Hiwaga ng Sun Cellular Philippines

[ 0 Komento ] Pumutak si Miko Reznor noong 10.02.2007 8:55 NH
Kani-kanina lang, nakatanggap ako ng liham mula kay Ginoong A.R. Martinez tungkol sa kabulukan ng Sun Cellular. Hindi lang pala ang serbisyo nila ang bulok. Pati na rin ang pamamalakad nila dito. Eto ang nilalaman ng liham ni Ginoong Martinez:

Sun Cellular Cell Site

Magandang araw sa lahat ng mga readers. Eto pong isusulat kong hinain ay hindi tungkol sa cellphone services ng sun cellular, ito ay tungkol sa kontrata ng Sun cellular sa father ko.

3 months ago, nilapitan ng mga ahente ng sun cellular ang father ko about a pice of land na gusto nilang lagyan ng cellsite. For almost everyday, pumupunta sila sa bahay namin asking for pertinent documents about the property. In short, nakipag deal sa kanila ng ayos ang father ko, wala silang naging problema.

Now here is the problem. Hanggang ngayon ay di pa nila nababayaran and lease nila sa lupa. We've been calling the agent asking why they havn't paid my father. Sabi nya, di na raw nya yon hawak dahil sya ay ahente lamang. Binigyan nya kami ng pangalan, a certain Lea who works at their Makati office.

My father spoke to Lea last week, sabi nya pina follow-up nya ang problema namin. My father asked for a copy of the contract that Sun Cellular and my father signed onto. Kailangan na namin ng contractr dahil lalapit na kami sa abogado. Kasi sabi ng tatay ko, ang kontrata daw na pinirmahan nya says the following, "the payment will be in fathers bank account once they start digging onto the parcel of land located at Brgy. Paliparan, Dasmarians, Cavite." Nagsimula silang maghukay about 8 weeks ago. Binisita namin ung cell site, operational na ung antenna nila, wala pa rin natatanggap na bayad ang tatay ko!!!

About 30 minutes ago, nakausap ko ung Lea, dahil ayaw na ang tatay ko na kausapin sya at hina high blood. I was just asking her questions, bigla ba naman akong bagsakan ng telepono. When I tried ringing her back, patay na ung cell phone nya. So what do you think shouldI do? Eto, ang magreklamo lamang.


Kita nyo? Mga kriminal ang nasa Sun Cellular! Kriminaaal!!! Dapat sa mga iyan, dinedemandah!!! Pero kung gusto nyong makipag-usap ng matiwasay, eto ang paraan para ma-contact sila. Walang kawala sayo ang mga tao sa call center nila dahil hindi nila pwedeng patayin ang kanilang telepono.

Babala: Bago mo magamit ang email form nila, dapat may Sun Cellular phone number ka. At, may maximum of 300 characters dapat ang iyong mensahe.

Gawin bang parang text messaging ang email. May limited amount of characters? Pati ba naman dyan, bulok ang Sun Cellular?

Para nga pala sa mga hindi nakakaalam, ang Sun Cellular is one of the cellphone service providers in the Philippines. Kung gusto nyo ng matinong serbisyo, hwag kayo mag subscribe sa Sun Cellular.

Sya nga pala, Ginoong Martinez. Paano nyo nalaman ang tungkol sa Putak? Nag search ka ba ng Sun Cellular bulok sa Google? Alam ko, number 1 ang Putak dun e. Heheh Smiley: Wink.

Sa mga mambabasa ng Putak, kung meron kayong alam na paraan para matulungan si Ginoong Martinez sa kanilang problema tungkol sa Sun Cellular Philippines, sabihin nyo lang.

Alexa Rank: 132938.

Ang Sinapit Ni Blitzwing

[ 3 Komento ] Pumutak si Miko Reznor noong 12.25.2005 10:28 NH
Walang duda. Ito na ang pinakamalungkot na Paskong naranasan namin. Paano ba naman kasi, nasagasaan noong nakaraang Huwebes ang isa sa mga Putakers na si Blitzwing. Tumatawid siya papuntang Metrobank sa Alabang-Zapote Road nang biglang bumuhos ang mga sasakyan at pininahan siya ng driver ng taxi na may plate number na PYN 422 ayon kay Mudra. Garay ang pangalan ng nagmamay-ari nito.

Ang nakakainis pa rito, noong nabundol siya, dinala siya sa napakalayong hospital dahil walang pera ang driver at libre lang doon. Inuwi pa siya pagkatapos makita ang doktor. Pinagpilitan pa ng driver sa amin na 5 araw lang daw na pahinga ay magaling na siya. E nung nakausap ni Pudra yung doktor, kailangan pala siyang operahan agad.

Dahil Pasko na nga, siya lang yung doktor na available para siya operahan. Tumawag si Mudra sa Asian Hospital And Medical Centre pero yung mga doktor na nag-oopera ay nakabakasyon daw. Kung lagnat-lagnat lang daw, marami silang doktor pero wala sa mga komplikadong karamdaman. Doon tuloy kami napunta sa Las Pinas Doctors Hospital. "Big Private" ang kinuha naming kwarto pero mga 2/3 lang iyon ng "Small Private" sa Asian Hospital. Nakuuu!!! Smiley: Mad.

Eto pa ha, yung operator ng taxi, mali yung binigay na telepono sa amin noong nag-usap sila ni Mudra. Di umano, masyado raw siyang naguluhan dahil ang dami nga raw niyang problema kaya nagkamali siya sa pagbigay ng kanilang telepono. Nakuha naman namin ang kanilang tunay na telepono at noong makausap ay 5000 lang daw ang kanilang pera at 'yon lang daw muna ang ibibigay sa amin.

At, ang driver na nakasagasa sa kanya ay namamasada pa rin hanggang ngayon pero tricycle naman. Wala raw pera at kung pwede raw pagtrabahuhan nya ito. Ano siya? Lahat ng mga kumpanya ay nirerequire na lahat ng empleyado nila ay may "good moral character". Sa tingin ba niya e hahayaan namin siyang magtrabaho para sa amin?!? Wala man lang siyang karespe-respeto sa mga tao. Gaano kahirap ba naman ang pumreno ka?!? Talagang sinadya niyang sagasaan si kapatid ko. Meron pa siyang, "bumulaga lang siya" dyan. Kalaking tao ng kapatid ko, paanong hindi nya ito makikita?!?

Sabi nga ni Pudra, tatapusin muna namin ang pagpapagaling kay Blitzwing at saka namin sila hahabulin. Hindi naman sa can't afford kami (swerte pa nga sila hindi kami sa Asian Hospital napunta e) pero maligalig na nagpapasko ang driver at ang operator ng taxi habang kami ay nasa ospital. Dapat nga pupunta kami sa Hong Kong bukas at babalik hanggang 31 pero hindi natuloy dahil sa kanila. Kakarmahin din sila. Sana nga maipakulong ni Pudra ang kriminal na iyon Smiley: Snob.

Ito ang mga litrato para makita nyo ang kanyang sinapit...

Itutuloy ang "Ang Sinapit Ni Blitzwing"...