Win Or Lose It's The School You Choose

[ 0 Komento ] Pumutak si Miko Reznor noong 10.03.2008 1:29 NH

Ganito pala magdiwang ang mga taga Ateneo sa pagkapanalo ng kanilang Blue Eagles sa 2008 UAAP Men's Basketball...

Litratong gamit sa Putak: Filipino Blog

In fairness, nagsikap sila hah. Gumastos sila sa pambili ng pintura at malaki ata ang panahon na ginugol nila sa pagpipinta ng mga pangalan ng manlalaro ng La Salle at may arrow pa ang mga ito.

Tapos? Balak nilang sunugin ang mga pangalan ng manlalaro ng DLSU Green Archers na pinaghirapan nilang gawin? At habang nasusunog ang mga ito, magsasayawan at maghihiyawan din ba sila sa palibot ng kanilang bonfire na parang kulto?

Ilang taon na ring nanalo ang DLSU Green Archers sa UAAP Men's Basketball pero ni minsan, wala akong nabalitaang umakto ng ganyan ang mga La Sallan.

Nung nanalo rin ang Ateneo Blue Eagles, wala akong sinabing di kaaya-aya kundi pagbati sa kanila at papuri kay Chris Tiu (na kinaiinggitan ko pa rin dahil hubad silang magkatabi ni Papa Derek Ramsay--Oatmheeeaaal!).

Haaay... Sino ba naman ako para manghusga ng mga ginagawa ng iba? Nagsaya sana sila sa kanilang sunugan. Ikalago sana iyon ng kanilang pagkatao.



Filipina Hubad

[ 1 Komento ] Pumutak si Miko Reznor noong 11.27.2006 9:25 NH

Nyahahahahahahahah! Smiley: Laughing out loud.

Numero uno nanaman ang Putak sa Google kung hinahanap mo ang keywords na filipina hubad. Hay, nako... Kung tutuusin, hindi naman ganon karami ang kakompitensya ko kaya nasa taas ako ng Google.

Pero kahit na. Sa mga 100 bisita bawat araw ng Putak, karamihan sa kanila ay nakakapunta rito gamit ang "filipina hubad" na keyword. Marami a rin sigurong naaasar sa akin dahil naghaanap sila ng mga hubad na Filipina e puro manok at putakan lang ang nakita nila dito. Nyenyenyenyenye Smiley: Taunting.

Heehee. Buti nga sa inyo! Malalaswa kayoh! Kasalanan iyan sa Diyos!



Mga Pirata

[ 1 Komento ] Pumutak si Miko Reznor noong 08.11.2006 5:12 NH

Dami talagang mga kapal muks na tao na pinagkakalat sa buong mundo na gumagamit sila ng pirated software. Eto pa, sinasabi pa niya sa mga tao na padalhan sya ng full version ng isang kilalang image editing program. Ang sarap sabihin sa kanya, "Iha, ang program na iyon ay binabayaran. Hindi hinihingi sa kung sino mang meron nito."

At, ang nakapagtataka pa nito ay gumagamit daw siya ng Adobe Photoshop CS2. Alam nyo ba kung magkano iyon? $589.99 lang naman sya sa Amazon at discounted price pa iyon hah. Kung yung hinihingi nga nyang program na PSP $79 lang ang full version at hindi pa niya mabili, sa tingin nyo ba, kaya nyang bilhin yung PS CS2?

Hrmm.... Suspicious dibah? Kaya kayo diyan, para hindi kayo mapaghalataang pirata, hwag nyong sasabihin kung anong software ang ginagamit nyo (pwera na lang kung talagang binili ninyo ang orihinal na bersyon nito). At kung gusto nyong humingi ng mga full version na programs, mas mabuti siguro kung hindi nyo pino-post sa inyong web site na padalhan kayo nito.

Sino nga ba ang tinutukoy ko? Hindi sya Pilipino at yung web site lang naman nya ay may initials na KD.



Putak Sa Kategoriyang Opinyon

1 | 2 | 3 | Nakaraan »