmamagaling, kung palpak, ako lang makakaalam non. Heheheh Smiley: Wink.

Hindi naman masama ang kinalabasan kaya ibabahagi ko sa inyo kung pano ko ginawa ang eksperimental kong Sardine Pasta.

Ito ang mga kakailanganin:

Litratong gamit sa Putak: Filipino Blog Litratong gamit sa Putak: Filipino Blog Litratong gamit sa Putak: Filipino Blog

1/2 paketeng fusilli pasta
1 boteng sardinas sa olive oil
1 maliit na latang hiniwang mushrooms
1 latang buong binalatang kamatis
2 pirasong bawang na tinadtad na pino
1 tinadtad na puting sibuyas
Asin
Paminta

Kaya fusilli ang pinili ko at hindi spaghetti ay para pwedeng pwede syang maluto sa katamtamang tangkad na lutuan. Mas kaunti ang gagamiting tubing, mas tipid sa gas at isa lang ang huhugasang lutuan. Pwede rin ang elbow macaroni, shell, penne, rotelle, atbp. kaya lang mas gusto ko talaga fusilli.

Itutuloy ang "Sardine Pasta Ni Miko"...



4 Seasons Ni Miko

[ 4 Komento ] Pumutak si Miko Reznor noong 11.29.2008 10:39 NH

Kamakailan, sinabihan ako ng aking doktor na maganda sa katawan ang carrot juice. Dahil hindi ko kayang inumin ang purong carrot juice, nagdagdag pa ako ng ibang prutas para hindi sya ganong kadiri inumin.

Gamit ang aming maliit na juicer, sa wakas, nakapag eksperimento ako ng kaatim-atim na kombinasyon:

1/2 kilong carrots
2 mansanas o peras
2 orange
4-6 na kamatis

Nakakagawa ng 2 baso ang mga ito. Kung gusto nyo pang may arte sa presentasyon, isalin sa matangkad na baso at lagyan ng 1 tankay ng celery na may kaunting dahon.

Mayaman ang inuming ito sa bitamina A at C. Mataas din ito sa fiber. Subukan nyo Smiley: Wink.



Putak Sa Kategoriyang Kaalaman

1 | 2 | 3 | Nakaraan »